Friday, September 8, 2017

On starting a travel souvenir collection (again!)

Life is short. That's what we (my husband and I) realized a couple of months back so we decided to 'travel' again. We weren't able to see places for the past three years because of my pregnancy, and later on a baby, so medyo na-stagnate kami haha. Now that Nathan's a bit older, may chance na uli. Kaso syempre limited pa rin because Ford only has two weeks paid vacation leave (less than a year pa lang kasi siya sa company). Kaya dapat samantalahin na lang ang mga long weekends para makapasyal kahit sa malalapit na lugar lang.

We are now living in British Columbia and admittedly, mas marami nga talagang puntahan dito. Mas cheaper din mag-travel via air kasi nga nasa Vancouver na (hindi na kailangan ng connecting flight to many destinations). May option din to travel via US airports (Bellinghan or Sea-Tac) kasi nga mas mura talaga ang flights sa US.

So yun nga, ang goal namin ngayon ay mamasyal nang mamasyal. Yung tipid lang na pasyal muna because we are planning to purchase our second home by the second quarter of next year, kailangan ng pondo.

Pero basta sa bawat travels namin, I told the husband na dapat mag-allot talaga kamin ng budget for souvenirs! Actually, yun talaga ang favorite part ko whenever I travel, magshop ng souvenirs! Buti na lang supportive ang asawa ko. I must say na marami na rin naman akong naipong souvenirs in the past - ref magnets, key chains, Starbucks mugs, figurines - pero lahat ng iyon ay nasa bahay namin sa Pinas.

Now I want to start a new collection of mementos of our travels as family. And when we move to our new home, I'll make sure na hanapan sila ng proper spot in the house. Excited na ako!

Here pala are the souvenirs I bought recently. I am limiting my souvenir-buying to figures and magnets only. Pwede rin ang picture frames basta maliit lang. I won't be having a big space here in BC (haha, tanggap ko na yan) kaya dapat hindi kalakihan.

These are from our California trip last May. I am hoping to get more this November pagbalik namin doon. Syempre dapat meron kada punta.

I forgot to get a magnet from Disneyland! Di bale, sa pagbalik na lang.

This is obviously from Starbucks' first store in Seattle. We always go to Seattle for Jollibee but last August 5, I finally had the guts to line up at Starbucks in Pike Street para lang makabili ng frappucino. Para ma-crossout na sa bucketlist lol.


And there are from Victoria (BC's capital, you have to ride a ferry to get there) where we spent my birthday weekend. I bought a 'Canada' magnet too because I found it nice, saka from Dollarama lang ang ibang Canada magnets ko lol.


--------------------------

I am really looking forward to visiting Alberta again soon. Grabe, wala pala kaming kahit anong souvenir from Edmonton and Calgary. Sa Banff naman, magnet lang. Taken from granted nga kasi doon naman kami nakatira dati. Hindi ko naisip na aalis pala kami.

Ahhh lesson learned. Makabili na nga rin Vancouver souvenir at baka umalis din kami dito haha.

No comments:

Post a Comment