Showing posts with label cross border. Show all posts
Showing posts with label cross border. Show all posts

Saturday, July 28, 2018

I bought chocolates in the US

People think na katulad ng America, chocolate-heaven din ang Canada. I beg to disagree. In my almost 5 years of living here, feeling ko nga na-deprive ako ng chocolates na gusto ko. Ang konti ng variety sa totoo lang. Sabi ko nga bakit parang mas marami pang tinda sa Pinas?

To compare, ito ang chocolates aisle sa Walmart USA. Pasensya na kung medyo nakakahilo ang kuha ko.


Ito naman ang sa Walmart Canada.


Sobrang konti lang noh? Actually mas may variety sa Superstore (a Canadian grocery store dito na direct competition ng Walmart) pero no match pa rin sa mga chocolates sa US.

Sa totoo lang, napakasimple lang naman ng taste ko sa chocolates. Very basic lang, ayaw ko ng mga gourmet-type kasi tingnan ko pa lang eh natatamisan ako. Tatlo lang ang favorite ko talagang "imported" chocolates sa mundo, pero would you believe na wala sila sa Canada?

I truly find it weird na wala nitong Hershey's Milk Chocolate dito. Ang meron lang ay ung creamy milk chocolates with almonds.


Itong Kisses Milk Chocolate with Almonds ang super tagal ko ng kine-crave kaya I was so happy nang makakita ako ng malalaking packs. Walang ganung kalalaking packs sa dito eh.  Minsan pala may sumusulpot nyan dito sa Canada (last Christmas nakabili ako) pero on an ordinary day, wala talaga sa grocery shelves.


Ito pa! Made in USA lang naman ito pero bakit hindi pa nakaabot sa Canada? Dati nakakabili pa ako nito sa Dollar Tree eh, pero matagal ng wala. Minsan nakakita rin ako nito sa Daiso pero $3+ ang isa (small bar lang yun ha) kaya dedma na lang.


Aside from chocolates, itong Ruffles Cheddar and Sour Cream ang isa pang nabigo akong makita sa Canada. Favorite ko kasi ito.  Grabe, sa SM Hypermarket ay pakalat-kalat lang ito.


Oh well, blessing in disguise na rin siguro na wala nung mga gusto kong chocolates dito kasi nga haler... diabetic! Saka pasalamat na rin na we live near the border, we can cross anytime. Kapag nakalipat na kami sa bagong bahay namin, we'd probably do grocery shopping in Walmart and Target every month, para maiba naman sa panlasa namin.

Cross Border Purchases and Expenses

Dati when we cross the border, kasama sa itinerary ang Seattle Premium Outlet. But this time, dahil mataas nga ang palitan ng US dollars, mas ok pang magshopping sa Canada so we limited our purchases na lang sa mga pagkain na wala sa amin.

SEAFOOD CITY Ang pinaka-target namin on this trip was to buy Purefoods hotdogs para na rin may mapampasalubong kami sa mga kaibigan namin sa Edmonton this August. We only bought 20 packs kasi takot si Ford na ma-question sa border. Saka mahal din kasi at USD4.29 per pack (or CAD5.79 / Php229.26).

Aside from that, we also bought longganisa (na palagi rin naming binibili sa Seafood City), two different brands of lumpiang shanghai, turkey bacon (para maiba lang sa kinakain namin), Lucky Me Sotanghon Cup (na wala kaming mahanap sa Canada as of the moment), gilit na bangus (walang ganun sa Canada eh, yung ready to cook na), and Vcut (kasi sale). Bumili rin kami ng ice para sa cooler.

All in all, we spent USD 166.47 (or CAD 224.73 / Php8,896.16) sa mga ito. Grabe, ang mahal din noh?


RED RIBBON BAKESHOP. Parang katulad ng previous cross border trip namin, ito lang din ang binili ko -- Cheesy Ensaimada Family Pack and one moist choco slice. USD14.88 (o CAD 20.09 / Php795.19) na yan ha. Pero kebs na, ang sarap naman kasi ng ensaimada. Wala pa akong nahahanap na bakery sa Canada na may masarap na ensaimada eh.


Ay nagpadagdag pa pala si hubby ng chicken empanada na worth USD2.96 (CAD4.00 / Php158.18). Hindi daw ito masarap.


VALERIO'S TROPICAL BAKESHOP. May isa pang Pinoy bakery sa may Seafood City at talagang natakam ako sa ensaymada nila na nakadisplay sa glass cabinet. Last 2 pieces na lang tapos naunahan pa ako. Buti na lang may pack-of-6 pa sila na natira. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung bibilin ko kasi nga namamahalan ako. Imagine, Php62.35 pumapatak ang isang ensaymada! Eh sa Pinas limang piso lang yan. Sa Pan de Manila, mahigit-higit bente pesos. Pero sabi nga ng asawa ko, kung convert ako ng convert eh malamang hindi talaga ako makakakain. O sige na nga, buy! Nakakita rin ako ng whole wheat pandesal kaya sakto, nagke-crave din ako dun eh.

We spent USD10.68 (CAD 14.42 / Php570.74) sa Valerio's.


WALMART. Before going home, syempre daan muna sa Walmart. Agenda rin talaga namin na bumili ng chocolates at iba pang pwedeng mabiling kutkutin dun.

So eto, nakabili kami ng Hershey's Milk Chocolates, Kisses Classic with Almonds, Nestle Crunch, diet popcon (ng asawa ko), Ruffles Cheddar and Sour Cream at beef jerky. May nabili rin nga pala akong $1 na pitchel lol. Binili ko lang kasi sale sa Flamingo haha. At tapos yung toy ni Nathan na tools work bench.

USD51.24 (CAD69.17 / Php2,782.27) ang binayaran namin sa Walmart.


Apart from those purchases, eto pa yung ibang ginastos namin to give you an idea kung bakit hesitant akong pumunta sa Washington talaga.


  • US Border fees -- USD6.00 / CAD8.10 / Php320.64
  • Jollibee lunch -- USD26.50 / CAS35.78 / Php1,416.00
  • Nathan's amusement rides -- USD3.00 / CAD4.05 / Php160.32
  • Nathan's McDonald's Happy Meal -- USD3.92 / CAD5.30 / Php209.48
  • Gas -- USD36.10 / CAD48.74 / Php1,929.18


Sa kabuuan, we spent USD321.75 (CAD434.36 / Php23,212.33). Ang laki rin pala nakakaloka! And to think puro pagkain lang halos yun ha! Buti na lang we used our US dollars kaya parang 'dead money' lang namin yun, pero syempre pera pa rin namin yun di ba.

Nakow, mukhang next time na ayain ako ng asawa ko na magcross border eh di na ako papayag. Kaso matatanggihan ko ba ang ensaimada at hotdog?

Wednesday, July 25, 2018

Cross Border -- July 21, 2018

And so, natuloy din kaming mag-crossborder last weekend. After kong magpatumpik-tumpik, I finally gave in. Hindi ko na-resist ang temptasyon ng Purefoods hotdogs haha. Saka tutal kako I passed naman the citizenship test last July 18 kaya may excuse na na mag-splurge ng konti. We are also going to Edmonton to visit our friends kaya kailangan namin ng hotdogs pamapasalubong.

Pero dahil nga mataas ang value ng US dollars, we decided to use na lang yung remaining USD namin. Naghagilap ako talaga haha! Medyo marami-rami pa naman, pwede pang gamitin ng ilang balik hehe.


July 21, 2018 (Saturday). We left our place at around 12:45pm. Late na kasi late na kaming gumising eh. Hindi naman din kami nagmamadali. We prefer to cross the border ng alanganing oras para hindi mahaba ang pila.

Upon checking online, around 30 minutes ang waiting time sa Peace Arch at Pacific Crossings kaya dun kami sa Aldergrove as usual. Mas malayo iyon pero kesa nakapila ka sa mga "famous" borders na yun ng at least 30 minutes, idrive mo na lang yung oras na yun going to Aldergrove kung saan wala halos pila.


Whenever the Border Officer asks us kung saan o ano ang gagawin namin sa US, we would answer na that we are going to Jollibee. Gets na nila yun haha. Tatawa na sila at magjo-joke.


At dahil wala akong valid I-94, we had to stop briefly in their immigration office. Walang ibang tao dun, kami lang, kaya sobrang bilis. Kinunan ako ng finger prints at photo. Ang sabi ng Immigration Officer, I lost weight daw haha. He must have seen the difference ng current picture ko sa mga nakaraan.

I paid USD6.00 again for my 6-month I-94 validity. Hmmp, di bale na nga. This will be the last time na magbabayad ako niyan because in less than 6 months, siguro naman may blue passport na rin ako.


From Aldergrove Crossing, Westfield Southcenter Mall (where the Seafood City and Jollibee are located) is around 2 1/2-hour drive pa. Nakakainip kasi takam na takam na nga kami sa Chickenjoy.

We arrived at Jollibee ng 4pm and I wasn't expecting a long line kasi nga alanganing oras. Oh well, Sabado nga kasi siguro kaya never napatid ang linya.


We missed you, Jollibee! Noong nasa Pinas kami, araw-araw akong nagmo-motor sa Jollibee (na malapit lang samin) para bumili ng hapunan ni TanTan.


The queue was long pero mas ok na rin kasi makukuha mo na agad ang food mo after you pay. Unlike before na pipila at magbabayad ka tapos bibigyan ka nung parang alarm na iilaw kapag ready na ang order mo. Ang tagal tagal mag-antay. 


Wow, chickenjoy! We paid USD26.50 (or CAD35.78 / Php1,416.16) for these. We wanted to add pa sana spaghetti and burger after kaso pipila na naman ng mga 35-40 minutes.


One Pinoy guy handed this toy to me, baka raw gusto ng bata. Syempre I happily accepted kahit na meron na kami niyan sa Pinas.

Bakit niya binigay sa amin yung toy? Kasi "free" lang yan. Would you believe na parehas lang ang presyo kapag umorder ka ng spaghetti with drinks at kiddie meal na spaghetti with drinks? Tila USD5.99 yata. I learned about it in California kaya sabi ko sa sarili ko na kapag gusto ko ng spaghetti eh yung kiddie meal na ang oorderin ko kahit ayaw ko ng toy.


 After eating, lakad-lakad muna sa mall syempre. Ang tagal kong naghanap ng dresses sa JCPenney at Macy's kaso bigo ako. Kailangan ko kasi ng mga damit for a wedding na aattendan namin sa August at sa forthcoming oathtaking ko (naks!).

Then we went na to Seafood City to buy hotdogs and other pang-ulam. I'll show you what we bought there in another post.


Before leaving, we bought some ensaimadas din from Red Ribbon and Valerio's Bakery. Nakaalis kami ng 7:30pm na.



Off to our next destination -- Walmart! Oo, dinayo pa namin talaga ang Walmart. Ang saya-saya kasi ng mga Walmarts sa US, ang dami-daming paninda. Ibang-iba sa mga Canadian stores.


May batang nabuhayan ng dugo haha. Ang cute nitong nakita naming work tools na trolley kaya binili na rin namin. Walang ganito sa Canada eh.


Ay syempre nagutom ang bagets kaya nagpabili ng Happy Meal. Buti na lang nakaabot pa kami sa Incredibles toy. We got Dash yipeee! (Iba ang toys sa Canada at sa US booo!).


So yun, bago umuwi, pakarga ng gas as usual. Ang laki ng kamurahan ng gas sa US kesa Canada kaya talagang doon nagfu-full tank ang mga Canadians.


Medyo mahaba pa rin ang pila sa Pacific Crossing pauwi. Pero ayos lang kasi ang bait ng border officer na babae. Ni hindi kami tinanong kung ano ang pinamili namin haha. Usually kasi tinatanong nila kung bumili ng liquor o cigarettes eh. Kapag grocery items naman o other goods na hindi naman malaki ang halaga, di naman na nila pinata-taxan.

Anyway, it always feels good to be back in Canada kahit na a few hours lang kaming lumabas. Canada is really our home.


Twelve midnight na nang makarating kami sa bahay. Hindi na nga pala kami nagdinner sa labas, yung mga tinapay na binili na lang namin ang kinain namin.

Thursday, April 19, 2018

Returning I-94

We were supposed to fly back to Canada on April 13, 2018 but because we already bought a house and we're just waiting for September so we could move in, we decided to just extend our stay here in the Philippines. Tutal nandito na rin lang kami. You see, Nathan doesn't want to go back to Canada na hehe. He loves it here, where there's so much space for him to play and lots of people to "entertain" him. Ako naman ayaw ko ng bumalik sa apartment namin haha. Kung pwede nga lang bang sa August na kami bumalik sa Canada eh, kaso I can't stay here longer than six months.  Si husband naman, though miss na miss na ang anak, naisip that he'll be able to save a lot pa in the two months that we'll extend here kaya pumayag na rin. Marami kasi kaming gastos na haharapin come September kaya kailangan magtipid lol.

Anyway, after rebooking our return flight (na walang any fees, fortunately!), Ford reminded me to surrender the Form I-94 that's been stapled on my passport. Kasi nga May 3, 2018 ang expiration kaya hindi na ako aabot. Kaloka, it took me a month to mail it kasi tinamad talaga akong gawin.


Ooops by the way, ang US Customs and Border Protection Form I-94 (or Arrival/Departure Record) is issued to tourists entering the US via land border ports of entry. 

If you live in British Columbia, para kasing part na talaga ng buhay mo ang regular na pagko-crossborder sa Washington. Ang dali lang if you are a Canadian citizen kasi dadaan ka lang sa toll booths tapos ipapakita ang passport mo. But for Canadian permanent residents, medyo hassle ng kaunti. Kasi every 6 months, we would have to go through the immigration process pa and pay USD6.00 fee. Sa immigration, may konting interview portion tapos picture-taking and finger printing churvah. Then they will issue na an I-94 that is valid for 6 months. Kapag meron kang ng valid na I-94 sa passport mo, next time na magcrossborder ka eh dadaan ka na lang din sa booth at hindi na bababa. My husband (who is a Canadian citizen already) would always tease me na ang hassle ko raw isama sa US kasi nga kelangan pang dumaan sa immigration at magbayad. Liability daw ako lol!

Anyway, my recent I-94 was issued on November 4, 2017 when we went to California to visit my in-laws. We crossed the border kasi sa Seattle-Tacoma International Airport kami lumipad. Ang mahal kasi kung sa Vancouver Airpot kasi bale international flight na yun, tapos tatlo pa kami. Kaya sulit na rin kahit na magdrive kami ng 2 1/2 hours going to Seattle dahil malaki talaga ang natipid namin.

We went back to Canada on November 14, 2018 and hindi na uli kami nakabalik ng US after that kaya nasa akin pa ang I-94 ko. We thought of returning it talaga pagbalik sana namin ni Nathan sa Canada by April, kaso nga hindi na aabot dahil sa vacation extension namin dito.

So to correct my records in their system at nang hindi ako maka-experience ng problema sa future travels ko in the US, ayun nga at binalik ko na sa kanila yung Form I-94 via registered mail (na binayaran ko ng Php175.00). Sana makarating huhu.

Nga pala, I wrote a letter to them explaining my situation (kung bakit nasa akin pa nga yung I-94) together with some "evidences" of my departure in the US. Kailangan talaga ng proper documentation. In my case, ang pinaka-strong evidence ko ay yung boarding passes ng flights ko (pauwi dito last January) at yung stamp of arrival in the Philippines sa passport. Enough proof na siguro yun na hindi ako nag-overstay in the US.

I kept a copy of the letter and documents that I mailed to them that I will bring the next time we cross the border. Naku, kakabahan ako for sure. Sana walang maging problema kasi sa Seattle (Tukwila) lang may Jollibee na malapit, I cannot live long without chickenjoy.

Tuesday, March 14, 2017

There are no Purefoods hotdogs in Canada

For the record, THERE ARE NO PUREFOODS TENDER JUICY HOTDOGS IN CANADA.

Kailangan kong isulat ito kasi napansin kong ito ang pinaka-popular kong post so far. Katulad ko dati, marami ring gustong makaalam kung saan puwedeng makabili ng paborito ng lahat na tender juicy hotdogs.

Again, Canada won't import meat products from the Philippines. Very strict kasi ang standards nila, takot sa mga sakit na puwedeng madala ng mga karne from other countries. Kaya I doubt it kung magkakaroon man ever ng processed meat products sa Canadian grocery shelves (kahit nga canned sisig man lang sana).

Anyway, when we were still in Edmonton, Filipino-style hotdogs became available in the market. Gawa ng mga Pinoy na taga-Calgary. I was so happy, kasi talagang mahilig nga ako sa hotdogs. Pikit-mata akong bumili ng one pack noon kahit na around $20 siya sa Lucky Supermarket. Kaso  hindi ko nagustuhan ang lasa. I wasn't expecting naman na maging kasing-sarap siya ng Purefoods, pero hindi ko talaga type eh. Kahit yung asawa ko hindi rin gusto. Ni hindi namin naubos yung pack kahit na nanghihinayang ako. Sabagay, to each his own naman yan. But heaven knows, I really wanted "us" to work (lol!) kaso di talaga swak sa panlasa ko.

When we moved to British Columbia, ayun solved na ang problema ko. I've heard that Seafood City (a popular Filipino supermarket in the US) now carries Purefoods Tender Juicy Hotdogs. We now live 20 minutes away from the Canada-US (Washington) border (plus around 2 hours more to Seafood City) so we could go there anytime to hoard the yummy hotdogs!


I've forgotten the exact price of a pack of ten hotdogs (kasi walang naka-display sa shelf) but it was only US$2-something (naka-sale yata). I'll check again next time. Basta mura siya for me. There were many other Filipino-style hotdog brands din kasing available (like Martins which I also like) kaya may competition.


The drawback though is that these Purefoods TJ hotdogs were made in the US and not in the Philippines. Licensed lang sila kumbaga ng Purefoods Philippines. Look at the turkey ingredient.


The hotdogs don't actually look like their Philippine-counterpart. Medyo pale ang color at iba ang texture ng balat.


At syempre hindi talaga 100% na kalasa. Around 80% lang sa tantya ko. Pero sobrang ok na rin. Satisfied na ang craving ko for Purefoods! Seriously, isa ito sa mga naging considerations ko sa pagdecide na mag-move kami sa Surrey haha.


How I wish magkaroon na rin nito sa Canada, tutal made in the US naman. Kaso mukhang malabo. Di bale na nga, cross border lang naman ang katapat nyan.

Oops, by the way, the Canadian border authorities are not strict naman pala with grocery purchases from the US. Pinapalampas na nila ang food at hindi na usually tinatax-an kahit less than a day ka lang outside Canada. Basta i-declare mo lang para hindi ka magkaproblema.