Monday, February 12, 2018

Macky's Birthday Treat 2018

I finally got to spend some time with my cousins the other night (February 11). One month na ako dito sa Pinas pero noon lang kami nakalabas, they're all busy with their own lives eh lol. Syempre naiintindihan ko naman. Saka dahil matagal ako palaging magbakasyon dito sa Pinas, they don't feel like they have to rush to bond with me hahaha.

Anyway, it was my youngest (maternal) cousin MacMac's birthday last February 10 kaya naawitan uli namin siyang manlibre. I thought hindi matutuloy kasi missing-in-action uli yung isa pa naming pinsan (busy sa love life eh!) pero gumora na rin kami.

I actually just wanted to make tambay (so conyo!) sa Starbucks because I was so full na that day (may pinuntahan pa kaming kainan that lunch time) pero gutom ang isang pinsan namin at gusto ng Japanese buffet. We ended up in Wakamatsu Yakiniku in Tambobong, Bocaue, Bulacan. Ayaw na naming lumuwas ng Manila kasi sobrang traffic saka medyo late na rin. Biglaang lakad lang talaga.

It was my second time in Wakamatsu and parang di naman ako impressed sa food (pero super love ni hubby ang sushi at sashimi nila), but since Php419/pax lang naman kaya keri na. Additional Php180 yata kung may unlimited sashimi and sushi.

Sobra sobra na ang carbs intake ko that day so nagpakasawa na lang ako sa inihaw na angus beef, pork short ribs, at shrimp. Kaso nagtempura rin pala ako waaah.


As expected, may sabit akong dala. Nathan wouldn't want to be away from me kaya lagi ko siyang bitbit. Buti na lang my cousins are all fond of kids. Inaanak nilang lahat si TanTan hehe.

It's good that Jim had some sense to buy surprise eggs muna sa 7-11 on our way to the restaurant, kasi talagang mabo-bore ang bata while we were eating. Hindi kasi siya kumakain ng food doon eh. Naawa nga ako kasi nung nagutom na siya, humingi na ng pagkain. Kaso ayaw naman nga niya, kaya pinangakuan ko na lang ng Jollibee chickenjoy pag-uwi.


And here's the busog-lusog team sans Sandoc.

Happy birthday, Engr. Otep!

Thanks for the treat, MackyMacMac! Sa uulitin!

NOTE: Ang hirap ng may kasamang batang bubwit. We had to go home early kasi gutom na siya saka bed time nya na rin. Namimiss ko ng gumimik ng talagang gimik lol.

--------------------------------

Oops, here's our last year picture pala. Sa Vikings SM Jazz Mall - Makati nagpakain si Engr. Macky. =) Hope makalabas uli kaming 5 1/2 (kasi kasama si TanTan hihi) before we return to Canada in April.

February 12, 2018

No comments:

Post a Comment