Anyway, one of the things na bago para sa akin ay ang usung-uso dito na advent o Christmas calendar. Pero parang uso na rin yata sa Pinas kasi may nakita akong Pinoy blogger na nagpost sa Instagram.
Syempre join din ako. Iba rin kasi ang Christmas talaga kapag may bata, maraming paeklat dapat. I am determined to make my son's Christmases memorable kaya gusto kong punuin ng maraming gimik haha. Too bad, medyo limitado lang kami ng space talaga ngayon. But when we move na to our own place, hopefully by next year, talagang bobonggahan ko ang bawat pasko namin para sa kanya.
I've seen so many advent calendars everywhere but I chose the cheapest one at Walmart. One dollar lang yan haha. Nathan doesn't eat chocolates kasi kaya masasayang lang kung ung Lindt, Cadburry, o Kinder ang bibilhin ko. Hindi naman ako pwedeng kumain nun kasi nga diabetic ako.
Saka my son just turned 3 last month, wala pa siyang sense of days talaga. So I consider this as a dry run pa lang.
Our advent calendar may be cheap but it sure did make the little boy happy and excited everyday. There were days when he ate the chocolates, mga thrice yata, kaso parang nasuka siya noong huli kaya ayaw na niya. Sinusubo na lang sakin.
Kinakain ko na rin kasi maliit lang naman. Ten calories lang and 1g of carbs.
First day.
Last day
This advent calendar thing will surely become part of our Christmas traditions. Kahit ako sumaya eh.
But I have an idea. I learned na hindi lang naman pala candies o chocolates ang pwedeng gawing surprise treat. Merong mga Christmas calendars na toys ang laman. But since expensive yun, mag-DIY na lang ako! I'll start collecting 24 small and cheap toys (probably from dollar stores) tapos yun ang gagamitin ko. Ayan, na-excite na ako ngayon pa lang! =)
No comments:
Post a Comment