Friday, July 14, 2017

#CheapEats: Go-Grill (Central City)

Ford and I love eating out. Sa Pinas dati halos everyday akong nagdi-dinner sa labas (mostly fastfood lang naman). Ford naman is used to eating alone (and he doesn't cook) so talagang sanay na siyang magdine-out. At dahil parehas kaming hindi makatiis na lutong-bahay lang ang kinakain all the time, ang laki talaga ng gastos namin talaga.

Katulad nga ng sinasabi ko all time, we might be earning dollars here pero in dollars din ang expenses kaya wala rin. Admittedly, hindi rin naman kami talaga matipid. Ang rationale ko, nagpunta ba kami dito sa Canada para i-deprive ang sarili namin? Parang hindi naman dapat ganun.

Anyway, we usually eat on sit-down restos during weekends or kapag may okasyon. Kapag ordinaryong araw at we feel like eating dinner out (pagkauwi ni hubby from work), maghahanap lang kami ng cheap na makakainan na katulad ng Mc Donald's o sa foodcourt ng mall. Pero naku ha, hindi naman talaga mura ang meal sa foodcourts dito. Maga-average ka rin ng $10-13/pax para sa simpleng pagkain. So kapag kaming dalawa, around $25 (or roughly Php1,000). Wala pang drinks yun ha.

Kaya nga I am thrilled whenever I discover a kainan na "cheap." At least I won't feel guilty kasi nga hindi ganun kamahal.

Just two days ago, we were at the Central City and I got to try Go-Grill's "Specials." Lagi daw kumakain dito ang asawa ko dati (when we were vacationing in Pinas) kasi nga mura.


At $6.25 (5.95 + 5% tax), may nakakabusog na kanin at ulam ka na. Masarap din siya, in fairness. Pero sige na nga, hindi pa rin ganun kamura kung iko-convert sa pesos kasi papatak na Php250 siya, kaso mataas talaga ang cost of living dito sa Canada eh. Lalo na dito sa Vancouver area.


Other Chinese stores in the foodcourt may offer the same one-rice + one dish for the same price but what I like about this Go-Grill Specials is that they cook it after you order kaya mainit pa talaga. Ang dami ring rice saka meat, very filling.

The drawback though is that pure meat siya, walang veggies na kasama. Kung gusto mo ng gulay, add $2.49 (plus tax). Not bad pa rin kung tutuusin kasi may drinks na na kasama.


I wish lahat ng foodcourts ng mall ay may ganitong cheap meal. Para hindi nako magluluto ng dinner haha! Kaso sabi ng asawa ko sa Central City lang meron nito kasi may school sa itaas, pang-student meal kumbaga.

Hanap pa ako ng ibang murang machichibugan dito sa Metro Vancouver. Stay tuned. =)



No comments:

Post a Comment