Later that night, nung nag-red na ang moon, naisip ko: "Bakit nga ba wala akong maayos-ayos na camera?"
You see, I first had a digital camera in December 2001. Binili ko from my 13th month pay (parang Php12k yata). It was a Sony and it really served me well. Ako ang naging official photographer ng barkada. I was able to document all events, lagi ko nga kasing dala. I've had several other digicams after that, the last was a Canon Powershot G3 which was given to me by my then-fiance Ford. I brought it with me in Canada when I migrated in November 2013 but I never got to use it there even once. Kasi nga may phone camera na.
Una akong nagka-iPhone 5 in May 2013. Prior to that, I was using blackberry na malabo ang kuha. Kaya nung nakatikim ako ng shots sa iPhone, my life changed forever. Sobrang nagandahan ako sa quality pagkatapos ang dali pang iupload (and edit) ang pictures sa social media. Maka-capture mo pa talaga ang moments kasi nga hawak mo palagi, unlike sa camera na kukunin mo pa from the bag etc. etc. Since then, hindi na yata ako nag-take ng pictures from a camera.
Actually, there were times naman in the past na ginusto ko ring magka-DSLR. Sino ba ang ayaw nang mas malinaw na pictures (lalo na at ang photogenic ng anak ko)? Kaso tamad akong magkalikot, hindi nga kasi ako techie na tao. Masipag akong magtake ng shots pero wala akong interes mag-ayos ng camera settings. Lalo namang walang interes sa pagkuha ng pictures ang asawa ko kaya wala akong maasahan dun. Kaya hindi ko na nga pinursue ang pagbili ng camera. Tutal solved na naman ako sa iPhone. Saka magpapalit na rin naman ako ng iPhone soon (3 years old na nga kasi ito) kaya for sure mas maganda ang camera quality ng bago.
Pero yun nga, dadating pala talaga sa point that you will have a change of heart. Na-trigger nga kasi noong super blue blood moon. Tapos nabasa ko pa sa IG ni Neri Miranda na meron siyang bagong camera na ganito from Chito. Lalo akong na-agit lol.
Picture taken from the net (credits to the owner) |
CES -- $800?!? Ang mahal naman!
FORD -- Ganun talaga ang presyuhan niyan. Ano ineexpect mo, $400?
CES -- Akala ko nga mga $200 lang kaloka.
FORD -- It actually has very good reviews. Gitna siya ng digital camera at DSLR. Mirrorless siya.
CES -- I don't even know what a mirrorless camera is. *kamot ulo
My husband is actually just waiting for my instruction if he will buy one. Ganun naman yun, madaling kausap lol. Lalo na kapag gadgets, bibilin niya talaga agad.
But I find $800 too much. Well it's actually not that much if we are not planning to buy a house soon. Ford has just booked an appointment to view a townhome in Aldergrove so medyo alanganin talaga ako. What if magustuhan namin yung bahay? We'll be needing a lot of cash for downpayment saka sa paglipat. Saka sana kung talagang masusulit ko yung camera, baka mamaya tamarin din ako lalo na at pagod na ako sa pagsunod pa lang sa very active kong toddler.
On the other hand, maganda rin naman na may maayos na camera sa paglipat namin, di ba? Saka what if mag-enjoy ako sa photography? Mas magandang libangan yun kaysa shopping lol. Once kasi na makabili kami ng bahay, we'll be on a very strict (my imposition) budget na kasi nga doon na mapupunta ang bulk ng sweldo ng asawa ko waaaah. So baka last chance ko na ito na magkaroon ng camera for now.
Dilemma. Dilemma. Kasalanan ng buwan yan eh haha.
O siya, pag-iisipan kong maige. Kapag sa Mother's Day o sa birthday ko ay gusto ko pa rin, I might as well give in na nga rin.
No comments:
Post a Comment