My husband has a 10-day break this holiday season (their office shuts down from Christmas to New Year) so we had a chance sana to visit our friends (who we consider our Canadian family) in Edmonton. It's been 15 months since we left and we miss them all. Sobrang kinukulit din nila kami talagang magpunta doon kaya umabot sa "80% probability of going" na kami. My friend Mylene was so excited na bibili na talaga siya ng bagong mattress para sa room "namin" sa house nila.
But I sort of backed out the last minute. Nitong malapit nang mag-Christmas, napag-isip-isip ko na marami rin palang dapat inconsider sa pagpunta namin doon.
First, is it ok to drive during winter time? We've done several Edmonton-to-Vancouver trips before pero palaging summer. Parang nakakatakot kasi baka mag-snow habang bumabaybay kami sa bundok. Pero the weeks before Christmas, maganda ang weather dito at sa Alberta. "Mainit" nga daw doon at hindi nagi-snow so medyo nahikayat na rin ako.
Then came the budget issue. In my conservative estimate, we will be spending at least a thousand bucks (or Php40,000+) for a 5-day trip to Edmonton. My friend was insisting na gas lang naman ang gastos at sagot na niya ang pagkain kasi nga sa house naman nila kami mag-stay, pero syempre hindi naman pwede yun. We are not free-loaders noh. Saka I want to bring them pasalubong syempre (Purefoods hotdogs from Seafood City Seattle and siopao from Newtown Bakery). Tapos dahil Christmas, we have to buy gifts for the kids (and adults din). Aside from that, yung mga kain pa namin sa labas at contribution sa mga kainan at inuman. If the weather is bad pa, kailangan din naming mag-hotel in between our trip/s because Ford will have a hard time driving at may kasama pa kaming bata.
To add, wala nga pala kaming proper outfit for Edmonton weather. Well, kami ni hubby meron namang thick coats/jackets and boots/winter shoes kaso nabaon na sa storage. Kailangan pang sobrang kalkalin. Si Nathan ang wala so kailangan pang ibili, kaso nga hindi naman masusulit kasi hindi naman magagamit dito sa Vancouver dahil hindi ganun kalamig dito. At uuwi na rin kami sa Pinas sa January 8 kaya talagang masasayang lang.
Then Ford informed me that if we will go, kailangan na niyang pumunta sa casa para mapalitan ng winter tires yung kotse namin! What?!? Oo nga pala, di kami naka-winter tires dito kaloka. Meron naman kaming winter tires sa storage kaso dahil nasa open parking space kami ng apartment complex, walang lugar na pwedeng pagpalitan. Kaya kailangan pang dalhin sa casa at ibayad. Tapos papapalitan na naman ng regular tires after. Doble gastos pa!
That's when I finally decided na manahimik kami sa bahay. Yep, it was my SOLE decision kasi keri lang naman sa asawa ko kahit ano.
But of course, meron pa ring panghihinayang kasi nga sobrang miss ko na ang mga kaibigan namin. I am sure na mag-eenjoy din si Ford kasi makakainom siya nang todo. Kahit si Nathan matutuwa kasi marami siyang makakalarong bata for a couple of days. But $1,000 is $1,000. I mean, it may not mean that much now, pero by next year when we buy na a place of our own, makikita namin ang relevance ng amount na yan. Ang dami-daming nakaambang gastusin talaga. Saka nag-splurge na rin kasi kami sa California trip namin last November., tapos uuwi pa nga kami ni Nathan sa Pinas this January.
At this point, grateful na rin ako na hindi kami tumuloy dahil nga sa weather doon. Had we gone there, mag-stay lang din kami sa house ng friends namin dahil sa sobrang lamig. I planned on going to South Edmonton Common pa naman to shop (5% lang kasi ang sales tax sa Alberta) kaso open-air shopping area naman dun. Saka delikadong magdrive kung ganyan ka-extreme ang panahon.
Pic taken from a friends FB account |
We miss Edmonton pero hindi pa nga siguro time na bumisita kami roon. Who knows, baka sa summer. Kung hindi pa rin (kasi nga balak na naming magstart maghanap ng house by April 2018), yung mga kaibigan na lang namin muna doon ang aantayin naming dumalaw dito.
No comments:
Post a Comment