Sunday, January 24, 2016

Random Chika # 5

1.  Falling Prices of Oil. This pretty much illustrates Alberta's economy.

Picture taken from the net (credits to the owner)
It's so ironic. When I was in the Philippines, I kept on praying for the price of oil to drop. Our family operates a transportation business so the price of fuel impacts our operation the most. Now that I am living in Alberta, syempre gusto ko mataas ang presyo ng langis para "mayaman" ang lugar namin.

Oh well, again we are having a scary economy here. When will this end?

2.  New Buddy -- Handheld Vacuum.  At long last, may sariling vacuum na ako! Pod has a lot of "big" vacuums (addict siya dun) at ang tagal ko ng sinasabing bilhan niya ako nito. It took a while kasi wala siyang bilib sa akin. Dati kasi nagpabili ako ng walis tambo sa isang Pinoy store dito, hindi ko ginamit. Nakakatamad kasi. Ayun winarningan ako na kapag hindi ko raw ginamit ito eh never na raw niya akong papakinggan sa mga pinabibili ko.


But I've proven him wrong. Sulit na sulit ito sa akin. Nathan loves eating biscuits kaya yung mga kalat niya ang palagi kong vina-vacuum haha! I love it talaga! This is very cheap though. Less than $30 lang yata. When it breaks down, saka na daw ako bibilhan ni Pod ng mamahalin.

3.  Plastic Cover for Dining Table. Haha, this looks so cheap I know! Pero bakit ba kasi hindi uso ang glass na pang-protect sa table? People here use table cloths all the time. Kaso nadudumihan at namamantsahan naman. Even if you use placemats, di pa rin maiwasan na hindi matuluan o malaglagan ng ulam.


The only solution is to put a plastic cover. I bought one at Dollarama, saktong sakto ang size sa dining table namin.

Ford and I have not been using our dining table for a while. Sa counter lang kami kumakain para madaling linisin. But we have house guests now, at may parating pa next week, kaya mapapasabak ang table namin sa napakaraming kainan.

4.  Nando's to Open Soon. We were driving in the south area last Sunday when Ford made a wrong turn. And I couldn't believe what I saw, Nando's! I asked my driver to stop a bit so that I can see for sure. Pucha, Nando's nga! The restaurant is still under construction but by the looks of it, I knew that it is opening soon.


I love Nando's. I would always eat there whenever I visit my BFF Raxie in Kuala Lumpur. Mahilig ako sa grilled chicken eh.

Pero hindi lang dahil sa peri-peri chicken kaya ako happy. Again, whenever a new familiar franchise restaurant opens here in Edmonton, nadadagdagan ang hope ko na mas dadami pa ang makakainan namin in the future. Mas maraming options, mas masaya. Sana someday hindi ko na tawaging "Deadmonton" ang Edmonton hahaha!


5.  Dairy Queen's $7 Meal.  It was my first time to eat  DQ's "fan food." Puro vanilla ice cream cone lang kasi palagi ang binibili ko. But since McDonald's WEM Foodcourt is closed for renovation and I was craving for fries, sa DQ ako bumagsak.


Hmm, for $7, sulit na rin. The sundae in the picture is medium-sized. Dapat small lang talaga pero dahil kilala ko yung server, inupgrade nya haha.


Kaso gusto ko pa rin ng french fries ng McDo.





No comments:

Post a Comment