Monday, February 12, 2018

#CessieEats 8

1. Jollibee Yum Burger. This is my latest addiction. Madalas ito lang ang dinner ko. Not good, I know, kasi nga fast food at sobang ma-carbs but I couldn't help it. Iniisip ko na para lang siyang Fresh Slice pizza na nakakakain ko as a major meal nang di tumataas ang sugar ko (too bad hindi ako nakakapagcheck ng sugar kapag nakakain ako nito kaya hindi ko pa talaga alam ang effect).


2. Ginataang Bilo-Bilo. My Tita Oya spoils me. Sinabi ko lang na gusto ko ng bilo-bilo, ayun me dala agad the following day. Hay sang sarap! Bawal as usual (ano ba ang hindi?) pero ung bilo-bilo lang naman ang kinain ko saka yung saging. Sobrang konti lang.


3. Lugaw-Tokwa-Baboy. My mother always buys lugaw from "Milagring" so I've been eating this since I was a kid. Ang sarap talaga kaya ito ang naging bench mark ko sa lugaw. I used to eat two packs of lugaw before, ngayon isang balot na lang kasi nga rice yan. Pero pinapadoble ko na lang ang tokwa at baboy haha.


4. Jollibee Chickenjoy versus Chicken McDo. There was this one time na nagcrave talaga ako ng fried chicken pero umay na umay na nga ako sa chickenjoy dahil ako ang tagakain ng tira-tira ni TanTan. Nag-McDonald's naman ako. I just noticed na hindi na talaga maganda ang parts ng chicken na binebenta sa Jollibee at McDonald's. Sa McDonald's puro ribs kaya ang tigas. Puro breast naman din sa Jollibee kaya ang tigas din. Masyado namang maliit yung leg kaya lugi.


5. Lechon. We had visitors who came over for lunch last February 4 kaya sinabay ko na lang ang pagbili ng lechon para maihanda na rin. Ang tagal-tagal ko ng gustong kumain nito sa totoo lang (lechon is actually my most favorite ulam in the world). There's a lechon store here in Marilao na lagi kong nadadaanan kaya doon na lang kami bumili. It was a Sunday kaya nagbebenta sila ng tingi-tingi. I was shocked though na Ph600 per kilo na pala. I consoled myself by thinking na baka nga masarap talaga.

My verdict -- waaah sayang ang pera! Matigas ang laman tapos hindi pa maganda ang balat. Kakaiba rin yung lechon sauce nila, ang anghang saka hindi 'typical' na sarsa. Basta ang weird.


6. Potato Corner cheese-flavored fries. I gave in, sige na nga tumikim uli ako nito. Lagi ko kasing nakikita sa may Robinson's Easymart dito sa amin kaya natakam ako. I bought a small size, Php50 yata. Sobrang liit lang nyan in sa actual. Masarap naman sana kaso kulang sa cheese. Hindi ko inubos siyempre, hinatian ko yung kasambahay namin hehe.


7. Pizza hut's "mini" pizza slice.  Sobrang namiss ko naman ang pizza kasi more than a month na akong di nakakakain nun kaya naisipan kong bumili sa Pizza hut ng per slice. Bale 2 slices for Php55.00. Pero naloka ako ha, sobrang liit na pala ng slice grabe! Halos magkasing-laki lang sila ng burger McDo. Yung literal na makakain mo ng tatlong subuan. Oh well, what can you expect pa nga ba sa Php55.00? Hindi sila makapagtaas ng presyo kaya sa quality na lang dinadaan.


8. Fried Tamban. I love love love eating fish! Yung mga sariwang isda talaga na ganito ang sobrang namimiss ko sa Canada. Would you believe na naubos ko lahat yan? Haha, di ko rin akalain lol.


No comments:

Post a Comment