Wednesday, April 5, 2017

What I miss in Canada

Oh I can't believe it -- it's already April 5! In eleven days, Nathan and I are going back to Canada na. I am starting to feel sad. I hate leaving my mother again. But what can I do, my life is in Canada now.

Anyway, a part of me is a bit excited to return. Marami din naman kasi akong namimiss doon:

FAST INTERNET. Kailangan pa bang iexplain ito? Ugh, grabe ang pag-deteriorate ng speed ng wifi namin dito sa bahay. Test of patience talaga. Nakakamiss yung bumubulusok sa bilis na pagdownload ng youtube at pag-upload ng videos sa Canada.

MOBILE PHONE. Almost five months na ako dito pero wala talaga akong regular cellphone na ginagamit. I stay mostly at home kaya puro FB messenger at whatsapp lang ang pang-communicate ko sa mga tao. Mahirap mag-maintain ng phone kasi nga di ko naman ginagamit, nakakain lang ang load.

CHINESE FOOD. Sa Chowking lang ako nakakakain ng Chinese food dito. Wala naman kasing Chinese restaurant sa area namin. Meron sa SM pero mahal naman.

COOL WEATHER. Again, kelangan pa rin bang iexplain ito. Summer na at grabe na ang paghulas ko. Hindi na talaga kami dapat nagpaabot ng summer dito. Regret ko talaga yan. Sabagay, kahit naman noong December at January eh init na init ako.

COOKING. I don't cook here in Pinas because my mother is here. Pero nakakamiss din palang maging productive sa kusina.

GROCERY SHOPPING.  I miss buying stuff for the kitchen and for the house. Doon ko nafi-feel na wife at mother ako eh. Ako kasi ang in-charge. Dito kasi anak ako. My mother takes care of all my (and my son's) needs.

SHOPPING. I haven't shopped in a long time at nagkaka-withdrawal symptoms na yata ako haha! Branded clothes, shoes, and bags are very expensive here kaya hindi talaga ako namimili. Nami-miss ko yung mga outlet shops at mga 'sale' sa Canada. Kahit nga Dollarama super miss ko na.

HAVING 'ME' TIME. I thought na kagaya noong isang uwi namin, maiiwan ko si Nathan paminsan-minsan so I can take a breather. Hindi pala. Ayaw magpaiwan as in. Sa Canada, naiiwan ko siya sa daddy niya. Lagi kong kakabit ang anak ko sa lahat ng lakaran. Admittedly, tiring magsama ng bata all the time.

HAVING A DRIVER. I miss having a driver! Nakaka-stress magdrive dito sa Pinas. Tapos kelangan ko pang isakay si Tantan pati stroller, baby bag, etc. Ang sarap nang sasakay ka lang tapos bahala na ang asawa mo sa lahat haha.

HAVING A HANDS-ON DAD FOR NATHAN. Though Mamoosh and Charry (our new kasambahay) helps me with Nathan, iba pa rin ang daddy ni TanTan siyempre. At least may pwedeng magpatulog sa kanya, magpaligo, makipagharutan bago matulog. To be honest, I am tired of being a "single" mom.

HAVING A HUSBAND. Halos limang buwan na akong walang asawa haha (minus the 11 days that he was here in December). Nakakamiss na ring may kalambingan. Ang tagal ko na siyang napabayaan, kelangan ko namang bumawi.
 
Eleven days and I'll be back in reality. MY reality. Soon, mga bagay bagay naman sa Pinas ang mami-miss ko. Roller coaster talaga ang buhay ko.