Sunday, July 16, 2017

#CheapEats: KFC's Tuesday Special

I've only known about KFC's Tuesday Special recently. Hindi na rin kasi ako kumakain sa KFC dito. Mas masarap pa kasi ang fried chicken na niluluto ko lol. But since my son only eats fried chicken, minsan napapabili ako ng $5 Fill Ups kapag nasa labas kami para may mapakain ako sa kanya.

But one Tuesday night, ayun nga napansin ko na may special promo sila.


For $3.29 (plus 5% tax, of course), you'll get a 2-piece chicken plus fries.

Hmmm, so ito ang ginawa nilang pamalit sa Toonie Tuesday na matagal nang naglaho. Obviously, di na nila pwedeng tawaging toonie ang tuesday special nila kasi nga 3 dollars plus na siya. I am not sure though kung sa British Columbia lang ito available o meron din sa ibang provinces. Pero hindi ako ito napansin sa Edmonton dati.


So ito ang value ng $3.45 (tax included) mo:


Super liit ng chicken, sa totoo lang. Yung leg part, makakain mo un two bites. Seriously. Bitin tuloy ang anak ko.

Syempre wala rin siyang gravy at drinks. I read from somewhere that you can add a drink for just a dollar (di ko pa lang nasubukan). It makes sense kasi ang mahal na papatak kapag nag-softdrinks ka pa.

Oh well ganun talaga. Mura pa rin yan dito kung tutuusin. Pantawid-gutom.


No comments:

Post a Comment