Showing posts with label food. Show all posts
Showing posts with label food. Show all posts

Tuesday, June 2, 2020

T&T take-out food

Ilang weeks na akong nagke-crave ng Chinese food! Kapag natira ka kasi sa Canada, magiging part na talaga ng everyday meal mo ang mga beef brisket, wonton noodles, chow mein, roasted pork, etc. When you're in a mall at ayaw mo ng burgers o pizza, sa foodcourt for sure merong Chinese food stall (ala turo-turo style) kaya makakapag-rice ka. Sa mga Asian groceries, meron din ready-to-eat Chinese dishes na pwede mong kainin doon o iuwi. Relatively cheaper ang Chinese food dito kumpara sa Pinoy, Japanese, Thai o Vietnamese food tapos generous pa ang servings.

So anyway, nag-downtown Vancouver nga kami last Saturday (May 30) para maghanap ng makakain. Pero dahil late na kami nagpunta, nasaraduhan na rin kami ng Richmond Public Market (nagpunta pa kasi kami sa Pampamga Cuisine at 88 Supermarket). I suggested to Ford that we go to T&T Supermarket Lansdowne (in Richmond) na lang kasi maraming food stalls dun. Kaso sarado na rin pala at itong mga for take-out na lang ang meron.


Ito ang mga nabili namin for our dinner. Wala na rin kasing masyadong options. Limited rin kasi ang tinitinda nila dahil hindi pa naman talaga "normal" ang store hours and operations nila.



How much sila?
  • Soy chicken with veggies and rice -- $7.34 (Php293.00)
  • Fish fillet -- $6.29 (Php251.00)
  • Beef brisket -- $6.29 (Php251.00)
  • Salmon sushi maki -- $4.03 (Php161.00)
       TOTAL: $23.95 (Php958.00)

Not bad na rin. Kung sa Chinese restaurant kami nag-order for take-out, aabutin kami ng at least $45-50 for sure. Pero dahil 'supermarket food' lang yan, syempre wag na mataas ang expectations hehe. At least nasatisfy naman ang cravings ko.

Thursday, May 21, 2020

Mother's Day 2020 Celebration

May 9, 2020 (Saturday). To continue our previous Mother's Day steak tradition, syempre nagpa-steak si Mayor Coblancs noong Mother's Day weekend. Walang steak for the past two years kasi nasa Pinas kami. Ngayon lang uli naulit.


I would normally prefer to eat out na lang when we need to celebrate para iwas-luto at ligpit na (saka masarap kumain ng hindi mo niluto, aminin!) kaso naman... nasa kalagitnaan tayo ng pandemya! Sarado ang mga restaurants.

But still,  dahil may okasyon nga, sa "labas" pa rin kami kumain lol. Thankfully, maganda ang weather. By the way, Sabado night na kami nagcelebrate para walang pasok si Dad kinabukasan.


My only request to Dad this Mother's Day was that chocolate cake. Ilang weeks na nga kasi akong nagke-crave sa cake na yan. Hindi siya mura at $40 (I bought it from my suking Pinay baker) pero keri lang... Mother's Day naman eh! Mother's Day! Haha!

Aside from (well-done) steak, we also had mussels, macaroni salad, and buttered veggies. Busog na busog na kami at sobrang sulit. Mas mura talaga kapag sa bahay lang kakain.


Sa totoo lang, sanay naman kami sa social/physical distancing haha. Lagi namang kaming tatlo lang ang magkakasama. Pero talaga, I am grateful kasi I am blessed with a small but happy family.

Thank you, Daddy Ford and Nathan! I love you so so much!


My 6th Mother's Day! I am far from being a perfect mom pero alam kong alam ng anak ko na mahal na mahal ko siya. Mama's boy nga yan eh! =)


 ----------------------

Here's the 'steak tradition' I am talking about:



Tuesday, May 19, 2020

Mamang Sorbetero in Canada

It was around 7:30pm last night (matagal na uling lumubog ang araw ngayon), nang may marinig akong parang maingay sa labas. Nathan was biking with a neighbor friend and Dad naman was grilling burgers in the balcony.

Lumabas ako sa balcony to ask what was happening. Ayun, may ice cream truck daw. Kaya pala nakarinig ako ng ingay ng mga bata. Ang unang naisip ko, "Talaga, may ice cream truck na dumaan dito?"

Pagsilip ko sa baba, itong itsura ng anak ko ang bumungad sa akin. Dad told me na sinabihan daw nya si Nathan na wag ng bumili kasi ang dami naming ice cream dito sa bahay (kabibili ko lang kasi talaga ng marami last Saturday).

Knowing my son, hindi naman yan magpapabili. Inunahan lang ni Dad na wag ng bumili. But I know him so well, matiisin lang pero syempre gusto nya rin. Ang dami kayang batang bumibili kaya nakakaengganyo. I asked him kung gusto niya. Syempre tumango ang bagets.

Medyo sinermonan ko ang asawa ko. "Hay naku, hindi naman ice cream ang bibilhin mo dun eh! EXPERIENCE!"  Nahimasmasan din naman agad ang tatay at dali-daling kumuha ng cash sa wallet nya para mahabol namin ang ice cream truck.





Kaloka, mas excited pa yata ako kay Nathan sa pagbili eh!

Sa Pinas nga kasi ako lumaki at sa batang edad pa lang syempre eh sanay na sanay na akong bumili sa mga sari-sari stores at street vendors. Part ng culture natin yan eh. Minsan yan ang iniimagine ko dito, yung lalabas ka lang ng bahay mo tapos lalapit na sayo ang mga tindero. Nakakamiss talaga!

Nathan is already 5 1/2 years old pero hindi pa nya naranasan bumili talaga on his own, using cash. Wala namang canteen sa school eh, wala ring mga nagtitinda sa labas. Parang feeling ko tuloy kulang na kulang ang life skills nya at this point.


Nagmadali talaga kami kasi baka umalis na ang truck. Haha, nag-uwian pa talaga ang kids para tawagin ang mga nanay nila para magpabili. =)


It was my first time din to experience a food truck na dumaan sa area namin (usually sa mga events lang). Sabagay, we were in Pinas noong ganitong month last year. The previous years naman, sa apartment building kami nakatira.


Medyo kinabahan ako sa presyo noong una (lol!) pero ayos lang naman pala. $5 ang pinakamahal, $2 ang pinakamura. Akala ko talaga lalampas ng five dollars eh.


As usual, hindi nya alam ang pipiliin hehe. Wag na raw drumstick kasi puro ganun na ang kinakain niya sa bahay.


I ended up choosing for him kasi alam kong di niya magugustuhan yung Oreo na tinuro niya. Like me, plain lang ang mga trip nya eh. Gusto ko man siyang maging independent at pumili on his own, sayang ang $4 hahaha!

This one's only $2.50. Shaiks, pag kinonvert pala eh halos 100 pesos din! Sa Pinas, limang piso lang pwede na eh. 


 Parang bigla kong naisip na gusto ko ring magtinda ng ice cream! Ang laki ng tubo eh!


Yung playmate niyang Pinoy, kasunod din naming bumili. Kinarag din ang nanay haha. Ang mga bata nga naman!

Ayan, happy boy na siya! Nag-additional thank you pa sa akin kasi I made a good choice daw. Naks.


Friday, April 26, 2019

China Airlines' In-Flight Food

Between China Airlines and EVA Air, I prefer the food that the former serves during flight. Mas kahawig kasi ng food ng Philippine Airlines ang pagkain nila (or akala ko lang yun?) kaya mas nakakain ko. I am a very picky eater, madami akong hindi kinakain like salad and fruits.

To give you an idea pala, the flight from Vancouver to Taipei is about 12 hours while Taipei to Manila is around 2 hours.

Vancouver to Manila Flight.

For a 12-hour flight, they serve two meals.

Una kang makakakain just one hour after take-off. Once na mag-stabilize na ang plane sa taas, the flight attendants will begin preparing and serving meals. Kaya hindi na talaga ako kumakain sa airport while waiting kahit nagugutom na ako kasi nga kakain din naman kaagad sa airplane.

Ito yung unang sinerve nila. Dalawa ang choices as usual and I said "both" to the flight attendant para matikman ko parehas (at mapicturan) kaso namali yata siya ng rinig. Hindi nga kasi ganun kagaling mag-English and mga Chekwa, di ba? So ayun, dalawang "pork" ang binigay sa akin.


I noticed na parang mas kumonti ang serving nila ng rice compared to two years ago. I am lucky because I had two sets of this meal kasi nga hindi naman kumakain niyan ang anak ko (at tulog na rin siya because it was past 3am na in Vancouver time). At dahil hindi ako kumakain ng fruits at salad, yang rice meal lang ang kinain ko plus bread (carbs, I know!). I had to be busog kasi I won't be eating anything else during our trip kundi itong airline flood.

The second meal was served naman mga 3 hours before landing. May pagka-breakfast feel na, may omelete na choice pero ayaw ko nun. Again, times two ang pagkain ko. My son ate the apple slices na lang (ayaw nya rin ng orange and strawberry, manang-mana sa ina).


Taipei to Manila Flight. 

Dahil mahigit-higit 2 hours lang ang flight to Manila, mabilisan din ang pag-serve nila ng food. Wala na ring choice, isang klase lang ang pagkain. Unless siguro may "vegetarian" request ang passenger.

I was glad that they didn't serve rice this time. Umay na ako sa rice lol.



I was generally happy with these three meals. Nabusog ako (kasi ng times two palagi ang pagkain ko) at nasarapan. Mas nasatisfy ang tummy ko kesa noong nag-fly kami sa EVA Air.

------------------------

For those who are flying, make sure na nakapagrequest kayo ng specific meal (ex. vegetarian) if you have special dietary requirements. Sakto lang kasi ang pagkain sa airplane, you can't demand for a special food the last minute.

Minsan malas din kapag nasa likod ka, baka maubusan ka ng gusto mong food. It happened to my husband once, shrimp na lang ang natira tapos di siya kumakain nun. He didn't assert himself kaya gutom ang inabot niya. Nangyari din yan samin last year ni Nathan, naubusan kami ng chicken meal. I was pissed kasi nga pareho kong gusto yung food lol (again, times two ang meal ko haha). Ang sabi ko sa flight attendant, hindi kumakain nung isang dish (fish) ang anak ko. Ayun, nataranta siya, hindi niya kasi kami inunang bigyan (we were seated at the very last row). Hahanap daw siya tapos pagkabalik may chicken teriyaki na (na hindi nila sine-serve sa economy passengers). Ayos! Nakakadiskarte rin pala sila ng ibang food. Sabagay, andami nilang options for business class passengers eh.

Wednesday, March 13, 2019

Meatless Friday Dinner @ Scotts Landing Fish and Chips (Surrey)

As I have mentioned on this post, I am abstaining from eating meat on all Fridays of lent.

--------------------------------

March 8, 2019. After Nathan's vaccination, we went to Central City in Surrey to just wait for Daddy Ford there. Past 3pm pa lang kasi at dahil ilang araw kaming hindi lumabas ni Nathan, syempre kailangang gumala muna. Dad fetched us after his work and we did some errands. Pagdating ng dinner time, nag-aya na ako sa Scotts Landing Fish and Chips kasi nga ayaw kong kumain ng karne at wala naman akong maisip na ibang kainin. Sa totoo lang, ayaw kong kumain ng fries kaso nga ano ba ang pwedeng makain na labas na walang meat?

I've always wanted to eat sa Scotts. We used to live in Guildford at palagi namin yang nadadaanan. Katabi rin yan ng Church's Chicken kaya palagi kong natatanaw. I yelp'ed it at maganda naman ang review kaya sabi ko kay Ford subukan namin.

Sa totoo lang, ayaw ni hubby ng fish and chips that time. Ako na lang daw at doon siya kakain sa malapit na Filipino restaurant that sells Ilocano food. Pero closed na yung restaurant na yun so naki-join na lang din siya sa akin.


Expectedly, the place was small pero maganda at malinis naman sa loob. I wasn't able to many pictures of the interior kasi nahiya ako sa owner/cook.


May isang group of diners lang inside when we came at 6:50pm.


Here's their menu:

Picture grabbed from Scott Landing's website
We ordered the cheapest fish pollock hahaha! It's an ordinary day at parang di na kami sanay kumain sa labas ng mahal kapag walang okasyon. The past months, puro fastfood lang kami kasi yun ang mura (kaya naman kami nag-gain ng weight waaah!). Kailangan din kasing magtipid kasi ang daming gastos tapos syempre mahal ang mortgage (plus strata fees at real property tax) ng bahay.

Medyo matagal kaming nag-antay ng order namin kasi pagkabayad ko saka pa lang niluto yung fish. Medyo nakakainip na nga pero ayos lang din kasi masarap ang bagong-luto syempre.


And finally! Two orders of 2-pc pollock with homecut fries and homemade tartar sauce for $24.99 (or Php1,000.00). Wala pang drinks yan ha. Hindi na ako nagbigay ng tip kasi wala namang 'service' eh. Kinuha ko lang sa counter yung food nang maluto na. Saka yung owner na rin mismo ang nagluto.


Our Verdict --- MASARAP nga! At malaki rin ang fish. Naisip nga namin na sana nag-share na lang kami o kaya sana bumili kami ng 2-pc tapos nagdagdag na lang kami ng fish tutal eh konti lang naman ang kakainin kong fries. Oh well, we know na next time.

Mas mahal ang cod at halibut kaya mas masarap for sure. Pero naisip ko, will I shell out $9.40 (tax included) or roughly Php375.00 for one piece of fish? Hindi siguro. Haha, ang kuripot ko na talaga. Ang mahal kasi talagang kumain sa labas dito kaya nagkaka-guilt feelings ako. Tapos as a nanay, panay din ang kuwenta at convert ko.


Thursday, February 21, 2019

Eden Cheese Spotted!

This is in connection with this post -- No more Pinoy cheese in Canada for 2018.

-----------------------------------

It's already 2019 and Eden Cheese (the only imported Filipino cheese here in Canada, as far as I know) has 'probably' made a comeback.

I spotted this at Henlong Market in Surrey.


Inisip ko pa kung old stock ba ito (I was able to buy Eden Cheese pa sa Henlong last October kahit na out of stock na sa ibang stores as of July) or what. Walang nakasulat na expiration date pero siguro bago ito kasi yung dating box ay walang nakaprint na "Free 40MB Data" haha.

This cheese retails for $3.99 (no tax). Medyo mahal siya kumpara sa ibang stores na nabibilhan ko dati pero pwede na rin kesa wala. As of this writing, wala pa akong nakikitang Eden Cheese uli sa T&T at Lucky Supermarkets. Di ako sure sa small Filipino stores.

By the way, hindi na ako bumili since uuwi naman kami ni Nathan sa Pinas sa April at magbabaon na lang ako ng marami pabalik dito. Bringing commercially-packaged cheese is allowed into Canada with a limit of 20kgs per person.

Friday, August 17, 2018

New Relatives in Surrey

I haven't blogged pa pala that I have a newly-found relative here in Surrey. Ang lapit lang ng bahay nila dito sa amin, pwede ngang lakarin.

I didn't really know Kuya Nilo. Kahit si Mamoosh hindi siya kilala (pero kilala niya si Mamoosh). They saw each other sa burol ng father ni Kuya Nilo sa Lolomboy at noon nga nagkatuntunan na nandito rin ako Vancouver. Basta parang cousin ni Mamoosh ang parents niya (both sides ha).

Kuya Nilo instantly added me sa FB pero dinedma ko. Kasi nga hindi ko naman kakilala. Tapos minessage niya ako na kamag-anak daw niya ako lol (hindi ko pa kasi nakakausap uli si Mamoosh noon kaya hindi ko pa alam). After a few minutes of chatting, ayun nagvoice call na. Sobrang daldal haha, nakakatuwa. Kapag daw nalalaman niya na may kamag-anak sya sa lugar kung nasan siya (tumira na kasi siya sa iba't ibang bansa bago nagsettle dito sa Canada), talagang pinupuntahan niya.


He went back to Canada after malibing ng tatay niya. One week lang talaga siya sa Pinas. The day after he arrived (June 24, 2018), we went to their house to meet him and his wife Ate Rosie and to pick up na rin yung padala ni Mamoosh. I was so happy kasi nga he told me pwede kaming makidala hehe. Kababalik ko lang ng Pinas noon pag talagang ganyang offer eh gina-grab ko!


So yun, may new relative ako dito sa Surrey. Nakakatuwa talaga. Kuya Nilo and Ate Rosie are having their church wedding this August 25 and they invited us. Magkikita-kita daw kami ng ibang kamag-anak namin dito sa Canada at US, at pati na rin ilang kababaryo sa Lolomboy. Nakaka-excite din. Hindi ko sila kilala pero alam nyo naman, nagiging close ang mga magkakamag-anak dito bigla kapag nagkatagpo-tagpo.

---------------------------------------

By the way, ito nga pala yung pinapakidala namin kay Kuya Nilo.

Insert one pack of Red Ribbon macaroons
Medyo mabigat din yung chocolate coins ni TanTan haha! Konti lang kasi ang nabaon naming chocolate coins kaya naubos na agad, eh sobrang paborito ni TanTan that time kaya nagrequest kami sa Lola Mamoosh niya.

Ensaymada talaga ang gusto ko kaso ang bilis mag-expire eh, kaya macaroons na lang. Akala ko ako lang ang kakain kaso nakihati ang asawa ko. Hay naku, tanong ako ng tanong sa kanya kung ano ang gusto niya, ang sasabihin wala. Tapos pag nandyan na pagkain ko eh makikiagaw. Hmmmp.

Yung Fissan pala was so effective sa akin. Nung nasa Pinas ako eh nangangati at ngpapantal pantal ako sa may breast area dahil sa init at pawis, yang Fissan ang nakatulong. May baon naman ako kaso dahil summer din dito sa Canada, nagpadala pa ako ng isa to be sure na di ako mauubusan.

More Pinoy Hotdogs in Canada

We went again to the newly-opened Lucky Supermarket last August 9 so I was able to observe more.

The one thing I noticed, ang dami ng Pinoy hotdogs na binebenta ngayon ha.

Noong bagong dating ko sa Canada, itong Pinoyfoods Tender Juicy Hotdogs lang ang meron eh. Pero bukod sa hindi siya pula, sobrang layo ng lasa sa Pinoy hotdogs talaga. I am surprised na may bumibili pa rin pala nyan kasi nagdagdag pa sila ng flavor/variety oh.


Then eventually nagkaroon nga ng Filipino Style hotdogs. Dati sa Alberta lang meron nito eh. Nakalipat na kami dito sa BC nang nag-expand sila dito.


Tapos ngayon meron na rin palang Fiesta Hotdogs ngayon. Ngayon ko lang yan nakita actually, kasi parang wala naman niyan sa T&T Supermarket at Henlong Market. Sa mga small Filipino stores may tinitinda ring variety ng hotdogs, ewan ko lang kung meron sila nyan.

I still have a lot of Purefoods Hotdogs and Martin Purefoods Hotdogs on our freezer kaya hindi muna ako bibili. Pero talagang titikman ko rin yan soon.


I am happy kasi mas dumarami ang Filipino products (kahit na gawa dito) na available dito sa Canada. Pang-iwas homesick nga kasi ang mga yan. We might be living faraway from the Philippines pero at least nakakakain pa rin kami ng mga pagkaing swak sa bitukang-pinoy.

Thursday, August 2, 2018

New Town's Siopao

We are going to Edmonton to visit our friends this tomorrow so we went to New Town Bakery last Tuesday to buy some siopao for pasalubong. I don't eat siopao but everyone pero sabi nga ng asawa ko, masarap daw talaga ito. Request din ito ng mga kaibigan namin kasi nga dati nakakapagdala na rin kami nito sa Edmonton kapag pumupunta kami dito sa BC for a visit.

New Town Bakery has two branches -- one in Vancouver (China Town area) and another one here in Surrey (near the Central Station). Maaga silang magsara, 7:30pm lang, kaya pumunta kami kaagad pagdating ni Ford from work.



I went directly to the freezer for the frozen siopao. And my first reaction --- Syet, ang mahal na!!!


$15 na ang 6-pc pork asado.


Tapos almost $20 ang chicken bola-bola!


I kept on uttering "ang mahal na grabe, ang mahal na grabe..." kaya pinagtitinginan na siguro ako ng mga Pinoy na nakapila sa cashier. Di ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko, naiiyak talaga ako. We were planning to buy at least 16 packs kaya imagine kung magkano ang aabutin nun.

If I remember it correctly, parang $12 lang yung asado at less than $14 ang bola-bola eh nung huli kami bumili eh. Wala pang one year yun. Baka around November o December lang last year. Bakit sobrang laki naman ng itinaas?

Ang sabi ko nga kay Ford wag na kaming bumili. Pero ang sabi niya, ano raw ang ipapasalubong namin sa Edmonton? Sige na nga kako, pero babawasan ko na lang yung ibibigay namin. 


We bought a total of 13 packs (13 x 6 pieces = 78 siopaos) for $204.00. Dalawang packs lang ang bola-bola kasi nga $20 yun. Tapos may additional $12.25 pa for the sauce.

Whew, $216.25 (or Php8,650.00) para lang sa ganitong siopao! I apologize if I appear so kuripot ha. Siguro ganito lang talaga ang walang trabaho hehe. Ang mistake ko rin daw kasi sabi ng asawa ko eh convert ako ng convert. But I really can't help it eh, lalo na at kagagaling ko lang uli sa Pilipinas.


New Town sell other Chinese and Filipino pastries, too. Kaso yung mga puto at palitaw nila, hindi naman lasang Pinoy.

Same lang pala ang presyo ng steamed asado nila sa frozen, $2.50 per bun. Pero ang weird kasi yung sa chicken bola-bola, $19.80 ang frozen so pumapatak na $3.30 ang isa, samantalang $2.75 lang yung luto na. Nakakaloka.


Cash basis nga lang pala sila kaya we were worried na baka hindi kumasya ang cash namin kasi nga nagtaas na sila ng presyo. $200 lang kasi ang winithdraw ng asawa ko. Maraming Chinese restaurants dito ang di tumatanggap ng credit o debit cards kaya dapat palaging me dalang cash.


Lucky Supermarket Surrey is now open!

July 30, 2018 (Monday). I was so excited for Ford to come home. Bihis na kami ni Nathan by 5pm (kakaiba yun ha) at kahit masakit ang tiyan ko, walang makakapigil sa pagpunta ko opening day ng Lucky Supermarket. Parang ganito ang excitement ko nang magbukas ang SM Marilao noong 2003 as in!

Ahh, ang gaan sa pakiramdam nang makita ko ang familiar signage ng Lucky. Parang it felt 'home.' Totoo yun ha, walang exaggeration.


At dahil sa sobrang pagkaatat kong pumasok, di ko na napicturan nang maayos ang labas. Sa susunod na lang.


My first impression of the store --- wow, ang laki!


Kumpleto ang kanilang fresh produce section. Happy ako!



Aba mura ang malunggay!

I just took several photos and that's it. Ayaw ko na. Gusto ko ng mag-enjoy sa pagtingin-tingin sa loob.




I was so happy kasi maraming-maraming choices kumpara sa T&T at Henlong.







My disappointments --- walang frozen calamansi (baka naman di na talaga uso yun ngayon kasi wala na rin akong makita recently kahit sa T&T and other small Filipino stores) at walang beef ribs (sana magkaroon next time). Konti lang din kasi ang naka-display sa meat section nila (I forgot to take photos) kasi baka dahil kabubukas pa lang nila ng 1pm that day. I'll check kung magba-bbque cut sila ng liempo next time.

I was glad though na na-reunite na ako with this galunggong! Grabe, ito talaga ang binibili ko noon! Nathan loves galunggong (he eats it almost everyday) kaya I am so happy na may mabibilhan na ako ngayon ng matinong isda. Masyado kasing maliit yung nasa Henlong eh.


Overall, I am satisfied with this new branch of Lucky! Mura ang presyo (kumapara naman sa T&T noh!) at saka ang dami talagang Filipino products. Parang nandito na lahat, di ko na kailangang magpatalon-talong ng tindahan.

O tingnan mo may wheat pandesal pa!


At Crunch Milk Chocolate (na medyo mahal nga lang).


I was actually surprised na maraming tao ang namimili na kahit kabubukas pa lang. At talagang punuan ang cart nila ha. Galing din kaya sila sa Alberta o Winnipeg kaya familiar sila sa Lucky?


May raffle sila, sana manalo kami. Kaso hindi naman ako swerte sa mga ganyan.


I actually had no plans of buying a lot kasi nga wala naman kaming kailangan at fully stocked pa ang pantry namin kaso nakaka-engganyo talagang bumili. May mga good deals din kasi. Like yang tub ng Skyflakes, $3.99 na lang (normal price is $7+).


Our haul. Sorry di ko na naipakita isa-isa.


This will be our official palengke here in BC. Too bad kasi lilipat na kami sa November. Sobrang lapit lang kasi nito sa current place namin. Kapag nakalipat na kami, twice a month siguro kami mamimili dito.


Eto ang damage -- $117.34 (or Php4,693.60). Ang bilis maglustay ng pera dito sa Canada lol!


I'll post more of Lucky Supermarket soon!

------------------------

Nga pala, I was excited din sana na kumain sa Lucky (may kainan din kasi dun) kaso konti na lang ang mga tinda eh. Siguro kasi kabubukas lang nila noon kaya hindi pa ganun karami ang food. Next time na lang.