Monday, July 24, 2017

Another Monday

Hello!

It's a Monday again (and I hate it!). Ford's gone to work and I am left alone again to take care of the little one waaah.

Nathan woke me up at around 9:20am. Very early yan, kasi we slept at around 2am. The past days, hindi na ganun kahaba ang tulog niya. Dati 11 to 12 hours straight siyang natutulog. Ngayon kahit anong oras siyang matulog, he wakes up between 9 to 10.

After two hours of lounging, I found myself cooking fried chicken again. 


Sawang-sawa na ako sa totoo lang.

But what can I do, my son is very difficult to feed. Konti lang ang kinakain niya sa buhay  niya -- friend chicken, chicken tinola, fried galunggong, green beans (stir fry), noodles (ng pancit o soup), french fries. And he doesn't eat rice and bread. Gusto niya yung Marie biscuits and Chips Ahoy saka chips, pero hindi naman siya talaga ganun kalakas kumain. Buti nga kahit pano eh kumakain siya ng apples and melon.

Ay just last week pala, nabola ko siyang kumain ng pork sinigang (akala niya tinola rin yun) and fried bangus. I was so happy. At least nadagdagan ang pwede kong ipakain sa kanya. Hay, buhay nanay!

So there, for the nth time, fried chicken na naman ang ulam namin ngayong Monday. Pero dahil ayaw niya ng balat (or any hard part) kaya ako rin ang sumisimot ng chicken. Tsk, bawal pa naman sakin kasi high ang cholesterol ko. Kaso nakakatamad naman magluto ng dalawang ulam kaya most of the time nakikisabay na rin ako sa pagchichicken.

----------------------------------

I saw this on my Timehop a couple of days ago. It's been two years since I first fed him rice. Nagustuhan niya talaga. He used to be an excellent eater, ang takaw-takaw and he would eat anything and everything. It all changed when he turned one and we returned in Edmonton (after 4 1/2 months of staying in Pinas). Basta na lang ayaw ng kumain. Naisip ko baka nga dahil sa homo milk dito sa Canada, puro dede kasi ang gusto.

Nathan at 8 months

I am envious of those moms whose kids eats a lot. Sabagay, both my husband and I were picky eaters din daw dati (hanggang ngayon naman) so kanino pa ba magmamana? =(

---------------------------------------

Monday na. Apat na tulog pa bago mag-weekend uli.

No comments:

Post a Comment