Showing posts with label shopping. Show all posts
Showing posts with label shopping. Show all posts

Friday, May 24, 2019

Balikbayan Take-Home: Xtreme MagicSing

When you live abroad, it's a must na may sarili kang karaoke mic sa bahay lol. Aside from personal enjoyment, importante yan kapag may bisita ka sa bahay, pang-entertain kumbaga. Kaya naman ang isa sa agenda ko sa pag-uwi dito sa Pinas this year ay ang makabili ng Magic Sing hehe.

Most of our friends in Edmonton have this already, kaya siyempre nakikigaya kami. Ford and I are not bibo when it comes to karaoke singing, shy kami sa mga tao. Pero kapag kaming dalawa lang, kanta kami ng kanta haha!

Noon pa namin gustong bumili nito kaso nag-apartment lang kami the past 2 years. Sabi namin kapag nagkabahay na lang uli. At eto na nga, nakalipat na kami last November! =)

I knew that there are so many karaoke microphones now but I only wanted to buy in SM. Wala na akong energy na maghanap-hanap pa, saka mas credible for me ang nabibili sa mall kesa Lazada o Shopee.

While waiting for TanTan to finish his train ride in SM Marilao last May 1, ayun nakita ko ito. Yung presyo na lang talaga ang tiningnan ko haha. Less than Php15,000 so pwede na. Wala akong balak bumili ng mahal kasi nga hindi naman nga kami "pro" ng asawa ko sa kantahan.



When I asked the saleslady, parehas lang naman daw halos ang dalawang units na ito, wireless microphone lang yung mahal.  Lalo akong na-convince bilhin yung cheaper syempre. I asked the saleslady about their ongoing promo, less Php1,000 daw plus Php6,000-worth of hotel voucher (sa Ilocos at Baguio nga lang haha!). Then she suggested na sa May 23 daw, may 10% promo ang SM kaya malaking tipid din. Ayos, sabi ko babalik ako.

At syempre kelangan ko munang hingan ng pera ang asawa ko. My mother was volunteering to buy it for us kaso nahihiya na ako. Super dami na niyang gastos sa amin ni TanTan dito eh. Ford initially wanted me to get the cordless one, but I disagreed. Sobrang mahal na kako yun, doble ang halaga tapos "cord" lang ang difference. Ok na kako muna yung mura, we can always buy again next time kung magugustuhan namin.

A few days ago, a saleslady of another brand was convincing me to buy their product. Grand ang tatak (dating Wow daw). Their cheapest unit is more expensive than Magic Sing's so medyo turn-off ako (lol again). Pero medyo ginoogle ko pa rin kung ano ang mas ok. I also even asked a friend in Edmonton kung ano sa tingin niya ang ok based on their experience.

To cut the story short, Magic Sing won. So bumili na nga ako kahapon.

The salespersons were very happy with their sale hehe. Medyo madami nga raw bumibili nung Php14,900 unit lately, dinadala sa abroad. I think most nga ng bumibili ng karaoke microphones ay taga-abroad. Dito kasi Php500 lang ang rental ng videoke machine kapag may handaan so no need to buy your own.


This is the unit that I bought. Less Php500 lang pala ang summer promo nila. Yung Php1,000 discount is for the cordless one.


I only paid a total of Php12, 960. Not bad na rin. Sulit ang paga-antay ko ng May 23 kasi Php1,440 rin ang natipid ko.


And they were not kidding about the hotel vouchers! Meron talaga! The vouchers are valid for a year kaso kung kanino lang nakapangalan. I had the option to have it under a different name kaso sino naman. Kaloka, gusto ko tuloy mag-Baguio haha! Pero I wonder rin kung makakapag-book nga ba ako using these haha. Let's see.


Ayan, one item off my shopping list! Excited na akong gamitin ito kahit na na-info overload ako sa mga instructions na pinagsasabi nung saleslady. Oh well, bahala na ang asawa ko na magset-up nito. We don't have many friends yet in BC at hindi ko alam kung kelan kami magkakabisita sa bahay pero for sure masusulit pa rin ito. =)


Wednesday, May 22, 2019

Hello Kitty at 88-Peso Stores

I went to Trinoma last May 5, 2019 to meet with my girl friends. I intentionally came early for two reasons: (1) I commuted lang so kailangan umalis ako ng maaga pa para hindi pa masyadong mainit, and (2) I wanted window shop and visit my favorite stores na wala sa SM Marilao (lol). First time ko kasing lumuwas noon sa Manila simula nang dumating ako noong April 9, would you believe?

On top of my list ng stores na gusto kong puntahan ay ang dalawang 88-peso stores syempre:

Japan Home. Oh how I wish mayroong Japan Home sa Canada!


Their branch in Trinoma is not that big. I wonder kung saan kaya yung talagang malaki at nang madayo ko.


I was surprised na ang dami-dami na nilang hello kitty items! Sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko kasi nga maliit lang naman ang bahay namin at wala akong paglalagyan sa kanila. Sinabi ko talaga sa sarili ko na ang mga bibilhin ko lang sa Pinas ay yung talagang magagamit ko.


Saka syempre, budget na rin. Pahamak kasi ang mga stores na ganito. Akala mo mura lang pero kapag medyo napadami ka ng dampot eh wasak din ang wallet mo. Php88 x 5 items = Php440 na rin!

Pero pag-iisipan ko pa rin kung bibili ako ng ilang kitchen items para maaliw naman ako sa pagluluto lol.


Daiso. Ahhhh, Daiso! You never fail to thrill me! Medyo pangit lang ang location mo sa Trinoma (nasa loob ng True Value) kaya hindi ka masyadong napapasok ng tao.


I was shocked na may isa na rin silang wall dedicated to Hello Kitty. I mean, may mga kitty na dati sa Daiso pero hindi ganito kadami. Sana may ganito rin sa Daiso Canada waaaah!


Ito yung cosmetics line nila na nakikita ko dati pa sa mga vlogs.


Hmm, pagi-isipan ko kung bibili ako later on ng kahit isang piraso lang. Try ko rin pumunta sa mas malaking branch ng Daiso.


I was such a good girl. Isa lang ang nabili ko. I am very happy kasi magagamit ko talaga ito! I got this for Php188.


I love love love Hello Kitty! I am almost 40 pero talagang gusto ko pa rin siya hehe. I'll do a haul later of all the Hello Kitty stuff na mabibili ko this Pinas vacation ko. =)


Thursday, February 21, 2019

Daiso Addict

Family Day last Monday, February 18, 2019, so walang pasok si Hubby. Nag-crave kami pareho sa crispy fried squid kaya nagkayayaan sa Richmond Public Market. At syempre dahil nasa Richmond na rin lang kami, kailangang idaan niya ako sa Daiso hehe.

Nag-concede na ang husband ako. He knows na mahilig talaga ako sa kung anik-anik kaya pinababayaan na rin niya ako kahit na para sa kanya ay "kalat" lang ang pinagbibili ko. Well, totoo naman. Pero ewan ko ba, grabe talaga ang saya ko kapag nasa mga dollar stores ako. Lalo na sa Daiso kasi nga kaisa-isang branch lang ito sa buong Canada, tapos super layo pa sa amin (one-hour drive). Feeling ko tuloy sobrang deprived ako.

Pero kung tutuusin, hindi naman talaga. In fact, simula ng lumipat kami dito sa bahay last November ay medyo napadalas na nga kami sa Daiso.

Nag-addict nga kasi ako sa organizers lol.


Buti na lang talaga nga at kunsintidor ang asawa ko haha! Saka in fairness, nakita rin naman niya na useful yung mga white organizers na nabili ko.

November 27, 2018

February 2, 2019

I checked my records and we've been to Daiso five times na pala simula nga nang maglipat kami. At nakakaloka ha, $318.12 (or Php12,724.80) na pala ang nagagastos namin waaah! Shookt ako!

November 27, 2018 -- $88.48
December 1, 2018 -- 75.62
January 12, 2019 -- 77.29
February 2, 2019 -- 47.04
February 18, 2019 -- 29.69
__________________________

Total ------------ $318.12 

To be honest, marami rin naman akong nabili talaga na hindi para sa bahay. Hala, bigla naman akong na-guilty! Sabi ko pa naman eh titigil nako sa kakabili ng mga walang katutuwang bagay.

January 12, 2019

Itong ngang recent Daiso trip namin eh wala na talaga akong maisipang bilhin, pero bumili pa rin ako for the sake of buying. I know, there's really something wrong with me.


I keep on telling myself na magtitipid na ako blah blah pero kapag nasa store naman ako eh nagpa-palpitate ako. Ganun din ba kayo? This is something that my Ilocano husband won't understand haha. Pero aaminin ko, mukhang malabo akong magbago lol. Buti na nga lang din at malayo kami sa Daiso.

By the way, ang base price ng Daiso dito ay $2.00 (or around Php80). Pero dahil may additional 12% tax pa, papatak na $2.24 (or Php89.60). Halos kapareho lang ng presyo sa Pinas na Php88.00.


----------------------------------

My only wish from my husband on our 7th year wedding anniversary was for him to take me to Daiso lol. Talk about addiction. Panay kasi ang nood ko ng Youtube lately at puro Daiso haul ang nakikita ko hehe.



Thursday, August 23, 2018

I returned a dress

I was getting desperate. It was 8 days before the wedding we'll attend to and I still didn't have a dress. Tsk, ang hirap pala ng walang available-dress-to-wear sa closet. You see, I don't work and we seldom attend parties that require a dress kaya wala talaga akong mga ganyan. In fact, the last event na nag-dress ako was in November 2016 pa, sa wedding ng first cousin ko dito sa Surrey.Naisip ko nga na isuot na lang yung dress na sinuot ko noon kaso nang sinukat ko, ang sagwa. Ewan ko nga ba.

I have a weird body rin kasi kaya choosy ako sa dresses. I have big arms, huge boobs, and small hips. Tapos ang laki pa ng tummy ko. Ang hirap talagang humanap ng damit na bagay sa totoo lang.

Then last Friday, we passed by Hudson's Bay in Metrotown and I saw this dress (the light old rose at the back). Naisip ko, baka pwede na yun. I am sure na may size ako kaya hinanap ko. That's one thing I like here, "normal" lang ang size ko.


Pikit-mata, I bought it for $99.68, tax included. It was my most expensive clothes-purchase to date. And the worst part was, I didn't feel good pa wearing it. Parang lalo akong tumaba.

Pero objectively, sukat na sukat siya sa akin. Saka ang lakas maka-sosyal ng tela, wedding party-appropriate pa talaga. Saka may sleeves. Since I have big arms, never talaga ako nag-sleeveless. Biggest insecurity ko talaga yan eh.

Naisip ko na lang na bibilhin ko na lang tutal I can return it naman. Grabe, may "I-can-return-anyway" mentality na rin ako na parang taga-dito! Dati kasi pinagsasabihan ko si Ford na wag bili ng bili kapag hindi naman sure tapos ibabalik after. Bad habit kako yun.

Right after purchasing it, naisip ko na agad isoli haha. Imagine, I still would have to look for shoes/sandals at a formal bag to go with it. Again, wala akong mga formal accessories na ganyan. Very casual lang kasi talaga ang mga outfit ko in the past. Tapos I gained so much weight pa so I lost interest in dressing up.

Naghanap-hanap lang ako saglit ng shoes pero talagang alam ko na that I will return the dress lol. I really wasn't happy with it. Binili ko lang talaga as panigurado that I will have something to wear just in case wala na talaga akong mahanap. Kaso how can I wear it without shoes?

Thankfully, I found a short casual dress at guess what -- Walmart! Nadaanan ko lang tapos nakita kong may potential. I fitted it at ayon, ayos naman! At dahil Walmart, given na na mura siya at $22.37 (tax included).

When I told my husband that I will buy it for the wedding, he commented: "Ang pangit naman nyan." I justified that it's a lot better than the expensive dress that I bought in Hudson's Bay. Tapos hindi ko na kailangan ng new shoes kasi I have a black sandals na na bagay sa dress. I also assume na hindi naman ganun ka-formal ang wedding reception kaya pwede na siguro yun.

We returned the $100-dress yesterday and I was so happy! Parang may mabigat na nawala sa dibdib ko haha. Hanggang di kasi nasosoli eh dagdag pa siya sa isipin ko. Returning an item here is so easy, no questions asked. Basta may resibo, attached tag, at within the return-day policy pa, they will accept it. Dapat lang dala yung card na ginamit pambili.

So now my realization. Dapat mag-stock na talaga ng ako ng dresses and other formal accessories para kapag may mga ganitong event eh hindi na ako mangangarag. I am getting old na rin (I'll be 39 in a few days) kaya dapat medyo age-appropriate na rin ako magdress-up.

Thursday, August 2, 2018

Php2,000-worth of boy's clothes

Ano ang mabibili ng Php2,000 mo na boy's clothes dito sa Canada?

Osh Kosh


Mountain Warehouse


Old Navy


Costco


Ang mura noh? $49.00 lang lahat yan o Php1,960.36. And take note, branded ang mga yan ha. Pero hindi pa rin yan yung masasabing super mura dito kasi mabilisan lang ang pagkabili namin niyan. Kailangan lang kasi ni Nathan ng new pairs of shorts for our forthcoming Edmonton trip kaya namili kami agad-agad. Normally kasi talagang naghahanap lang ako ng talagang sale kapag binibilhan ko siya mga damit.

That's one thing I like here in Canada, nasusuotan ko ng 'branded' clothes ang anak ko kahit para sa pang-araw-araw lang. Parang artista ba, laging maganda ang suot hehe. Kung sa Pinas kasi, I doubt kung mabibilhan ko siya ng Gap o Osh Kosh all the time. Baka kapag birthday lang o Pasko. Kuripot kasi ako sa damit haha, ayaw ko ng paulit-ulit lalo na kapag may picturan kaya nanghihinayang ako bumili ng mahal tapos isa o dalawang beses lang gagamitin. On the other hand, ayaw ko rin naman na Divisoria clothes lang ang ipapasuot ko sa only child ko haha. Ano ba talaga, ateng?  Problematic noh?

Sa SM Department Store pa lang kasi eh sobrang mahal na ng damit. Ang mga shorts, parang Php800 na. Ang mamahal din ng mga t-shirts na local brands lang din naman, tapos hindi pa ganun kaganda ang quality. Kaya kapag umuuwi kami sa Pinas, mga pajamas at pantulog shirts lang ang binibili ko kay Nathan. Nagdadala talaga ako ng maraming damit galing dito.

I'll post more of my cheap buys soon!

Saturday, July 28, 2018

Cross Border Purchases and Expenses

Dati when we cross the border, kasama sa itinerary ang Seattle Premium Outlet. But this time, dahil mataas nga ang palitan ng US dollars, mas ok pang magshopping sa Canada so we limited our purchases na lang sa mga pagkain na wala sa amin.

SEAFOOD CITY Ang pinaka-target namin on this trip was to buy Purefoods hotdogs para na rin may mapampasalubong kami sa mga kaibigan namin sa Edmonton this August. We only bought 20 packs kasi takot si Ford na ma-question sa border. Saka mahal din kasi at USD4.29 per pack (or CAD5.79 / Php229.26).

Aside from that, we also bought longganisa (na palagi rin naming binibili sa Seafood City), two different brands of lumpiang shanghai, turkey bacon (para maiba lang sa kinakain namin), Lucky Me Sotanghon Cup (na wala kaming mahanap sa Canada as of the moment), gilit na bangus (walang ganun sa Canada eh, yung ready to cook na), and Vcut (kasi sale). Bumili rin kami ng ice para sa cooler.

All in all, we spent USD 166.47 (or CAD 224.73 / Php8,896.16) sa mga ito. Grabe, ang mahal din noh?


RED RIBBON BAKESHOP. Parang katulad ng previous cross border trip namin, ito lang din ang binili ko -- Cheesy Ensaimada Family Pack and one moist choco slice. USD14.88 (o CAD 20.09 / Php795.19) na yan ha. Pero kebs na, ang sarap naman kasi ng ensaimada. Wala pa akong nahahanap na bakery sa Canada na may masarap na ensaimada eh.


Ay nagpadagdag pa pala si hubby ng chicken empanada na worth USD2.96 (CAD4.00 / Php158.18). Hindi daw ito masarap.


VALERIO'S TROPICAL BAKESHOP. May isa pang Pinoy bakery sa may Seafood City at talagang natakam ako sa ensaymada nila na nakadisplay sa glass cabinet. Last 2 pieces na lang tapos naunahan pa ako. Buti na lang may pack-of-6 pa sila na natira. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung bibilin ko kasi nga namamahalan ako. Imagine, Php62.35 pumapatak ang isang ensaymada! Eh sa Pinas limang piso lang yan. Sa Pan de Manila, mahigit-higit bente pesos. Pero sabi nga ng asawa ko, kung convert ako ng convert eh malamang hindi talaga ako makakakain. O sige na nga, buy! Nakakita rin ako ng whole wheat pandesal kaya sakto, nagke-crave din ako dun eh.

We spent USD10.68 (CAD 14.42 / Php570.74) sa Valerio's.


WALMART. Before going home, syempre daan muna sa Walmart. Agenda rin talaga namin na bumili ng chocolates at iba pang pwedeng mabiling kutkutin dun.

So eto, nakabili kami ng Hershey's Milk Chocolates, Kisses Classic with Almonds, Nestle Crunch, diet popcon (ng asawa ko), Ruffles Cheddar and Sour Cream at beef jerky. May nabili rin nga pala akong $1 na pitchel lol. Binili ko lang kasi sale sa Flamingo haha. At tapos yung toy ni Nathan na tools work bench.

USD51.24 (CAD69.17 / Php2,782.27) ang binayaran namin sa Walmart.


Apart from those purchases, eto pa yung ibang ginastos namin to give you an idea kung bakit hesitant akong pumunta sa Washington talaga.


  • US Border fees -- USD6.00 / CAD8.10 / Php320.64
  • Jollibee lunch -- USD26.50 / CAS35.78 / Php1,416.00
  • Nathan's amusement rides -- USD3.00 / CAD4.05 / Php160.32
  • Nathan's McDonald's Happy Meal -- USD3.92 / CAD5.30 / Php209.48
  • Gas -- USD36.10 / CAD48.74 / Php1,929.18


Sa kabuuan, we spent USD321.75 (CAD434.36 / Php23,212.33). Ang laki rin pala nakakaloka! And to think puro pagkain lang halos yun ha! Buti na lang we used our US dollars kaya parang 'dead money' lang namin yun, pero syempre pera pa rin namin yun di ba.

Nakow, mukhang next time na ayain ako ng asawa ko na magcross border eh di na ako papayag. Kaso matatanggihan ko ba ang ensaimada at hotdog?

Friday, June 29, 2018

Always check the receipt

I went back to tracking our expenses since we got back here last June 8. As I have mentioned in my previous post, naglilista na talaga ako ng mga nagagastos namin everyday para namomonitor ko kung magkano ba talaga ang total expenses namin every month.

At nawindang ako ha! In 20 days na nandito kami, would you believe na $2133.04 (o around Php85,500.00) na ang nagastos namin? Walang fixed expenses (like apartment rental, electricity, phone, insurance, etc.) na kasama yan ha. Talagang mga purchases lang.

Grabe, ang gastos ko talaga. When Nathan and I were in the Philippines, sobrang liit lang ng gastos ng asawa ko. Ako talaga ang factor kung bakit hindi kami yumayaman lol!

Oh well, sabi naman ng asawa ko eh ayos lang yan. Kasi may mga pinagkagastusan naman kami na hindi naman palagi -- katulad ng renewal ng costco membership ($60), bike at helmet ni Nathan ($103), graduation cash gift for Ford's inaanak in the US (USD100 or CAD135), etc. Saka dahil matagal kaming nawala, ubos talaga ang grocery stock dito sa bahay (hindi kasi nagluluto ang asawa ko) kaya malaki talaga ang napamili naming pagkain the past 3 weeks. Tapos bumili pa kami ng mga Pyrex glass food containers at ilang frying pans. Ah basta, try kong pababain ang expenses namin next month. Kailangan talagang magtipid kasi nga magkaka-bahay na kami uli. Ang dami-daming gastos!

Anyway, medyo nagka-backlog ako sa pag-tabulate ng expenses namin kasi nga may mga pinagawa sakin ang asawa ko the past nights. Kagabi ko lang naayos uli ang listahan ko.

And guess what, ito ang nadiscover ko:


Twice akong na-charge sa popcorn! Waaaaah!

I know na $1.00 lang yan (plus 5% tax) kaso nakakasama pa rin ng loob syempre. Php42 pesos din yan kung iko-convert.

I don't blame the cashier naman kasi I am sure she didn't intentionally scan the item twice, overly sensitive lang siguro ang scanner. Ako naman was busy putting the other items on the counter kaya hindi ko rin napansin. But I should have checked the receipt after. Pwede namang pasadahan ng tingin saglit.

This isn't the first time that it happened to me in Dollarama. Probably two years ago, I paid $30+ something without checking the receipt. Medyo nabigla ako sa total amount na lumabas sa screen but I paid anyway, without bothering to check the receipt. Two days later, nang makita ko ang resibo sa bag ko, I was shocked kasi may unang tatlong $3 sa list of purchases ko. Talagang wala akong binili na ganun kahit anong isip ko. Kaya pala umabot ng $30+ ang total ko kasi almost $10 na yung na-mischarge sa akin. Pero syempre wala na akong nagawa, pano ko pa babawiin yun? Sobrang nanlata talaga ako.

Hay tapos eto na naman ako. Buti nga yung $1 ang nadoble. Paano kung yung $4?

Lesson learned na talaga! From now on talagang babantayan ko na ang pag-scan ng items ko sa lahat ng bilihan. Tapos iche-check ko ang receipt after.

Wednesday, June 27, 2018

I bought a Juicy Couture bag

I promised myself (and my mother) that I won't be buying bags for the time being. I have lots already, at hindi ko naman nagagamit talaga dahil ako ay dakilang tambay sa bahay lang naman. And you know what, there was even a time in my life na mas marami pa ang bags ko kesa sa damit ko na kasya (kasi nga sobrang tumaba ako noon at naubusan ako ng masusuot). I am not exaggerating, super dami ko talagang bags as in! Magkukuwento na lang ako ng bag addiction ko in a separate post, oki?

Anyway, I got bored yesterday so the good hubby took me to Winners-Homesense in Coquitlam na lang para malibang. Medyo house-mode na uli kasi kami ngayon dahil may bago na kaming bahay na lilipatan.

Yung Winners nga pala ay bilihan ng mga branded stuff (clothes, shoes, toys, bags, house items, etc) at lesser price. Yung Homesense naman na kapartner niya ay pang lahat ng gamit sa bahay.


The moment we entered the store, nag-aya na agad si Nathan sa toys section. Sumunod ako pero napatingin ang mata ko sa bags section din. Haha, pinabayaan ko na silang mag-ama at ako'y naningin muna ng bags.

Eto agad ang kumuha ng atensyon ko. I am drawn sa mga floral thingy talaga na ganyan. Tapos sling bag pa. Sobrang gustung-gusto ko ng sling bag kasi napaka-convenient gamitin lalo na at may bata ako na palaging kasama.

Original Price is $80.00

I checked the price at namurahan ako -- $39.99 + 12% tax. Sabagay hindi naman kamahalan ang material.

Bitbit-bitbit ko siya the whole time na nagtitingin kami ng mabibiling gamit sa bahay. My mind was telling me to just leave it behind kasi nga ang dami ko ng bags kaso I didn't have the heart to do it. Type ko kasi talaga haha! Ang gaan pa kasi... saka sabi ko ke Ford wala pa akong Juicy Couture na bag. I know na pambata ang JC kaso yung design naman na ito eh pwede na sa age group ko lol.

Wala namang kontra ang asawa ko ever. In fairness, hindi ako kinokontra nun sa bilihan. Pero syempre kunwari nagpapaalam pa rin ako hehe.


Ayan, me bago na naman akong bag. My first this 2018. Last year super dami kong nabili, puro mahal pa -- Michael Kors, Kate Spade, Furla, Tory Burch, Dooney and Bourke, Herschel, etc.). Kaya malaking improvement na ito ha.

Pero sige na nga, once a bag addict, always a bag addict.

Tuesday, January 2, 2018

New Year's Resolutions 2018

Parang di pa rin nagsi-sink in sa akin na 2018 na. Ambilis talaga ng araw!


Anyway, I made a list of my new year's resolutions. I actually stopped making resolutions a long time ago, ngayon na lang uli. Wala lang, para may pang-reckon hehe.

1. Continue with weight loss. I lost 18lbs since August 16, 2017. Medyo napako na nga ang weight ko recently (lalo na this holiday season) kaya kailangang maging conscious uli sa pagkain at paggalaw-galaw. I am still overweight and I need to lose more pounds.

2. Take better care of self (especially skin). I am now on my late 30s (huhu) and sadly, my physical appearance has deteriorated na rin talaga. Obvious na obvious na na #TitaOfVancouver na ang peg hay. Hindi rin kasi ako maalaga, lalo na nung nagka-anak ako at naburo sa bahay. I used to have great skin pero dahil iba nga rin ang weather at water dito, grabe na sa pagka-dry (and I became dark huhu). I am hoping na mahabol ko pa na madelay ang inevitable aging ko.

3. Dress well again. I was never a fashionista but I can objectively say that I dressed well during my dalaga days. Gusto kong bumalik sa dati. I want my husband and son to be proud of me. I sort of lost my interest in dressing up din kasi when I gained a lot of weight, syempre wala nang bagay na damit. Pero ngayon nakakatuwa kasi nagkakasya na uli sa akin yung mga ibang damit na nakaliitan ko na.

4. Be more mindful in spending. I am naturally magastos. Sobrang hilig kong magshopping at bumili ng kung anu-ano. But this year, I'll try to be more careful sa paggasta, lalo na since we are planning to purchase a place already. Iwas muna sa unnecessary spending.

5. Start purging. Since I shop a lot, I naturally have a lot of things. Ang problema is that I never let go of them. Would you believe na yung mga damit ko noong 20s ako ay nasa closet ko pa sa Marilao? Kung hindi kami na-Ondoy last 2009, kahit mga gamit ko mula pagkabata ay tiyak nandun pa. Dito sa Canada, ang dami-dami naming gamit sa storage na hindi na naman namin kailangan yet hindi ko malet-go. My husband is telling me na dahil sa mga "kalat" ko, nagbabayad kami ng mahal sa storage. I really need to do something about it. I'll dispose all those things na. For sure, we will be moving to a smaller place later on (smaller than our previous home) so wala na talagang space for them. I will declutter and purge.

6. Be a better wife and mother. With all honesty, I will admit that I wasn't able to give my best to my mag-ama the past year. Siguro dahil na rin nagkasakit ako at mas napagtuunan ko ang mga sarili kong concerns. Saka naging too complacent din ako because I know that they love still me even if I am not lovable at times. Ahh basta, babawi ako sa kanila.

7. Document more. I love documenting, orientation ko rin kasi yan as a Sociology graduate. This year, I'll try to "save more memories." I'll produce photo books and get back at journaling. I'll take more photos and videos (especially of my son who's growing up too fast) and share them with my family and friends in social media (what's the use of having all those kung hindi ishe-share lol).

8. Blog as often as possible. I love blogging because this is one form of documentation. Online diary ko ito eh. So I will try to blog as often as I can. Hahanapan ko talaga ng time at energy. I also promise (to myself) na hahabulin ko pati backlogs ko kasi andami-dami kong hindi pa napopost dito. Kumbaga, kulang-kulang ang istorya ng buhay ko kaya dapat buuin.

9. Be grateful always. Bukambibig ko ang salitang grateful pero kadalasan hindi ko rin naiinternalize talaga. More often than not, I dwell on the negative, nakakalimutan kong magpasalamat sa kung ano ang meron ako. I will aspire to develop a grateful heart from now on, yung mas nakakaappreciate ng kahit maliliit na bagay o pangyayari. For sure magiging mas masaya ako.

So there! I will look back at this list a year from now and see what happened.

Kayo, anong new year's resolution ninyo? =)

Friday, November 24, 2017

Best Black Friday Deal

Nathan and I are going 'home' in the Philippines this January and I was searching for a perfect gift for my nephew who I haven't seen (except in FB and IG) in more than five years. He'll turn 7 na in April 2018. I know that he's into toy cars / trucks but I still asked his mom if there's any particular toy that he likes. Wala naman daw, basta any toy vehicle will make the little boy happy.

To be honest, mahirap hanapan ng gift ang batang yun because he seem to have everything na naman. Maraming nagi-spoil sa kanya. Kaya challenge talaga na makahanap ng something na mapapa-wow siya.

Anyway, we were at Walmart last Monday (November 20) and I saw this Mack's Mobile Tool Center toy. It's actually big and heavy pero kasya sa balikbayan box. Hmmm, pwede. Bagong labas lang ito kasi noon ko lang nakita. And believe me, kabisado ko lahat ng toys sa Walmart at Toys R Us kasi lagi kaming nandun.

The price was $79.97 (+ 9.59 tax = $89.57 / Php3,600.00 - final price) and it was ok. Mura pa rin kumpara sa mga toys sa Pinas.


We were at Walmart again yesterday and I showed it to Ford. He gave me the go signal to buy it. Sabi ko later na lang, tutal sa January pa naman kami uuwi. Saka baka may makita pa akong iba. Marami kasing new toy releases ngayon kasi nga magpapasko. Pero convinced na rin talaga ako na this is what I want to get for my nephew.

***********

But just tonight, we proceeded to Walmart again after a little black Friday shopping at Guildford Town Centre to buy a blanket for Nathan. Yeah, we are obviously Walmart people, we buy everything we need from Walmart lol.

As expected, the little boy geared us toward the toys section. Bumungad sa akin ito and I couldn't believe it at first. Kaloka, $39.97 na lang siya?!?! Bale $44.77 / Php1,800.00 with tax.


Grabe ang saya ko haha! Imagine saving 50% of what I already conditioned myself to shed off for the toy! Ok talaga dito pag nag-sale haha!

We instantly grabbed one and put it in our cart. Nagcontemplate pa nga ako kung bibilhan ko rin si Nathan, kasi nga sobrang mura na (it looks nicer and pricier in actual ha). But Nathan showed no interest on it eh. And when I told him that he will give it to Kuya Luc as a gift, he excitedly said yes. Walang inggit o question man lang kung bakit wala siya (he's a good boy and inasmuch as he loves receiving gifts, sanay din siyang magbigay kasi talagang tinuturan namin).

Ayan, problem solved na! I got what I wanted at a very reasonable price. Yung natipid ko, I might use na lang in buying other toys/clothes for Kuya Luc kasi nga ang dami-dami naming utang sa kanya. Or pwede kong ibigay ng cash kapag nagkita kami so he could buy what he wants pa.

*************

If there's one thing we learned about toy-buying here in Canada, it's TO WAIT. Tiyak kasi na magse-sale, lalo na yung mga mahal.

Wednesday, October 18, 2017

First Uniqlo in (Metro) Vancouver

We were at Metropolis at Metrotown (or simply, Metrotown Mall) last Saturday (October 14) so we finally got to "experience" the hype on the newly opened, first ever Uniqlo in Vancouver.

This store is actually not in Vancouver but in Burnaby. But I read somewhere that they are looking na rin for a Downtown Vancouver location na may malaking space at di gaanong mataas ang rent (haha, meron kaya nun?).


Anyway, I like Uniqlo. I used to buy shirts and a lot of fleece jackets from there before. Gusto ko rin ang tela nila for kids' shirts. Kaya natuwa talaga ako nang malaman ko na magkakaroon na sila ng stores dito sa Vancouver. Ang alam ko may dalawa na silang naunang stores sa Greater Toronto Area eh.


I was so excited to look at their merchandise kaso sobrang dami talagang tao, nakakahilo! Kasama ko pa ang mag-ama ko kaya hindi ako makadiskarte. I want to compare prices din kasi, kung mas mura pa dito o sa Pinas. Ang hula ko ay sa Pinas, cheaper labor and business costs.


No doubt na dadagsain talaga ang Uniqlo kasi napakaraming chekwa and other Asians dito who are familiar with the brand. Parang wala akong gaanong napansin masyado na Caucasian.

Pinaikot ko lang ang mata ko sa prices and my conclusion -- MAHAL! Mahal sa standards ng Canadians/Westerners na sanay sa outlet stores at sale items. Kung taga-Pinas ka at gusto mo ng winter jacket kasi magta-travel ka, bibili ka sa Uniqlo kasi saan pa ba? Pero kung taga-dito ka, andami-daming pwedeng bilhan ng jacket noh. Nandyan pa ang pang-masang GAP at Old Navy.

Oh well, marami nga palang mayayamang chekwa dito. Siguro sa kanila, kebs lang ang presyo haha. pero sigurado ako, mamamahalan ang mga puti sa Uniqlo.


October 6 lang nagbukas ang store (one week pa lang when we visited) so talagang nandun pa rin yung hype. I wonder kung hanggang kailan kaya. Parang nung nag-open ang Muji, ilang weeks na pipila ka sa labas bago makapasok.


I'd probably go back on November na to further 'observe' lol. Maga-antay din muna ako ng sale bago bumili. As far as I know, ok naman ang prices nila kapag nagse-sale.


Friday, September 29, 2017

On buying toys for Nathan

I've been reviewing our expenses for the past three months (I started making a list since July 1) and was shocked to realize that we've spent quite a lot on Nathan's toys. Around $300 na, hindi pa included yung mga happy meal toys and other educational materials.

At ang dami pa naming naka-line up na bilhin for his birthday and Christmas ha.


I honestly have no idea kung normal ba yun o we are going overboard na. How often should we buy new toys ba?


Now that Nathan is exposed with toy reviews in Youtube, ayun panay na ang request. And mind you, very expensive toys yun ha. Dati-dati kahit isama namin siya sa Toys R Us eh wala lang, ngayon talagang may mga specific toys na siyang gusto.

Mataas pa rin naman ang EQ niya. He's willing to wait. He's expecting us to gift him with a huge Paw Patrol Lookout on his birthday and an animal farm toy set for Christmas. Puwera pa yung requests niyang Peppa Pig House from Lola Lucy and "big" hotwheels from Grandpa. Tapos me batman ang spiderman pa na nadagdag, nakakaloka!

For Christmas, I am planning to wrap at least five toy gifts for him. Para marami siyang bubuksan kasi wala naman ibang magbibigay sa kanya dito. Ngayon pa lang iniisip ko na kung anu-ano ang mga yun at kung magkano ang budget haha.

FORD: "Kaya pala maraming toys si Oliver (his cousin) noong bata. Tingnan mo mukha ng anak mo."

The challenge really is how to control ourselves from buying toys for him. I know that there are many other parents really who spoil their children, but Ford and I grew up in simple families kaya hindi kami sanay sa maraming toys.

Here are the reasons why we keep on buying toys:

  • Nathan has no other playmate. I need things to help me entertain him.
  • Nathan now appreciates toys. He knows na what he wants. Ford made a promise to him when he was a baby that he will buy him toys pag naglalaro na talaga siya (ayan tuloy, napasubo siya).
  • Kahit kami ni Ford, natutuwa sa toys. Dahil nga ba fixated din kami? Katulad sa microwave na ito, ako ang aliw na aliw. And Ford couldn't wait na mas lumaki pa si Nathan para mabilhan niya ng toy soldiers at yung lumilipad na helicopter.
  • Toys are relatively cheaper here in Canada kumpara sa Pinas. I am a sucker for great deals, kapag nakakita talaga ako ng mura eh nanghihinayang akong hindi bilhin.
  • Because it's hard to say no to your child when you can afford naman yung pinapabili.

Siguro yung last reason ang talagang struggle. Sinabi ko nga yun sa mother ko dati, na mahirap tumanggi sa anak lalo na at may pambili ka naman. Lalo na dito sa Canada na maliit ang denomination ng pera at hindi thousands lol. Parang ang mura-mura lang tuloy ng $49.95 na toy haha.

When I was a kid, I got used to my mom's saying "no" whenever I would ask her to buy me a toy from the market (oo sa palengke na nga lang olats pa rin). Ok lang naman because I knew na wala nga yun sa budget. Hindi naman ako bitter. Kaya nga noong lumaki ako eh saka na lang ako nagbibili ng toys ko. Seriously.

So now that I have a son, ONLY SON mind you, syempre gusto kong malaro niya lahat ng gusto nyang laruin. Isip-isip ko, minsan lang naman siya bata. Saka kinikita naman (ng asawa ko lol) ang pera, ang saya sa mukha ng bata, priceless talaga.


I am thankful though kasi nga hindi pa naman dumarating sa point na nagi-iiyak o nagwawala siya kapag ayaw naming bilhan ng toy (except for the toy vacuum when he was one year old kasi gustung-gusto niyang gayahin ang daddy niya kapag nagva-vacuum). Napapaliwanagan pa namin siya na hindi palaging pwedeng bumili ng toy agad agad and that he has to wait kung may gusto siya. So far, happy na siyang makapag-ikot-ikot lang sa Toys R Us or Disney Store.

Hope he maintains that attitude. I would like to believe that he has his dad's Ilocano blood, matiisiin at matipid haha, kasi pag nagkataon, mapupunta talaga sa kanya ang malaking bulk ng budget namin. Sabi ko naman sa inyo, hindi ko yan matitiis. #BadParenting, I know.

Monday, September 25, 2017

Kate Spade Outlet in Vancouver

I am so happy!

We went to McArthurGlen Designer Outlets (near Vancouver Airport) last Saturday and guess what, Kate Spade is already open! It was still under construction the last time we were there eh.


OMG! Di pa rin ako makapaniwala na may outlet na talaga ang Kate Spade dito! One of the reasons why I like to cross border in Washington is because of Kate Spade (in Seattle Premium Outlets). Ngayon meron na rin kami dito sa Vancouver yebaaah! No need to pay in US dollar pa.

And our store is bigger ha! Mas maraming tinda. Parang mas malaki pa nga ito sa outlet sa California na napuntahan namin last May. Tapos hindi pa ganun karami ang tao, unlike in Seattle na pipila ka pa sa labas. Hindi kasi accessible ang McArthurGlen sa mga public commuters. Ewan ko lang kung may free shuttle from the airport.


I promised my BFF Raxie na uuwian ko siya ng Kate Spade this January. Sakto talaga kasi kapag nasa US outlets kami, I couldn't message her (and send her pictures of the bag so she can choose) kasi wala akong data plan outside Canada. Saka kung wala kaming magustuhan, we could go back some other time kasi mga 25 minutes away from our apartment lang ang McArthurGlen.

I wasn't able to take some pictures inside (pero ang laki niya talaga ha), na-excite kasi ako. Mga black bags lang which I sent to Raxie na di naman niya nagustuhan haha! Sabi ko naman sa kanya, Kate Spades are known for their bright purses nga di ba.

Pero wag ka, natempt na din akong bilhin ito for myself. I am partial to saffiano leather, ewan ko ba. Saka I realized na konti lang ang black bags ko kaya parang I need this in my life haha.


I have a boring taste, I know. Binabagay ko na lang din sa edad ko. Saka classic bags lang talaga ang gusto ko, para hindi mawawala sa uso.

Oh, I love Kate Spade bags! Simula nang naging nanay ako, ito na lang ang naa-afford ko (and occasional Michael Kors) lol! Keri lang naman kasi type ko talaga ang colors and designs ng Kate Spade. Super mura pa sa outlet, kailangan mo lang pumili ng sossy na design kasi meron ding obvious na obvious na from outlet lang.

We will definitely go to McArthurGlen on Thanksgiving weekend (October 7 to 9). Sana maraming good deals. =)