You see, I got so stressed out with the idea of house-hunting in BC so I deliberately searched for a new hobby to keep my mind off it. At para na rin malibang ako dito sa Pinas kasi sa totoo lang, bored na ako. Sakto naman na nakita ko ito sa posts ng isang IG mom that I stalk. Yep, whenever I am left with free time, I stalk people in IG. Mga random, ordinary people lang, because I am curious on how they conduct their daily lives. Siguro I will always be a Sociologist kahit hindi na ako practicing.
Anyway, I originally wanted to go back to cross stitching so I can produce some works that I could hang in our future house. Kaso wala ng nagtitinda ng cross stitch materials dito. Hindi na yata uso? I actually have a lot of unfinished projects pero nasa Canada naman, pinadala ko when I was pregnant kaso hindi ko naman nahipo. Pero yun nga, I learned na itong diamond painting (or rhinestone art) na pala ang "in" ngayon.
I had no idea where to buy a kit so I googled. Ayun, sa Lazada pala may mga nagbebenta. Naka-experience na akong bumili sa Lazada last year so alam ko na how to order. Cash on delivery naman. For my first diamong painting project, I chose a small but colorful design. Baka kasi hindi ko magustuhan kaya subok lang muna.
My package had arrived in less than 2 days. I was so excited that I started doing it right after I opened it. Finigure out ko pa nga how. It was only after finishing it that I realized na hindi ito ang design na inorder ko. It's a "spring" tree and I ordered a "summer" tree.
Tsk, nainis talaga ako. Kasi there are sellers na nagbebenta nito ng Php399, sa ibang seller ako bumili kahit mas mahal ng Php10 kasi nga may summer tree siya (na wala sa ibang sellers) tapos iba naman pala ang ipapadala. Out of stock na malamang kasi siya na lang ang nagpo-post ng summer tree eh. So there, lesson learned pag nag-order online -- icheck talaga ang item kung tama ba.
Anyway, I finished my first ever diamond painting in less than 3 days (pasingit-singit lang yun ha). They say I was fast, pero siguro sanay lang talaga ako magcross stitch kaya madali na para sa akin. Diamond painting is definitely so much easier, super addicting din. Talagang naaliw ako.
I immediately placed another order for a bigger design. Sobrang big nga, in fact, 4 feet by 2 feet siya. Namurahan kasi ako, Php1,169 lang (free shipping pa) eh ang mahal nyan sa iba.
I was so happy when I received it kasi nasa magandang box talaga at kumpleto sa gamit. My mother was so skeptic na matatapos ko. Ang dami ko raw kasing sinimulan na cross stitch na malalaki na hindi ko tinapos. I assured her na kaya ko, pero malamang na sa Canada na. Tamang-tama kako para sa bago naming bahay.
But because I knew na mahilig din si Mamoosh sa mga ganyan, I told her igagawa ko siya ng mas maliit (at realistic tapusin agad) ng konti. Ayaw daw niya kasi nung pink tree ko (the first that I made) kasi hindi niya maintindihan. So I showed her several designs so she could choose. Inorder ko uli sa Lazada (Php598, including shipping fee).
Kaso ang palpak naman. Hindi pala siya fully beaded. Yung four flowers lang ang lalagyan ng beads. Waaah asar-talo kami ni Mamoosh, sayang ang pera! Dapat ipapa-frame ko na rin ito tulad nung pink tree kaso I couldn't force myself to pay for another Php500+ para sa pangit na diamond painting na ito.
Another lesson learned -- make sure to know all the details of what you're ordering. Hindi ko kasi inalam kung fully beaded nga ba ito o hindi. Walang nakalagay sa site so I should have messaged the seller, tsk. Saka sana inalam ko kung pwede pa bang isoli. Ginawa ko kasi agad hoping na maganda pag natapos.
To make it up to Mamoosh, I told her I'll finish this na lang tapos iiwan ko na dito sa bahay. Kaya kinarir ko na talaga. Sabi ko alagaan nila si Nathan para matapos ko haha!
Kaya yan po ang dahilhan ng kabusy-han ko the past days lol. The thing is, nagwi-withdrawal syndrome ako ngayon. I am itching to start another project again but I want to rest my eyes muna. Saka hindi ko pa alam kung anong design ang gusto kong gawin next. Sadly, walang masyadong choices sa Lazada. Maraming maganda pero hindi nga fully pasted. I researched and may mga sellers naman sa Facebook kaso out of stock din ang mga gusto kong designs tapos super pricey pa. Oh well, bahala na nga. Relatively new pa lang kasi ang diamond painting kaya konti pa ang suppliers and designs.
O siya, I have so many kwentos na naipon. Stay tuned ha!
No comments:
Post a Comment