Showing posts with label medicine. Show all posts
Showing posts with label medicine. Show all posts

Thursday, May 28, 2020

Online doctor's apppointment is the new norm

I noticed last May 20, 2020 (Wed) that I was running out of Metformin (my maintenance medicine for diabetes). I sort of panicked, I had no choice but to give 'online doctor consultation' a try.

Actually pino-prolong ko talaga eh. Few weeks ago pa dapat ako nagbook ng appointment pero dahil may hesitation ako, I called my pharmacist and asked if they could give me an 'emergency prescription refill.' Pwede kasi yun kung ang request mo eh yung maintenance meds mo talaga. Binigyan naman ako pero good for two weeks lang (normally for 30 days eh), then the pharmacist instructed me nga to get a new prescription via call or video appointment.

By the way, wala na nga pala kaming family doctor kaya floating kami ngayon. Our doctor Dr. Sahil Jain, who I really like and feel very comfortable with, went back to Toronto na yata for good. We thought temporary lang, na magpa-paternity leave lang siya nang medyo matagal, but then the other doctor at their clinic advised me to look for another family doctor na. Hay, ang hirap! Tapos natapat pa na pandemic, nag-semi close ang mga clinics. Nandito na rin kami sa Aldergrove ngayon kaya dapat dito na kami makahanap ng new doctor, kaso nga alanganin pa dahil hindi advisable pumunta sa mga clinics at hospitals ngayon (unless emergency) dahil sa Covid-19.

Hence, the proliferation of virtual clinics. Kahit naman daw sa Pinas uso na rin ang online consultation.

Grabe talaga ang hesitation ko sa online consultation, ewan ko ba. Mas gusto ko syempre ang face-to-face. Pero dahil prescription lang naman nga ang kailangan ko, walang ibang magagawa.

I've been seeing a lot of "doctors online" sites dito sa BC (just google online doctors canada/BC) pero dahil itong VivaCare ang medyo familiar sa akin (dahil nagki-clinic sila sa mga Walmart), sige ito na lang.



Ang dali lang palang magbook. You just need to ready your Personal Health Number (PEN). Pili ka lang ng date at time na gusto mo. Sobrang daming available dates and time, hindi kagaya ng sa physical clinics na pahirapan magbook. I chose a 3:45pm appointment the following day (May 21). I just chose the "prescription" option nga pala tapos nilagay ko yung mga medicines na kailangan ko.

NOTE: If you're not a BC resident, they will charge you $150 pala for the consultation. Shaiks!


 I received an email afterwards, providing me a meeting link.

The next day, I received another email reminding me of my appointment.


And 28 minutes before my appointment, may reminder na naman via text. 

Tapos after aroun 3:35, may nagtext again, saying: "the doctor is available now." I was waiting na rin naman so clicked the meeting link in the email.

I first talked to a receptionist/nurse who just verified if I am indeed Celeste Blanco. Tapos tinransfer nya na ako sa virtual waiting room. A few seconds later, kausap ko na ang doctor, who I thought will be female (kasi babae ang name ng assigned physician sa email eh).

The consultation only took a few minutes. After saying hi and hello, he just asked me kung kelan pa ako nagstart magtake ng Metformin at kung may allergy ako sa mga gamot na nirequest ko (I also asked for my cholesterol meds). He also asked me kung ano ang current blood sugar ko, I answered that I haven't had it checked yet because I am afraid to go to the lab. But I am sure that it is high because I've been eating a whole lot more during this quarantine period.

And it's done, ifoforward nya na raw yung prescription to my pharmacist. I put my pharmacy details nga rin pala when I booked my appointment. I chose the pharmacy located insider our kapitbahay-grocery store Frescho para malapit lang.

Before we hang up nga pala, I asked him if he could access my file kasi may gusto akong itanong about my gallstone surgery (Yep, I have gallstones! Ang daming sakit noh?). Ang sabi nya walang access ang telehealth doctors sa ibang health records namin. Ganun pala yun.


Hay nakatapos din! The experience was not as 'dreadful' as I thought it would be pero syempre mas gusto ko pa rin ng normal face-to-face consultation. Pero baka nga ito na ang "new normal" talaga sa ngayon. But I admit na mas madali ito kung prescription refill lang ang kailangan, ang bilis eh. Walang kahassle-hassle. Very accessible din ang doctors, kahit within the day pwede.

I called on the pharmacy after and asked kung naforward na sa kanila yung prescription ko. Yes daw. I asked my husband to pick up my medicines na lang para hindi na ako lalabas. So easy!


NOTE: We actually don't pay anything for our prescription medicines. Pinapaluwalan lang namin tapos pinapa-reimburse online sa health insurance provider namin. Ia-upload lang ang receipts tapos after a few days, papasok na sa bank account namin yung reimbursement. =)

Tuesday, July 24, 2018

High Cholesterol

In addition to Metformin for my diabetes, nagsimula na rin akong mag-take nito since July 19.


Yep, maintenance meds to lower high cholesterol. Nang magsabog yata ang mundo ng sakit, sinalo ko na lahat. Mag-39 pa lang ako pero may mga gamot na ako for life. Whew!

Kasali sa blood works ko ang cholesterol last July 7 and just as I had expected, mas tumaas pa ang cholesterol level ko kesa last December. Sa dami ba naman ng nilaklak kong isaw sa Pinas. I am to be blamed, I know. Wala talaga akong disiplina.

From 6.14 in December 30, 2017, 6.57 na siya ngayon. Normal is between 2.00 to 5.19. Very high na daw talaga kung tutuusin. Walang epekto ang fish oil ha. My doctor gave me a month to lower my cholesterol, tapos magpakuha daw uli ako ng dugo. When I asked him papano kung hindi pa rin bumaba, no choice na raw kundi mag-take ako ng gamot. I told him resetahan na niya ako kasi mukhang di ko naman kakayanin.

I want to be realistic. The only solution for my cholesterol level to drastically lower down is for me to significantly cut down on red meat and fried foods. Ano pa ang pwede kong kainin kung ganun? Since I am diabetic, talagang konting carbs na lang ang kinakain ko. At para ako mabusog, talagang nilalakasan ko sa ulam o protein.

It's actually hard to live here in Canada kapag hindi ka talagang taga-dito. I've had a Filipina doctor in Edmonton two years ago and I won't forget our last conversation. Noon pa lang kasi nakita na na medyo mataas ang cholesterol ko.

Ang sabi niya, sa talagang maggagamot na lang ang mga Pinoy dito sa Canada dahil nga sa nature ng pagkain. Mostly greasy, high in carbs and calories, processed. Ano bang healthy ang pwedeng kainin dito sa totoo lang? Salad lang yata. To be honest, hindi naman salad-eating ang average Pinoy (ako hindi kumakain ng salad). Hindi tayo mabubuhay nang yan lang. Ang mga isda naman na nabibili dito na galing Asia, puro frozen na. At dahil frozen, usually ipiprito mo na lang kasi hindi naman masarap sabawan. Super mahal din ang Asian vegetables dito tapos ang lalaki ng pack. Kung magluluto ka ng chopsuey, sobrang laki ng magagastos mo sa dami ng ingredients na kailangan. Sana kung marami kayong kakain. Pinakamura na talagang iulam ang karne sa totoo lang.

Tapos dahil mabilisan ang buhay dito, pinaka-convenient talagang kumain ng mga instant food (noodles, canned goods). Pinakamadaling luto rin ang prito. Sa case namin, ako lang ang kumakain ng mga niluluto kong may sabaw kaya nakakatamad magluto sa totoo lang. Yung anak ko puro pritong galunggong at manok lang kaya madalas sinasabayan ko na lang. Ang sabi ng doktor ko, mag-ihaw na lang daw ako instead na magprito. Ang tedious kaya nun, tapos good for one person lang iihawin ko for lunch halimbawa? Eh madalas gutom na gutom na ako by lunch time tapos magluluto pa ako ng ibang pagkain para sa anak ko tapos susubuan ko pa. Kung may nabibilhan lang sana ng lutong ulam dito sa tabi-tabi na parang sa Pinas, ayos sana.

Basta ang punto ko, ang hirap mag-healthy-eating dito lalo na sa puntong ito ng buhay ko huhu. Kaya talagang tinanggap ko na na maggagamot na lang ako. Pero siyempre pipilitin ko namang bawasan ang pagkain ng mga bawal na pagkain pero I doubt it kung talagang maiiwasan ko totally. Kahit ang nanay ko naiintindihan ang sitwasyon ko. Siya nga raw na nasa Pinas na eh hindi na rin malaman kung ano ang kakainin, ako pa ba na very limited ang food options dito.

Hay, diabetes at high cholesterol. Apart from my unhealthy lifestyle, namana ko rin ang mga sakit na yan sa magulang ko. Pero buti na nga lang at hindi ako "high blood" na katulad ng nanay ko. Bata pa lang ako eh low blood na talaga ako. Sana Po talaga hindi magbago.

July 19, 2019

I am grateful though kasi covered naman ng health insurance namin ang maintenance meds ko kaya hindi ko pinoproblema ang additional gastos. Kung nasa Pinas siguro ako, sobrang manghihinayang ako sa pera. Ang sabi ng nanay ko, Php52 ang isang piraso nung cholesterol medicine niya. Hindi birong halaga yun ha.

Pero dito pala sa Canada, usually 'generic' lang yata ang gamot. Basta ibibigay mo lang ang prescription sa Pharmacy tapos sila na ang bahalang mag-dispense. Unlike sa Pinas na makakapili ka (o ang doktor mo) ng brand na iinumin mo.

Kaya kung titingnan mo, mura lang naman pala ang cholesterol medicine ko for 90 days. $23.17 lang o Php926.80 (around Php10.30 per day). Mas mura pa nga sana yan kung walang dispensing fee na $10.

Yun nga pala, sa bawat prescription medicine na bibilhin mo dito, may $10 silang china-charge. Kahit na good for one month lang halimbawa (o 30 pieces), $10 pa rin ang babayaran mo. So better na imaximize mo na ng for 3 months para tipid. Good for three months lang ang maximum na pwede nilang ibigay eh.


Sa ibang health insurance companies, may co-pay. Minsan 20% ang share ng patient. Buti sa insurance namin (sa company ni Daddy Ford), sinasagot nila ng 100%. May health spending allowance kami in a year at iyon lang ang dapat naming iconsume. Malaki naman sya kaya hindi naman basta mauubos. Kailangan mo lang munang paluwalan sa pagbayad tapos irereimburse nila kaagad through bank deposit kapag nasubmit mo na ang resibo online. =)

Thursday, February 15, 2018

#CessieLikes: Fuchingsung-N Cream

A couple of weeks before we leave for the Philippines, nagkaroon ako ng cluster ng maliliit na parang butlig-butlig sa right arm ko. It was so itchy, grabe! I thought it would eventually go away lalo na at maliit lang naman (circled in the below picture yung location) but after a week, sobrang itchy at reddish pa rin. Talagang kamot na ako ng kamot.


My husband did some research and concluded na fungi daw yun (haha, nagmamarunong pa kami sa doctor) so he bought an over the counter Clotrimazole Topical Cream for me. It kinda work for a few days at akala talaga namin ok na. But the itch and redness kept coming back.

Then I had my check-up last January 8 (the day before we flew to Pinas) so I showed my skin na rin to the doctor. Tiningnan niya he immediately said: "Oh, it's eczema!"

Nawindang na naman ako! Dati diabetes, ngayon eczema naman ang bad news! Naalala ko agad yung nabasa ko na hindi gumagaling totally ang eczema, talagang pabalik-balik lang.

I asked the doctor kung ano ang probable cause, he said that it could be many things. Pero parang ang nag-linger sa akin ay pollen. Ha, dahil ba maraming puno sa BC? Wala naman kasi akong maisip na pwedeng magtrigger ng eczema sa akin kasi wala naman akong "bagong" ginagawa / kinakain / sinusuot. Ahh ewan ko ba.

He prescribed a new ointment for me to apply on the area. I was optimistic kasi hindi na siya over-the-counter, baka kako effective, kaso waley. Parang lalong namaga ang arm ko. Lalong kumati at parang lumaki pa yung area.


In my desperation, I used this Fuchingsung-N Cream that we usually use for insect bites. My Tita Oya introduced it to us last year (when we were also here in Pinas) kasi tadtad na ng mosquito bites si TanTan. My son has allergy to insect bites kaya nagsusugat talaga siya sa kakakamot dahil sobrang kati. We've tried everything na nga para iiwas siya sa lamok (i.e. mosquito repellent patches, lotion, etc) pero talaga hinahabol siya ng kagat. Sobrang kawawa talaga.  Dumating pa nga sa point na gusto ko siyang pasaksakan ng Dengvaxia (yung dengue vaccine kasi sikat na sikat noon) sa takot ko na mag-dengue. Buti na lang hindi natuloy whew!

Anyway, my Tita's friend suggested this cream to her. Nabibili lang daw ito sa mga Chinese pharmacy. Nagpabili ang Tita ko sa Quiapo, sobrang mura lang daw --- 3 for Php100.00! Ang dami-dami raw talagang nagva-vouch ng effectiveness nito sa itch and other skin problems.


I googled it muna bago ipagamit kay Nathan syempre. Puro warning ng DFA ang bumungad sakin. Unregistered daw ito and it poses danger to the consuming public. Medyo naalarma ako but I kept on reading. Ayun, may mga blogs and forum nga na naga-affirm ng effectiveness nito kaya sinubukan ko muna sa sarili ko. May mga mosquito bites din kasi ako noon. To my surprise, talagang nawala agad yung kati.

I used it on Nathan at talagang super effective. Hindi na siya nagkakamot pagkalagay at mabilis mawala yung mga insect bite marks. Kung maaga lang namin sana ito nadiscover eh di sana hindi na siya nagkasugat-sugat sa kakakamot. Wala naman akong nakitang any negative effect sa kanya at sa akin ang Fuchingsung kaya I brought 6 tubes pa nga back to Canada (pero hindi naman namin gaanong nagamit kasi fortunately, hindi naman nakagat ng kahit anong insect doon si Nathan kahit noong summer).

Going back to my eczema, ewan ko ba kung bakit hindi ko sinubukan itong gamitin agad. Noon na lang nandito na ako sa Pinas at hindi effective yung Betaderm Ointment saka ko naisipang magpahid. Kasi nga di ko na ma-take ang kati. And true enough, nawala agad ang itch and inflammation. In 2 days yata, nag-flatten na siya. Wonder cream talaga ang Fuchingsung!

I should have read the box dati pa. Pang-skin disorders pala talaga like eczema itong Fuchingsung at hindi insect bites lol.

I will be bringing back a lot of this cream to Canada (kahit na meron pa ako doon) kasi nga recurring ang eczema (at matagal naman ang expiration). Buti nga nasa isang area lang yung sakin at wag naman sanang magspread-out. Kapag nafi-feel ko na kumakati na ung arm ko (first pic, as pointed by the arrow), naglalagay na ako agad ng Fuchingsung kaya hindi nagtutuloy. Sana lang talaga magtuloy-tuloy ang bisa nito sa akin at hindi ako ma-immune later on.

---------------------

Ooops, nakita ko na may nagbebenta pala ng Fuchingsung-N online and they ship worldwide. Nagre-range sa US$10-20+ ang price per tube, plus shipping and custom taxes and duties pa kaloka! But really, if you're living abroad and desperately needing a cream for your skin problems, it is worth a try kahit mahal. When I go back to BC, I'll try to scout kung may binebenta ring ganito sa mga Chinese stores doon. Sa dami ba naman ng chekwa doon, baka meron ding nakakapagpalusot nito.

Monday, July 6, 2015

Random Chika # 3

1. Dinner at Pinoy Grill. We went to Walmart yesterday to buy some more stuff that we need in the Philippines. Then we had dinner at Pinoy Grill because Ford was craving for bulalo and crispy pata. As expected, the food was so-so and we paid $35 I think. The husband didn't give a tip anymore, hindi naman masyadong ok ang service eh.


2. Benadryl for Nathan. Please do not judge us, but after so much contemplation, nag-decide na kaming painumin si Nathan ng Benadryl para sa flight namin sa Pinas (pumayag din naman ang pedia niya). At 7 3/4 months, our son is overly active. Hindi ko talaga kakayanin kung hindi siya matutulog nang maayos kahit ilang oras lang. Vancouver to Manila alone is already 14 hours, eh yung Edmonton to Vancouver pa plus yung layover?

We had a test run last night and effective siya! Around 40 minutes after taking it, tulog na.

By the way, I am happy because I got to use my Benadryl coupon! From $8.99, naging $6.99 na lang (plus 5% tax).

NOTE: Sorry, Nathan. We will try not to do this again. Ngayong uwi lang talaga natin kasi hindi kaya ng Mommy. =(


3.  A Retirement Home in Pinas. I was surprised when I saw my aunt's new house in Pinas. Whoaah, it's so big! She and her husband are US citizens and have been living there for decades now. They retired last year and decided to build a house in Pinas, para raw may matutuluyan sila kapag umuuwi sila.

They must really have lots of money! Hmm, ano kaya ang gagawin nila sa napakalaking bahay na ito? Their four children are busy with their lives at hindi naman bumibisita sa Pinas. Wala na rin kaming kamag-anak sa Malolos because almost everybody's in North America na. Oh well, it's their money to spend hehe!

Picture taken from a relative's Facebook account 

4. Little Ceasars Pizza. Pod and I were hungry last Saturday (late) night at wala na kaming maisip kainin kundi pizza. He wanted to buy cheese-stuffed crust pizza sana from Pizza Hut but I objected. $22+ kasi at namamahalan ako. Sa Little Ceasars kami bumagsak. First time kong makakain nito, very ordinary lang ang lasa. Sabagay, what can you expect from $8+ lol! 


5.  Dresses for Girls. It's so exciting to buy gifts for girls, ang dami kasing choices! Sa damit pa lang, nakakaaliw ng mamili. Since it's summer, I chose some florals (mahilig naman talaga ako sa flowery things hehe). 

I always buy at Gap Outlet. Super mura kasi talaga. 


6. Sofia Paper Bag. I found this super cute paper bag at Dollarama. Pero tama ang instinct ko, dapat hindi na ito ang binili ko. Kasi naman may kapareho sa pinagbigyan ko. Nakakahiya tuloy! =(