Showing posts with label excitement. Show all posts
Showing posts with label excitement. Show all posts

Monday, July 23, 2018

Lucky Supermarket Surrey is opening on July 30!

Finally, the long wait is over! Lucky Supermarket's first BC branch is opening next week, July 30!

Photo taken from Lucky Supermarket's FB page

Grabe, sobra ang excitement ko! Feeling ko nagiging ok na unti-unti ang buhay ko rito sa BC. I am about to have a house again (Thank God!) tapos magbubukas na ang Lucky Supermarket dito sa Surrey. Haha, friends na lang ang kulang!

Aayain ko talaga si Ford sa Lucky pagkagaling niya sa work. I am hoping na parehas ang sistema sa stores nila sa Edmonton -- mura ang meat, maraming choices ang fish, maraming Pinoy products, may frozen calamansi, pwedeng magpa-barbecue cut ng liempo, at masarap ang lutong pagkain.

One week to go!

Thursday, March 15, 2018

A new home for us

Hi, guys! I just want to share with you a very happy news -- we already bought a townhouse! Oh, I am so excited! After being "houseless" for one and a half year, we are finally moving to our new home this September 2018.
March 4, 2018
Ibang-iba ang pakiramdam na sa wakas, magkakabahay na uli kami. Mas masaya kaysa noong una kaming bumili sa Edmonton. Dati kasi bumili lang kami ng wala kaisyu-isyu. When I already decided to follow my husband in Edmonton, ayun naghanap na siya ng townhouse na mabibili para pagdating ko may matitirahan na kami (he was just renting a studio-type apartment then). Walang problema sa budget, the real estate situation was normal. Ibang-iba sa situation ngayon na talagang nakaka-stress bumili ng bahay kasi nga napakataas ng presyo. Lakasan na lang talaga ng loob at sobrang pagtitipid ang kailangan.

Iba rin ang pakiramdam ngayon kasi nga na-experience namin tumira sa apartment namin ngayon. It is old and truly uncomfortable. Napaka-humbling tumira doon kasi nga galing kami sa isang bago at mabangong bahay haha. Even my son hated living there. Ayaw na nga niyang bumalik sa Canada eh.

Kaya talagang looking forward kaming lumipat na. Yun nga lang in half a year pa kasi ginagawa pa (yes, it's brand new!). Pero di bale na, iba yung may tinatanaw na, hindi ba?

Ooops by the way, we'll be extending our vacation here in Pinas. Instead of returning in Canada on April 13, sa June 8 na. Thankfully walang rebooking fees/charges sa EVA Air. Since wala rin naman kaming gagawin pa sa Canada (no more house-hunting kasi nga nakabili na), we might as well maximize na lang our stay here. Para less time na lang ang ipag-aantay namin for September. Saka to be honest, malaki ang natitipid ng asawa ko sa pagbabakasyon namin sa Pinas haha! Sponsored kasi kami ni Nathan dito ng ermats ko kaya wala syang gastos lol. Eh syempre ang dami-daming magagastos sa paglipat namin (lawyer's fee, moving expenses, new things for the house like washer-dryer, etc.) kaya dapat magtipid lol. My mother doesn't mind, syempre mas gusto niyang nandito kami kahit nagagastusan siya. Kung gusto nga raw namin eh wag na kaming umalis.

I'll share more details of our new townhome soon! =)

Monday, June 8, 2015

One month to go!

At around this time next month, nasa Pinas (hopefully) na kami ni Nathan!

Photo taken from the net (credits to the owner)

To be honest, I am having mixed feelings. Of course, what prevails is happiness and excitement. Yet there's a part of me that's sad. Nathan and I will be in the Philippines for 4 1/2 months so maiiwan si Daddy Pod nang matagal-tagal. He will just be following us on November 13 (for Nathan's binyag and first birthday) and then sabay na kaming babalik dito sa Canada.

Ford and I have been literally inseparable since November 2013 at parang di ko na yata alam ang buhay without him haha! So ironic actually because we've been in LDR for eleven years before we lived in together.

Also, I am specifically worried about Nathan. He's so attached to his dad, parang kawawa siya kung hindi niya makikita ang daddy niya for four months. Ford will also miss a lot of his milestones. Hay!

Oh well, I don't want to dwell on the negative anymore. I'd like to be fully happy kasi after 1 year at 8 months, makakasama ko na uli ang nanay ko. I miss her so much! Looking back, parang hindi pa rin ako makapaniwala na nabuhay ako nang wala siya sa tabi ko. I am so excited din na makita at mayakap niya si Nathan.

Ahh! One more month!

Makikita ko na uli ang pamilya at mga kaibigan ko.
Matitikman ko na uli ang luto ng nanay ko.
Makakakain na ako nang hindi nagluluto at naghuhugas ng pinggan.
Makakatulog na uli ako sa kuwarto ko (miss na miss ko na ang walk-in closet ko!).
Makakapag-drive na uli ako.
Makakapag-motor na uli ako.
Makakatambay na uli ako sa SM Marilao.
Makakakain na uli ako ng Jollibee at sa iba pang favorite fast food restos ko.
Makakapagshopping na uli ako on my own.

But unlike before, may limitations na ako because of Nathan. When I left the Philippines last November 2013, I was literally a 'free gal.' Kaso ngayong may baby na, mahirap ng lumabas. Nathan is afraid of people eh, talagang kami lang ni Ford ang kilala niya. I can't just leave him to any one, iiyak talaga.

Hay, saka ko na nga iisipin. Basta ang importante, makakauwi na ako. I badly need to recharge na talaga eh.

See you next month, Pilipinas kong mahal!