First time naming mag-Max's dito sa Vancouver last July 15 (you know, pre-D-Day days). Malapit lang pala sa Metrotown Mall. They've been operating since 2012 pa, sa Edmonton eh 2014 lang nagbukas.
It was a Saturday night and the place was packed. We had to wait a little to be seated.
They sell pala Pinoy beer there. Haha, my Ilocano husband wouldn't dare order one kahit favorite niya ang San Mig Light. Kuripot yun eh lol.
Max's in Edmonton is bigger and with more function rooms. Dito sa Vancouver, isa lang yata. Pero sa Edmonton alam ko nahihirapan silang magmarket for events like baptismal, wedding reception, etc. kasi nga relatively mahal sa Max's kumpara sa ibang restaurants.
Max's is still my favorite among all the Filipino restaurants here in Canada. Kasi nga 'tastes like home' talaga.
There were so many customers, I wonder kung bakit hindi na sila nagbukas ng iba pang branch sa Metro Vancouver. O siguro dahil weekend lang?
hungry three |
By the way, we ordered nilagang baka...
And my favorite sizzling tofu!
Plus a large order of rice (again, pre-D-Day days pa ito) na equivalent pala to five cups!
Overall, the food was good. Medyo matabang lang for me ang nilagang baka pero keri na rin.
I don't eat halo-halo kaya si Pod lang ang nag-order.
And here comes the bill. Total amount due was $57.70 but we paid $64.63 because of the tip (additional 12%).
To be honest, ang pagti-tip ang hindi ko pa gaanong trip dito sa North America. If you would notice, may suggested percentage pa ng tip talaga sa receipt (parang minimum pa ang 15%).
No offense meant sa makakabasa nito na nasa service sector, pero kasi mabigat din naman kasi sa bulsa ang mag-tip lalo na kung niraraos mo lang din naman na makakain sa labas paminsan-minsan. Restaurant workers here in Canada (I am not sure kung ganun din sa America ha) are being paid nang at least minimun wage (tulad ng retail workers) so parang redundant na kung ioobliga pa ang customers na magbigay ng tip. Why give them extra money for merely doing their job? Tipping is ok, pero di ba dapat voluntary?
I have a friend in Edmonton who works in a restaurant and she says na medyo kuripot daw talaga ang Pinoy pagdating sa tip. Siguro kasi hindi natin nakasanayan, lalo na kung 15 to 20% ng total bill mo ang ineexpect sa iyo. Karamihan naman sa kumakain ay ordinary wage-workers lang din na gusto lang din makakain sa labas. Kaya nga gusto ko ang 'no tipping policy' sa Japan eh.
Anyway, here's Max's Vancouver current menu prices:
I am very sure that Max' in Vancouver is a lot cheaper than in Edmonton. A one whole chicken here costs $17.99, sa Edmonton ay $19.99. Basta malaki ang kamurahan dito, kahit sa Toronto. Pinakamahal sa Edmonton, dahil kaya sa sweldo ng tao?
Store hours:
I am glad there's a free underground parking ang Max's. Mahirap din kasing maghanap ng parkings sa Vancouver, tapos karaniwan may bayad pa.
-----------------------------------------
Oops, we came back to Max's again on August 12. We only ordered two ulam that time -- sinigang na baka and crispy pata -- because we weren't able to finish the three ulams the first time we were there.
The sinigang na baka was a lot better than nilaga.
It was our first time to try their crispy pata, kasi nga palaging chicken ang naoorder namin. At tama nga yung pinsan kong taga-Toronto, masarap nga! Parang chicken din, malambot at sarap to the bones. Even my very picky eater son loved it! Waaah, sayang hindi na kami pwedeng kumain nito ngayon kasi bawal na nga sa amin ang fatty at putok-batok food.
No comments:
Post a Comment