When we went to my aunt's house last December 17, one of their relatives asked me: "Napapicturan mo na ba siya kay Santa?"
Kaloka, ang anak ko lang yata ang bata rito sa North America na walang picture kay Santa Claus this Christmas!
Apparently, usong-uso pala talaga rito ang pa-peechur kay Santa. Sa halos lahat ng malls, merong designated area for picture-taking. Usually me bayad, around $20-30, pero meron din namang libre lang (or by donation).
When Nathan was still a baby, I promised myself na magkakaroon siya ng lahat ng ganyang klaseng kaeklatan. Mahilig kasi ako sa mga ganyan, lalo na sa pictures kasi nga for documentation ko yan. On his first Christmas (2014), less than two months old pa lang siya kaya wala pa syang picture. Noong 2015 naman, when he was one, takot na takot sya so wala rin (kung sa ibang tao nga takot eh, sa mamang me puting balbas pa ba?). Last year (2016), nasa Pinas naman kami kaya lalong wala.
This year, I was hoping na magkakaroon na kasi nga bukod sa hindi na siya anti-social, me appreciation na rin siya sa Christmas. Nakilala na rin niya si Santa sa Youtube. I was really hopeful kaso he's still very much afraid. I think he was torn, gusto niyang lumapit at/o makita yet natatakot siya kasi weird-looking nga naman. In general, takot kasi sya sa mga mascots eh.
From November 29 up to December 24, my husband and I have been trying our best to erase whatever fear he has on Santa. Ginawa namin lahat para pumayag siyang magpapicture, kahit nga kasama kami. We did mental conditioning, pati na nga bribing, kaso ayaw talaga. Whenever we're at Guildford Town Centre, he would always panic kapag nagagawi na kami sa area ni Santa. I could really see myself in Nathan, he has a mind of his own. Very stubborn.
We could have pushed it, kami ang parents eh. Wala naman siyang magagawa if we insisted, pero is it worth it? Is a picture worth the trauma? Di bale na nga lang. He's only 3, marami pang Christmases na darating sa buhay niya para magka-picture with Santa.
So there, he has no picture with Santa this year. Someday, kapag hinanapan niya ako, I will ask him to read this post.
No comments:
Post a Comment