Hindi mura ang mga tinda sa Disney Store so I had no intention of buying it. Pero teka, I saw a "special label" (at the shelf where it was displayed) that states $5.99. I wasn't really sure if it pertains to the tote bag, pero katapat talaga eh. Sumimple ako sa harap para sipatin. Ang ganda talaga ng bag, pero ang tag price ay CAD31.95. Hmm, so baka hindi nga siya $5.99 na lang.
But to satisfy my curiosity, I inquired from the sales clerk na rin. And voila, $5.99 nga raw talaga! I then asked if I had to buy something from the store to be able to avail it at that very much discounted price. Hindi raw. I excitedly said: "Ok, I'll take one!"
The bag is much prettier (and sosyal) in actual |
What I really like here in North America is that pag nagdiscount sila, discount talaga. Sa Pinas kasi 10 o 20 percent off lang karaniwan. Bihira yung ganito na halos ipamigay na lang. Imagine, I was able to score this tote for merely 18% of the original price. Sobrang good deal talaga!
Oops by the way, I paid a total of CAD6.70 pala. Syempre may additional 12% tax pa (na kinasasamaan pa rin ng loob ko kasi 5% lang sa Alberta).
I am just hoping na may mapaggamitan ako nito. Haha, hoarder lang kasi ako. Cheap thrills ang hanap ko. Pero sabi nga ng asawa ko, sa dami ng pinagbibili ko na mura, madaming pera rin ang katumbas pag sinuma. Eeek, guilty.
The cashier gave me pa a coupon that I could use until this weekend. Hala, my coupon-addicted self is itching to use it. Patay na naman si Coblancs.
No comments:
Post a Comment