Showing posts with label money matters. Show all posts
Showing posts with label money matters. Show all posts

Tuesday, August 14, 2018

Edmonton Trip 2018: Expenses

Hello, hello! I went MIA again, I know. Ang hirap kasi pag nanggaling ka sa bakasyon di ba, parang gusto mo pa ng isa pang vacation from that vacation? Nakakaloka.

Anyway, before I make kwento about our recent trip to Alberta last August 3-7, 2018, share ko muna sa inyo ang naging expenses namin. Natapos ko na kasing i-compute. Gusto ko lang din talagang ma-document ito kaya iba-blog ko in detail hehe.

So magkano nga ba ang nagastos namin?

We've shelled out at least $1103.10 (or Php44,124.00) for this trip. Eto yung breakdown:


  • Gas -- $355.14 (Php14,205.60). Honestly, medyo nagulat ako dito haha. Akala ko around $250 lang ang balikan. Pero sabagay, dumaan pa kasi kami ng Lake Louise at Banff. Mahigit 20+ hours kaming nag-drive noong first day at 14+ hours pauwi.  But take note, maliit lang ang kotse namin ha. Mas magastos pa syempre kapag malaki ang sasakyan.
  • Food -- $313.34 (Php12,533.60). Halos wala kaming ginastos sa Edmonton sa pagkain kasi pinakain talaga kami nang husto ng mga kaibigan namin (once lang kami kumain sa labas sa Edmonton kasi namiss namin ang crispy pata ng Manila Grill). Yan lang yung mga kain namin sa biyahe (ang mahal ng pagkain sa Banff!). Ahh, at may beer pa pala dyan na binili ni Ford para sa inuman nila.
  • Pasalubong -- $312.57 (Php12,502.80). Almost 30% din pala ng total trip ang napunta sa pasalubong na siopao, Purefoods hotdogs, at Krispy Kreme para sa mga kaibigan namin sa Edmonton. Medyo kulang nga eh, dapat mas marami pa pala, kaso ang bigat din kapag sabay-sabay silang bibigyan hehe.
  • Others -- $87.10 (Php3,484.00). Included dito yung Banff Park fees, WEM Galaxyland admission fees, at car wash. Parang yan lang naman.
  • Souvenirs -- $34.95 (Php1,398.00). Syempre hindi pwedeng hindi gastusan ang souvenirs. Ref magnets lang naman, actually. Souvenir-shopping ang pinaka-enjoyable part ng trip para sakin haha. Medyo nagsisi pa nga ako kasi I should have bought more, kaso nga namamahalan din ako. Di bale, nandyan lang naman ang Alberta. Babalik uli kami syempre.

Not included in this list pala are other auxiliary expenses like new clothes, gas (in buying pasalubong), other food baon, etc.

Kung tutuusin matipid pa talaga yan kasi nga nag-stay kami sa house ng friends namin tapos libre kain haha. Pinoy hospitality at its finest talaga. #Ilovemyfriends

$1103.10 is not a small amount here in Canada pero I am glad that we were able to reunite with our very good friends in Edmonton for that amount. Priceless ang naging bonding namin. If only we could visit them every year hay.

----------------------------------
Note: $1.00 = Php40.00

Friday, June 29, 2018

Salary increase celebration

June 27, 2018 (Wed). Ford's company just had their annual wage and work review and we were happy kasi syempre may salary increase ang asawa ko. The increase will take effect starting July.

To celebrate, nagpakain si Mayor sa labas. Where else eh di sa favorite naming Il Uk Jo Korean-Japanese Buffet Restaurant. Susme, parang nung Father's Day lang eh nandun din kami.

We were contemplating kasi kung sa isang ala carte restaurant kami kakain o doon (wala naman kasi kaming ibang gustong buffet restaurant dito). Nanaig ang pagiging praktikal, nanalo ang Il Uk Jo. kasi kung sa ala carte kami, hindi pa kami mabubusog sa $50. Sa Il Uk Jo, less than $55 lang eh busog na busog na kami. Yun nga lang, ang diabetes! Kaso may excuse naman kami to cheat di ba?


Children below 4 years old are free kaya isa pang gusto namin doon. Eh kasi hindi naman kumakain si TanTan ng food nila, sayang kung ipagbabayad namin tapos walang kakainin. Nagbabaon pa tuloy kami ng Mc Donald's Happy Meal for him.

But anyway, narealize namin na mas ok talagang kumain doon pag lunch time kasi mas mura ang rate. Mas makakamura ka ng around $15 for two persons.


Now about the salary increase.

To be honest, medyo malaki naman siya. Ang problema lang kasi talaga eh malaki ang tax. Sa compute ko, around 60% lang din noon madadagdag sa monthly income niya. At dahil nga lalaki ang gross income ng asawa ko, lalaki rin ang percentage ng income tax.

You know what, minsan bitter si Ford haha. Kasi sobrang daming privileges daw ng low-income families - at the expense syempre of middle-income earners. Kawawa raw talaga ang professional class kasi sila ang talagang nagsa-subsidize sa lower class. Syempre ibang usapin ang sa upper class.

I can't blame him. Nakakalula naman talaga ang annual income tax niya. Equivalent na sa yearly income ng isang 'ordinaryong' empleyado dito.

Not that super laki ng income niya. Kung sobrang laki nun eh di sana hindi na namin kailangang mamroblema sa pagbili ng bahay dito sa BC. At sana hindi na namin kailangang magtipid. Sadyang malaki lang talaga ang deduction sa kanya kanya ganun.

Pero usapan lang naman yung bitterness na yun, syempre talagang nagpapasalamat kami. Ang sabi ko nga sa kanya, mas mabuti ng siya ang nagsu-subsidize kesa kami ang under welfare. Hindi naman maganda sa pakiramdam na umaasa ka sa tulong ng gobyerno noh. When he lost his job in Edmonton, nakakakuha siya ng Employment Insurance (EI) from the government every 2 weeks. And although he paid for that insurance (through monthly deduction sa sweldo niya) and is very much entitled to it, nandun pa rin yung feeling na ayaw mo ng ganun. Na mas ok pa rin na may trabaho ka at kumikita ng sarili mong pera.

Salamat po, Lord, for all the blessings!

Always check the receipt

I went back to tracking our expenses since we got back here last June 8. As I have mentioned in my previous post, naglilista na talaga ako ng mga nagagastos namin everyday para namomonitor ko kung magkano ba talaga ang total expenses namin every month.

At nawindang ako ha! In 20 days na nandito kami, would you believe na $2133.04 (o around Php85,500.00) na ang nagastos namin? Walang fixed expenses (like apartment rental, electricity, phone, insurance, etc.) na kasama yan ha. Talagang mga purchases lang.

Grabe, ang gastos ko talaga. When Nathan and I were in the Philippines, sobrang liit lang ng gastos ng asawa ko. Ako talaga ang factor kung bakit hindi kami yumayaman lol!

Oh well, sabi naman ng asawa ko eh ayos lang yan. Kasi may mga pinagkagastusan naman kami na hindi naman palagi -- katulad ng renewal ng costco membership ($60), bike at helmet ni Nathan ($103), graduation cash gift for Ford's inaanak in the US (USD100 or CAD135), etc. Saka dahil matagal kaming nawala, ubos talaga ang grocery stock dito sa bahay (hindi kasi nagluluto ang asawa ko) kaya malaki talaga ang napamili naming pagkain the past 3 weeks. Tapos bumili pa kami ng mga Pyrex glass food containers at ilang frying pans. Ah basta, try kong pababain ang expenses namin next month. Kailangan talagang magtipid kasi nga magkaka-bahay na kami uli. Ang dami-daming gastos!

Anyway, medyo nagka-backlog ako sa pag-tabulate ng expenses namin kasi nga may mga pinagawa sakin ang asawa ko the past nights. Kagabi ko lang naayos uli ang listahan ko.

And guess what, ito ang nadiscover ko:


Twice akong na-charge sa popcorn! Waaaaah!

I know na $1.00 lang yan (plus 5% tax) kaso nakakasama pa rin ng loob syempre. Php42 pesos din yan kung iko-convert.

I don't blame the cashier naman kasi I am sure she didn't intentionally scan the item twice, overly sensitive lang siguro ang scanner. Ako naman was busy putting the other items on the counter kaya hindi ko rin napansin. But I should have checked the receipt after. Pwede namang pasadahan ng tingin saglit.

This isn't the first time that it happened to me in Dollarama. Probably two years ago, I paid $30+ something without checking the receipt. Medyo nabigla ako sa total amount na lumabas sa screen but I paid anyway, without bothering to check the receipt. Two days later, nang makita ko ang resibo sa bag ko, I was shocked kasi may unang tatlong $3 sa list of purchases ko. Talagang wala akong binili na ganun kahit anong isip ko. Kaya pala umabot ng $30+ ang total ko kasi almost $10 na yung na-mischarge sa akin. Pero syempre wala na akong nagawa, pano ko pa babawiin yun? Sobrang nanlata talaga ako.

Hay tapos eto na naman ako. Buti nga yung $1 ang nadoble. Paano kung yung $4?

Lesson learned na talaga! From now on talagang babantayan ko na ang pag-scan ng items ko sa lahat ng bilihan. Tapos iche-check ko ang receipt after.

Friday, January 19, 2018

Low conversion rate

If you are a Canadian or Canadian resident vacationing here in the Philippines, you will feel sad because the value of your dollars is (still) low and very much lagging to its US dollar counterpart.

As of last January 14, CAD1.00 is only equivalent to Php38.44. Obviously, hindi pa rin nakakabawi talaga ang Canada from its economic crisis in the past years. Pero kahit paano nag-improve na, dati umabot pa sa Php31.00-32.00 lang ang conversion eh.


TIP: If you are going to the Philippines and will, of course, be spending money here, better send money through remittance na lang to a bank account here. Mas mataas ang conversion kaya mas malaki ang value ng dollars mo kahit na magbayad ka pa ng remittance fee.

Thursday, July 20, 2017

Daily Expenses List

We started tracking down our expenses (again) since July 1st. We did the same thing last year and it was super effective. By listing our daily gastos, we became more cautious and conscious on how we spend. Na-itemize namin lahat ng expenses - food, car, house maintenance, dining out, miscellaneous, etc. Dahil dun, nakapag-stick kami sa budget namin.

And yep, we did it the old-fashioned way. Mano-manong lista. Mas madali kasi kesa i-excel, pwede kang maglista anytime na may libreng oras ka. Hindi mo na kailangang magbukas ng computer. Saka isa pa, I am and will always be a pen and paper girl. At least nagagamit ko ang ballpens ko. Nakakamiss din kasing magsulat sa totoo lang.



Anyway, with the same intention of saving up, mukhang palpak na ang simula namin. Imagine, in 18 days, nakaka-$2100 na kami! Wala pang fixed expenses dun ha (like rent, utility bills, car mortgage, insurance), puro food, kain sa labas at luho lang. Kung kelan pa kami naglista saka pa lumaki ang gastos nakakaloka.

We started the month wrong yata kasi. Canada Day noong July 1 so naumpisahan agad ng gastos that long weekend. We went pa to Seattle Premium Outlets at nakapag-shopping ko konti. Tapos kain kami ng kain sa labas. Idagdag pa ang pag-splurge sa Paw Patrol toys ng mag-amang Coblancs (around $180 na as of this time). Tapos panay bili rin ako (guilty!).

Whew, sa bagay, ok na nga rin na nakapaglista kami. At least may idea na kami kung magkano na ba talaga ang nagagastos namin. Mahirap yung vague eh, ung alam mo lang na malaki pero wala ka naman talagang actual figure.

Tagtipid na kami in the remaining 10 days. Goodluck naman samin.