Anyway, when I came here in Canada, nabawasan na ang pagkatakam ko. Kasi ba naman ang tabang ng frappucino nila dito! Oh well, sa lahat naman ng bansang napuntahan ko eh natabangan ako sa frappucino. Iba talaga ang lasa sa Pinas, masarap talaga. Biased nga siguro ako (kasi sanay ako sa frapp ng Pinas) but my friends have the same opinion din eh. Kaya nga I consider Starbucks as one of my big sacrifices din sa pag-migrate ko dito lol.
But aside from the taste, I also noticed na di naglalagay ng chocolate syrup (they call it mocha sauce) ang mga barista sa may whipped cream. Ang corny di ba? Pero may ilang stores (konti lang as in) na naglalagay din naman. Basta in general, wala talaga.
Sometimes, when the baristas aren't busy, I would ask them to put some syrup on my frappucino. Then I would see shock on their faces. Weird ba talaga yun?
The last time I asked a barista, he told me to request it at the counter the next time I order. Ang sungit naman.
Eh di ginawa ko na nga. Ayun, "special order" with matching label sticker pa talaga. At "mocha drizzle" ang tawag.
Trust me, the drizzle makes a lot of difference in taste. Plus I learned that you have to actually mix the whipped cream to the beverage for it to taste better (dati kasi hindi ko hinahalo, kasi nga there's so much calories on the whipped cream di ba). Kaya ngayon masarap-sarap na ang frappucino dito sa panlasa ko.
-----------------------------------
Oops, another thing I learned din nga pala sa Starbucks dito, if you want water, tell it in advance. Sabihin mo kasabay ng pag-order mo, or else pipila ka uli. Some stores are generous sa cups, ilalagay talaga nila sa cup ng frappucino with lid pa.
No comments:
Post a Comment