I know na tapos na ang pasko pagdating ko so sabi ko ihahabol ko na lang ang gifts ko. But they said aantayin na lang nila ako. Na-touch naman ako.
Usually pare-parehas ang binibigay namin to all the girls but I thought that it will be more practical if we give (and get) something that we want/need/like. They all agreed naman. Haha, partida nga pala sa akin yan kasi I have a lot of time to shop lol. Mageenjoy pa ako sa paghahanap!
By the way, we don't give expensive gifts to each other nga pala kapag Christmas. Though they are all earning well (ako lang ang jobless kaloka!), syempre may kanya-kanyang family responsibility na kami. Kaya usually "token" lang talaga ang inaabot namin. Cliche as it may sound, it's the thought naman talaga that matters di ba?
So you want to know what their requests are? Paper weight, blanket, USB, Johnson's Baby Lotion, ref magnet, clothes travel organizer, bath/hair towel, travel bag tag, Human Nature Night Cream / Sunflower Beauty Oil, lip balm, scotch tape dispenser, continuous ink refill for canon, pencil sharpener. Ang sisimple lang di ba?
Eto naman ang wish list ko:
- Rich People Problems book -- meron nito dito pero mas mura sa Pinas haha!
- University of the Philippines (UP) mug -- medyo nahihilig ako sa coffee mugs ngayon kasi paminsan-minsan ay nagkakape nako
- Bento-making tools -- marami nito sa Pinas at usong-uso
- Cute post-its, note pads, stickers, washi tapes (planner paraphernalias) -- marami rin nito sa Pinas
- Pastel Stabilo highlighters -- dream ko magkaroon nito, as usual wala dito at meron sa Pinas
- Universal USB socket -- gustong-gusto ko ring magkaroon nito kahit mukhang di ko naman magagamit dito sa Canada
I am so excited sa exchange gifts namin haha! It will be fun to know kung anu-ano ang mga nahanap namin for each other. Parang bata lang kami uli. I'll surely post later kung ano ang mga nabili ko. =)
No comments:
Post a Comment