Friday, July 28, 2017

Chocolate Cravings

It's almost 3am and I am craving for these chocolates.

For the reason I really do not know, walang ganitong Hershey's Milk Chocolate dito sa Canada. Or I maybe wrong, baka di ko lang nakikita. But I swear, since 2013 eh naghahanap na ako nito kasi paborito ko talaga ito. Weird, kasi made in USA naman ito. Hmmm, makahanap nga nito sa Seattle area pag nag-crossborder kami.


Isa pa itong Crunch na ito. Bakit ba wala? Dati meron sa Dollar Tree at Superstore (yung bite size) pero lately wala talaga. Sa Daiso (in Richmond) nakakita ako pero $3.25 (plus 5% tax) naman, kaloka! Sobrang mahal naman.


Ayoko ng fancy chocolates like Lindt or yung may kung ano-anong flavor. Simple chocolates (i.e. chocolates of my youth) lang ang gusto ko pero wala pa dito. Nakakalungkot naman.

People in Pinas may think na bumabaha ng chocolates dito sa Canada kaya talagang nage-expect sila. Pero in my experience, hindi naman din ganun karami ang variety ng chocolates na binebenta sa mga big supermarkets like Walmart or Superstore. At hindi rin mura ha (unless i-sale). Parang mas ok pang bumili sa Duty Free sa Pilipinas kesa dito eh, kasi madaming choices dun.


No comments:

Post a Comment