Monday, September 18, 2017

Nathan's 2017 Halloween Costume

Yey, I was able to buy Nathan's outfit already! Ang aga ko nakabili ngayon unlike last year na October 30 na.

Nathan and I went to Walmart last Friday, September 15, to buy my medicines. While waiting for his dad to pick us up, ikot-ikot muna.

I love Walmart's halloween merchandise. Aliw na aliw talaga ako.


Nagawi kami sa may costumes. Hindi pa busy ang area kasi nga September pa lang. Nalibang si Nathan sa mga toy displays sa gilid so I was able to leisurely browse the outfits. Nakakatuwa. Ba't nga ba di uso ang mga ganito sa Pinas noong kapanahunan ko?

Objectively, mas cute damitan ang little girls. Ang daming options!


I instantly decided to buy from there. $19.95 lang ang usual price eh. Last year, pikit mata kaming nagbayad ng $39.19 (tax included) sa Spirit Halloween for a simple pirate costume. No choice na nga kasi it was almost halloween na at wala pang isusuot ang bagets. Natagalan akong bumili noon kasi nga we were busy with our move here in BC tapos nagreready pa kami sa upcoming wedding ng cousin ko. At isa pa, Nathan was so KJ pa that time. Ayaw magsuot ng mga ganyan (as in nagwawala talaga) kaya nakakatamad bilhan.


I guess costumes are really cheapest in Walmart - kumpara sa Toys R Us, Disney Store, Spirit Halloween, Party City, and other halloween specialty stores. Pero if you are in a budget, go to dollar stores like Dollarama. You can pick up some items na pwede mong i-DIY para maging full costume.


I remember na last year naghalungkat din ako sa Walmart pero wala na akong nakitang pang 2-year-old. A Pinay associate informed me na mabilis talagang maubos ang toddler costumes kaya dapat bumili ng maaga. I wondered why tuloy. Dahil ba super excited ang mommies na ayusan ang little kids nila? Dahil ba mas konti ang supply? I really do not know.


Nathan wants to wear a Chase (of Paw Patrol) outfit kasi nakita niya yun kay Ryan (a kid toy-reviewer in Youtube). Yun din talaga ang original plan kong bilhin (meron nun sa Toys R Us) pero naisip ko baka naman ma-over na siya sa kaka-Paw Patrol. May Paw Patrol party na nga siya sa November noh.

Glad I found this Captain America in Nathan's size. Nagpanic nga ako nung una kasi akala ko puro malalaki lang ang size eh.

Sa kakapanood ng Youtube, Tan already knows all the superhero characters - Superman, Batman, Spiderman, etc - pero si Captain America talaga ang palaging bukambibig niya. Lately, palagi nya ring ginagaya ang pose nito, with matching shield pa (yung circular yellow throw pillow namin). Kaya ayos na, I am sure he would like it. And when I asked him if he would wear it, yes daw.


I texted Ford and sent him this picture. Sabi ko bibilhin ko na.

FORD -- O akala ko ba si Chase ang gusto?
CES -- Eh wala namang Chase dito. Ok na ito, favorite naman din niya si Captain America. Saka ang mura oh!
FORD -- Eh si Chase nga ang gusto di ba?
CES -- Sabi niya isusuot daw niya eh. Di bale,  bibilhin ko na lang. Soli ko na lang pag nakakita tayo ng Chase.

Kaloka, naiiba na rin ang shopping mentality ko ah. Mukhang nahahawa na ako sa mga tagadito  na bibili tapos isosoli pag di type.

So there, Nathan will be Captain America this halloween. I just bought him a Chase pail (the one he's holding on the topmost picture) para may Chase pa rin siya. Plus magagamit ko pa yun sa party niya harharhar.

Oh, and we got him a shield na nga rin pala from Superstore para kumpleto na ang get-up. Excited na ako! Sana lang matagalan niyang isuot ang costume niya para masulit naman.

----------------------------

There's a nicer and sossier Captain America in Disney Store pero mas mahal syempre.


It's around $50 minus 13-off (their current promotion) so $37 pa rin plus 12% tax. Salamat na lang lol.


--------------------------

We were at Toys R Us yesterday and I saw a cheap Chase costume for only $30. I asked Ford if he wants it for Nathan.

FORD -- O di ba nakabili ka na ng Captain America? Move on ka na haler.
CES -- Fine!

To be honest, I was tempted na to buy it. But when I checked on their sizes, hindi sakto kay Nathan. Yung size niya sa age-bracket nya was too small, too big naman yung next size. Whew, buti na lang!

-------------------------

I learned from experience na hindi magse-sale ang halloween costumes hanggang November 1 so better buy early na lang to have more options. Hindi rin advisable for me na bumili after halloween tapos gagamitin the following year kasi nagbabago naman ang preference ng kids di ba. I believe that kids be allowed to wear whatever their hearts fancy kasi self-expression yun. They'll be happier. =)

No comments:

Post a Comment