Thursday, July 20, 2017

Daily Expenses List

We started tracking down our expenses (again) since July 1st. We did the same thing last year and it was super effective. By listing our daily gastos, we became more cautious and conscious on how we spend. Na-itemize namin lahat ng expenses - food, car, house maintenance, dining out, miscellaneous, etc. Dahil dun, nakapag-stick kami sa budget namin.

And yep, we did it the old-fashioned way. Mano-manong lista. Mas madali kasi kesa i-excel, pwede kang maglista anytime na may libreng oras ka. Hindi mo na kailangang magbukas ng computer. Saka isa pa, I am and will always be a pen and paper girl. At least nagagamit ko ang ballpens ko. Nakakamiss din kasing magsulat sa totoo lang.



Anyway, with the same intention of saving up, mukhang palpak na ang simula namin. Imagine, in 18 days, nakaka-$2100 na kami! Wala pang fixed expenses dun ha (like rent, utility bills, car mortgage, insurance), puro food, kain sa labas at luho lang. Kung kelan pa kami naglista saka pa lumaki ang gastos nakakaloka.

We started the month wrong yata kasi. Canada Day noong July 1 so naumpisahan agad ng gastos that long weekend. We went pa to Seattle Premium Outlets at nakapag-shopping ko konti. Tapos kain kami ng kain sa labas. Idagdag pa ang pag-splurge sa Paw Patrol toys ng mag-amang Coblancs (around $180 na as of this time). Tapos panay bili rin ako (guilty!).

Whew, sa bagay, ok na nga rin na nakapaglista kami. At least may idea na kami kung magkano na ba talaga ang nagagastos namin. Mahirap yung vague eh, ung alam mo lang na malaki pero wala ka naman talagang actual figure.

Tagtipid na kami in the remaining 10 days. Goodluck naman samin.


No comments:

Post a Comment