Monday, July 17, 2017

A PAW Patrol Party for Nathan's 3rd Birthday

I know, I know, it's still very early. But I can't help but be excited for my son's third birthday celebration on November. Kasi unlike his previous two birthdays, maeenjoy na niya ngayon ang party niya. Mahilig na siyang kumanta ng "happy birthday" saka marunong na siyang mag-blow ng candle. He gets super excited na rin kapag binibigyan siya ng gift. Bata na talaga siya!

We will be celebrating Nathan's birthday in his grandparents's home in California. We went there for a brief holiday last May kaso nga nabitin. The oldies are requesting na bumalik kami agad. The grandaunts suggested na doon naman daw mag-birthday si Tantan (sa Pinas na kasi yung first and second birthday).

Ford and I talked about it. It'll be ok nga kung doon kasi wala naman kaming friends dito sa BC kaya hindi kami makakapagpa-party. Noong una ang plan lang namin ay mag-travel na lang to celebrate our son's birthday, kaso parang kulang. I want a cake, balloons, and tons of gifts for my little boy. Hanggang kaya (at hanggang gusto niya), ipaghahanda ko siya kahit simple lang. Hindi kasi ako pinaghahanda ng nanay ko noon kaya medyo fixated ako sa parties, lol. Seriously, ganun pala kapag may anak ka na, gusto mo palagi nyang maramdaman na special siya.

Ford has so many relatives in California kaya for sure it will fun. Kaming tatlo lang ang magkakasama on this side of Northern America kaya nakaka-overwhelm to be with family in the US. And I know they adore our son kaya lalong nakakataba ng puso.

Anyway, I had a very easy time deciding on TanTan's party theme this year.

PAW Patrol it is!

Picture taken from the net (credits to the owner)

Nathan is currently addicted to PAW Patrol. He loves Chase, Marshall, Rubble, Zuma, Rocky, Skye and Everest! Haha, pati kaming mag-asawa eh aliw na aliw na rin sa kakapanood nito. Kaya perfect na theme talaga. Sana lang gusto pa rin ng anak ko ang PAW Patrol in four months time haha.

Nagsimula na akong bumili ng party materials as early as June. Alam mo na, BORED HOUSEWIFE mode on nga eh. Saka para hindi rin kami mabigla sa gastos later on.

What I like about the PAW Patrol theme is that supplies are everywhere. Meron sa Dollarama, Walmart, Superstore -- meaning, MURA. Kung iba ang theme mo, you will end up buying in Party City. Ang mahal dun ha.

My husband advised me to just buy the party paraphernalia in California. Ayoko nga, ang taas kasi ng US dollars ngayon, talo kami sa conversion. Saka ayokong mangarag, gusto ko pagkain na lang ang iintindihin namin pagdating doon. Marami rin akong DIY ideas na gustong subukan kaya kailangan ko na ng materials ngayon pa lang.


A PAW Patrol theme is very common these days but I don't care. My son truly likes it at iyon ang mahalaga. Also, I've already mentioned in this post that I now prefer a 'generic' party theme. Nathan's first birthday party was 'barnyard"-themed and it was difficult to execute. Ang mahal pa kasi kailangang customized lahat (walang Party City sa Pinas eh, at di gaanong uso ang barnyard theme doon).

Dito naman sa Canada, limited ang suppliers kaya mas ok kung available na kaagad sa market ang materials na kailangan mo. Mas matipid din. Never mind na maraming kamukha, diskartehan mo na lang kung paano magiging extra special ang output.

I wish ma-post ko ang progress ng party preps ko. Oops, I also hope na magkaroon ako ng time na mai-share din dito ang first and second party ni Nathan. Time, time... I need a lot of time to blog!


No comments:

Post a Comment