Juris (my new friend here in BC) and I have agreed to do trick-or-treating in their neighborhood in Langley. At dahil medyo malayo ang place nila (around 30-minutes car ride or at least 1-hour public commute), Nathan and I had to wait for Daddy Ford pa after office hours para may masakyan kami.
So para hindi naman masayang ang araw at outfit ng bagets, sabi ko sa Guildford Town Centre muna kami magtrick-or-treat. We live just across this mall kaya naglakad lang kami. I wanted to get there by 3pm sana kaso nawala ang Captain America shield ni Tantan. Kaloka, kung kelan kailangan saka hindi mahanap! Halos one hour ko yatang hinanap, tapos nasa ilalim ng dining chair lang pala.
Past 4pm na kami nakarating sa mall. Hindi ko pa binihisan ng costume si Nathan kasi baka mairita at ayawan agad. Pero pagpasok na pagpasok namin sa mall, sangkatutak na batanag naka-outfit ang bumungad samin kaya naatat kami pareho. Haha, dali-dali ko siyang binihisan sa may couch, hindi na kami nagpunta sa washroom. Feeling ko late na late na kami lol. Medyo naloka lang ako nang parang ang sikip ng damit ng maisuot na. Parang gusto kong maiyak at tumakbo sa Walmart para bumili ng bago. We fitted that costume two weeks prior to Halloween at ayos naman ah. O siya, wala ng magagawa. Hindi naman nagreklamo si Nathan at feel na feel pa nga.
It's good that Nathan saw agad a lot of other kids na nabibigyan ng candy. Ang bilis ko siyang nabigyan ng instruction na lumapit sa nagbibigay.
This was his very first gig. Medyo shy pa siya.
But later on, ayun super enjoy na sa panghihingi ng candies! Kapag may tinuro ako sa kanya na store na nagbibigay ng treats, tatakbo siya agad papunta haha.
Ito yung first trick-or-treat niya na may muwang na talaga siya. Buti rin nakapanood siya sa youtube so may idea na talaga siya how it's being done.
Guildford Town Centre is the second biggest mall here in BC yata kaya marami ring tao. Pero hindi naman advertised ang trick-or-treat nila. According to one Pinay mom na nakausap ko last year, nagstop na sila maghold ng formal trick-or-treat. Kaya nga hindi kami dito nagpunta last year. Siguro nakagawian na rin lang ng mga stores na mamigay ng treats kaya meron pa rin kahit papano.
It's safe to go trick-or-treating sa mall kaso konti ang treats syempre. Paisa-isa lang ang bigay at syempre hingi gaanong bongga ang candies. Hindi rin lahat ng stores nagbibigay.
Haha, panalo sa costume ang pamilyang nasa upper right! Kinarir talaga nila ang Halloween! |
Nathan is actually very scared of mascots. Duwag talaga yan. Pero nanaig ang excitement over fear, ayan at nagpapicture rin kay Spiderman.
Daddy Ford arrived at around 5pm. Medyo maaga kasi galing siyang site. After changing Nathan's nappy, konting lakad pa at picture-taking syempre.
We didn't get that many treats (half lang ng Chase basket) but it was fun. Nathan had a great time seeing other kids in different costumes. And when I told him we'll go to Zoey's (Juris' daughter) house para magtrick-or-treat uli, ayon lalong na-excite. More candies daw.
No comments:
Post a Comment