Tuesday, February 20, 2018

"Me" Room and House-Hunting

Ahhhh, how I miss my "Me" room! Right now, I am still trying to reconcile myself with the fact that I'd probably won't have my own space anymore in Canada.

This was my special place in our previous townhome in Edmonton.
There's a new townhouse development in Aldergrove and my husband has an appointment to view the sample units on March 4. He registered on their website a couple of weeks back and eventually received a notice that phase 1 homes are already ready for selling.

You see, the prices of new townhomes and condos in Metro Vancouver have soared so high that ordinary residents like us can no longer afford them. Hence, Ford suggested that we try to look farther. That's when the idea of living in Aldergove came in.

Medyo malayo na yung place (trivia: the Kent farm in the TV series Smallville is a working farm in Aldergrove), mga 35 minutes to Surrey and about an hour to downtown Vancouver. Boundary na rin ito ng BC at Washington, US. To be honest, ayoko talagang tumira doon. I don't drive in Canada yet so feeling ko maa-isolate ako, but this is our last shot in owning a brand new townhouse in BC. If not, we'll end up in small-sized condos or 30-40+ year-old townhomes in Metro Vancouver. As I have mentioned on this post, my husband wants a "new" home. Hangga't maari, ayaw niya talaga ng luma. Kung sabagay, mahirap bumili ng old townhomes kasi kahit na sabihing renovated, wala na rin yun value later on. Lugi lang kami.

Pero kung kelan naman ok na sa akin na tumira doon, saka naman parang naging imposible. Among the 30+ units that will be sold, dalawa lang ang kasya sa budget namin. Two-bedroom lang yun ha. My husband is scheduled on the second day of viewing (at sa bandang hapon pa) so I am not expecting na maaabutan pa niya. Yes, parang hot pandesal lang ang peg ng pagbili ng bahay dito. The prospective buyer has to make up his/her mind the very moment na ma-view niya yung units and issue a check for reservation. Unahan talaga. Ready na rin ang units for turnover by April kaya mabilisan na.

Sabi ng asawa ko, "kung para sa atin talaga yun eh makukuha natin." I agree, kaso nalulungkot pa rin ako. I want to move na and really start anew. Ayoko ng magtagal sa current apartment namin. For sure, hindi na rin namin magiging option na antayin ang ibang phases 2-4 ng townhomes kasi tiyak tataas na ang presyo dahil sa demand. Hay, to give you an idea, halos doble ng halaga ng dating bahay namin yung target namin ngayon.  Two-bedroom lang yun ha.

------------------

So there, imposible na nga akong magkaroon ng panibagong "Me" room. I'd probably set up an area na lang in our future bedroom for my stationery/arts and crafts stuff.

Pero sige, ok lang. I just want to have my own house again.

Valentine's Day 2018 (in Pinas again!)

Time flies so fast! I can't believe it's almost a week now since Valentine's Day. Kaloka, malapit na naman kaming bumalik sa Canada!

February 14, 2018. We went to Malolos after lunch because I promised my balikbayan aunt-ninang that I will help her fix her SSS pension that was stopped in 2014 pa because she failed to update with SSS. But before we left, we Facetimed Daddy for our mandatory VDay family picture lol.


I haven't been to Malolos (my father's hometown) in a long time. The last time I visited was in November 2013, a few days before I migrated to Canada, to say goodbye to my grandfather. That was the last time I saw him because he died three weeks before I gave birth to Nathan. I deliberately avoided going there na after because of some familial issues. I chose to stay away because I wanted peace.

Hindi ko lang talaga matiis ang ninang ko (who's been so good to us when I was still a baby) kaya bumalik ako to help her. Kaso hindi pa rin namin naayos ang SSS niya kasi ang dami pang kailangang gawin. Hay, bureaucracy!

After going to the SSS, ayun simula na ng drama. Sabi ko na nga ba magkaka-issue na naman. My cousin kasi is getting married in church this February 25 (kaya nagdadatingan ang mga balikbayan kong kamag-anak from the US) and I opted not to attend to avoid some people. I don't want to be put in an awkward situation sa event na dapat happy happy lang. Basta ang seryoso ng sitwasyon kasi. I explained myself to my cousin and asked for his understanding (which he gave naman when we chatted). Pero ayun,  isyu pala sa tito ko. Basta me dramahan pang nangyari. Napunta pa sa "invitation" issue kasi hindi nabigyan ang nanay ko. But I am glad I was able to air my side. Bahala na sila dun.

Before going home, we dropped by another aunt's new house beside my grandparent's. Retired na yung tita ko na yun (pati asawa niya syempre) sa California kaya pabalik-balik na lang sila sa Pilipinas. Among all my aunts and uncles (my parents included), they are the luckiest. They have lots of money (and houses!), their 4 children are all educated and successful, they are in good health, they have inheritance, they have so many friends, and they love each other dearly. Napaka-ideal talaga. #Relationshipgoals kumbaga.

My aunt (the one I helped with SSS) just recently divorced and is in currently in limbo on what to do with her life. She said the formula for my lucky aunt's good life is that he found a good and responsible man who truly loves and adores her. That's my opinion, too. Madaling maging successful ang marriage ng Pinoy kung devoted ang lalaki kasi culturally, hindi naman magloloko ang babae kung maayos ang pamilya niya (although this trend is probably changing na rin haha).


We went home a few minutes before 5pm at nagsisimula ng maging busy ang paligid. Valentine's Day nga kasi. When we reached the Bocaue exit (of NLEX), I called Mamoosh and asked her to get ready because I wanted to eat out to celebrate the day. Haha, like what I keep on mentioning on this blog, I like all occasions to be celebrated kahit simple lang.

And because of traffic, I was afraid to go far na. Puno na rin ang SM Marilao for sure kaya ayaw ko ng makipagsiksikan. Ayaw ko rin naman mag-Jollibee o McDonald's kasi umay na umay na kami dun. I am glad there's a newly opened diner sa kanto namin (along McAurthur Highway), pwede na dun. Super lapit lang niya, lalakarin nga lang haha.

It was only past 6pm so hindi pa gaanong maraming tao when we came. Marami pang vacant tables. Self-service pala sila.


Medyo malaki yung diner (dati itong bar) at may segregated areas. My booths sa gilid, merong parang pang-Japanese style na upo lang sa sahig, merong bar-type tables, at meron ding 'normal' tables.


I realized, sana may ganito na 2 years ago when we threw a grand party for Nathan's baptism and first birthday. I would seriously consider this place for reception kasi nga enclosed, may aircon, at may play area pa ang kids. Ang laki pa sana ng natipid namin.


By the way, meron din silang area for kawaii merchandise. I was surprised kasi ang cheap ng items nila. May pagka-Korean fanatic yata yung dalawang girls na may-ari ng place.


Here's their simple menu:


I find the prices ok, pero syempre dito sa probinsya eh mahal na yan hehe. Lalo na kapag di ka sanay kumain sa labas (like my Mamoosh lol).



My mother let me do the ordering. And I made bad choices.

I order calamares (na favorite ko)...



Sweet and sour pork...


And fried chicken (because di ko matiis na hindi i-order si Tantan).


Waaah, puro may balat! Yung 3 dishes na yan plus 3 cups of plain rice and 1 can of coke zero already cost us Php930. Mahal kasi di kami nabusog haha! Sana nag-Kenny na lang kami (kaso nga lang malayo at punuan).

The diner was self-service so I paid right after I ordered. Mano-mano lang sila (parang soft-opening pa lang kasi sila) and I forgot to ask if they honor the senior citizen discount.

The owner-cashier handed this to me together with my change. Oh at least nagka-flower pa rin ako ng Valentine's haha.


Mamoosh and me.


I made the greatest mistake of ordering fried chicken. Php365 for 10 pieces. Small pieces lang talaga sila na may makakapal na breading na sobrang tigas.

Hindi rin gaanong nakakain si Nathan because he was so distracted. He wanted to go back to the play area na.


Failed man ang food, at least happy naman ang bata! This play area was actually the main reason why I wanted to eat there. Nakikita ko kasi palagi sa labas.


Seeing them like this gave me so much happiness. I love my mother and my son dearly and equally. Sabi ng marami, ang pinakamamahalin mo raw na tao sa mundo ay ang anak mo. Ewan ko, pero parang pantay ang pagmamahal ko sa kanila, I swear.


Pero dahil sya ang bata, every occasion is now for him.


For his happiness.


Buti na lang may batang sobrang likot na dumating at natamaan ng balls si Nathan sa ulo kaya when Mamoosh told him (Nathan) na aalis na kami, dali-dali namang sumunod ang bagets. Ayaw niya ng batang magulo eh haha. Si Mamoosh naman medyo "napikon" din sa kalikutan nung bata kaya ayaw ng pag-stay-in pa dun ang apo niya.

By the time we left, sobrang punong-puno na ang diner. May mga umalis na nga rin dahil wala ng tables. Konti lang ang servers nila so sobrang ngarag na sila (wala pang tip kasi nga pay as you order nga). Wait time for food was at least an hour already. Marami talagang nagse-celebrate ng Valentine's hehe.

I ordered mocha frappe pero paalis na kami ay wala pa rin. I cancelled na lang. TanTan was expecting it so I just suggested that we buy ice cream at Jollibee na lang (nag-drive thru kami). Gustong-gusto kong magpunta sa Starbucks kaso nga ang dami namang tao siguro.

I texted my husband that night and demanded that they (he and Nathan) give me gifts na next Valentine's. Mahirap na lumaki si Nathan na hindi ako nireregaluhan haha! Sayang kasi nga dalawang Valentine's Day na kaming nagcelebrate dito sa Pinas. My husband jokingly said na dapat may gift din ako sa kanya. I argued na girls lang naman usually ang binibigyan ng gifts sa family. Uso lang bigyan ng gift ang lalaki pag bf-gf pa lang. Pero as I observe sa FB news feed, puro wives, mothers, sisters, and daughters lang naman ang may gift from their family members.

We were about to sleep na when I realized na wala pala kaming selfie ng favorite boylet ko. Game na game talaga siya sa peechuran. =)


And just like that, natapos na naman ang isang araw ng mga puso. Pang-apat na Valentine's Day ko na ito with TanTan. =)


Monday, February 19, 2018

Senti

We were in UP Town Center yesterday to meet up with my girls (i.e. my college barkada and my core group).


We went to Daiso to Daiso after coffee. I finished shopping first so I waited (together with Michelle) for my other friends to finish theirs. I looked around and observed. Oh how I love this mall. Too bad it was built right after I migrated to Canada.

Then sadness suddenly engulfed me. I told Michelle: "Nakakalungkot din. Dati taga-dito ako, ito ang mundo ko. Ngayon nagbabakasyon na lang ako sa Pinas, limited lang ang oras ko."

 Ewan ko ba, na-senti talaga ako.

#BuhayImmigrant

Friday, February 16, 2018

Camera dilemma

I thought I'd never (badly) want a camera again --- well not until the super blue blood moon phenomenon last January 31.

That day, I went to SM Marilao in the afternoon and when I came home and it's dark already, I got mesmerized with the beauty of the moon. Ang ganda grabe. My very first impulse was to take a picture syempre (because I love documenting and preserving memories through pictures) kaso hindi kaya ng phone camera ko (I am using iPhone 6 Plus).


Later that night, nung nag-red na ang moon, naisip ko: "Bakit nga ba wala akong maayos-ayos na camera?"


You see, I first had a digital camera in December 2001. Binili ko from my 13th month pay (parang Php12k yata). It was a Sony and it really served me well. Ako ang naging official photographer ng barkada. I was able to document all events, lagi ko nga kasing dala. I've had several other digicams after that, the last was a Canon Powershot G3 which was given to me by my then-fiance Ford. I brought it with me in Canada when I migrated in November 2013 but I never got to use it there even once. Kasi nga may phone camera na.

Una akong nagka-iPhone 5 in May 2013. Prior to that, I was using blackberry na malabo ang kuha. Kaya nung nakatikim ako ng shots sa iPhone, my life changed forever. Sobrang nagandahan ako sa quality pagkatapos ang dali pang iupload (and edit) ang pictures sa social media. Maka-capture mo pa talaga ang moments kasi nga hawak mo palagi, unlike sa camera na kukunin mo pa from the bag etc. etc. Since then, hindi na yata ako nag-take ng pictures from a camera.

Actually, there were times naman in the past na ginusto ko ring magka-DSLR. Sino ba ang ayaw nang mas malinaw na pictures (lalo na at ang photogenic ng anak ko)? Kaso tamad akong magkalikot, hindi nga kasi ako techie na tao. Masipag akong magtake ng shots pero wala akong interes mag-ayos ng camera settings. Lalo namang walang interes sa pagkuha ng pictures ang asawa ko kaya wala akong maasahan dun. Kaya hindi ko na nga pinursue ang pagbili ng camera. Tutal solved na naman ako sa iPhone. Saka magpapalit na rin naman ako ng iPhone soon (3 years old na nga kasi ito) kaya for sure mas maganda ang camera quality ng bago.

Pero yun nga, dadating pala talaga sa point that you will have a change of heart. Na-trigger nga kasi noong super blue blood moon. Tapos nabasa ko pa sa IG ni Neri Miranda na meron siyang bagong camera na ganito from Chito. Lalo akong na-agit lol.

Picture taken from the net (credits to the owner)
I sent a picture of this camera to my husband last night and asked him to research on how much it costs in Canada. And when we talked this morning, he said it's around CAD800.00.

CES -- $800?!? Ang mahal naman!
FORD -- Ganun talaga ang presyuhan niyan. Ano ineexpect mo, $400?
CES -- Akala ko nga mga $200 lang kaloka.
FORD -- It actually has very good reviews. Gitna siya ng digital camera at DSLR. Mirrorless siya.
CES -- I don't even know what a mirrorless camera is. *kamot ulo

My husband is actually just waiting for my instruction if he will buy one. Ganun naman yun, madaling kausap lol. Lalo na kapag gadgets, bibilin niya talaga agad.

But I find $800 too much. Well it's actually not that much if we are not planning to buy a house soon. Ford has just booked an appointment to view a townhome in Aldergrove so medyo alanganin talaga ako. What if magustuhan namin yung bahay? We'll be needing a lot of cash for downpayment saka sa paglipat. Saka sana kung talagang masusulit ko yung camera, baka mamaya tamarin din ako lalo na at pagod na ako sa pagsunod pa lang sa very active kong toddler.

On the other hand, maganda rin naman na may maayos na camera sa paglipat namin, di ba? Saka what if mag-enjoy ako sa photography? Mas magandang libangan yun kaysa shopping lol. Once kasi na makabili kami ng bahay, we'll be on a very strict (my imposition) budget na kasi nga doon na mapupunta ang bulk ng sweldo ng asawa ko waaaah. So baka last chance ko na ito na magkaroon ng camera for now.

Dilemma. Dilemma. Kasalanan ng buwan yan eh haha.

O siya, pag-iisipan kong maige. Kapag sa Mother's Day o sa birthday ko ay gusto ko pa rin, I might as well give in na nga rin.

Thursday, February 15, 2018

#CessieLikes: Fuchingsung-N Cream

A couple of weeks before we leave for the Philippines, nagkaroon ako ng cluster ng maliliit na parang butlig-butlig sa right arm ko. It was so itchy, grabe! I thought it would eventually go away lalo na at maliit lang naman (circled in the below picture yung location) but after a week, sobrang itchy at reddish pa rin. Talagang kamot na ako ng kamot.


My husband did some research and concluded na fungi daw yun (haha, nagmamarunong pa kami sa doctor) so he bought an over the counter Clotrimazole Topical Cream for me. It kinda work for a few days at akala talaga namin ok na. But the itch and redness kept coming back.

Then I had my check-up last January 8 (the day before we flew to Pinas) so I showed my skin na rin to the doctor. Tiningnan niya he immediately said: "Oh, it's eczema!"

Nawindang na naman ako! Dati diabetes, ngayon eczema naman ang bad news! Naalala ko agad yung nabasa ko na hindi gumagaling totally ang eczema, talagang pabalik-balik lang.

I asked the doctor kung ano ang probable cause, he said that it could be many things. Pero parang ang nag-linger sa akin ay pollen. Ha, dahil ba maraming puno sa BC? Wala naman kasi akong maisip na pwedeng magtrigger ng eczema sa akin kasi wala naman akong "bagong" ginagawa / kinakain / sinusuot. Ahh ewan ko ba.

He prescribed a new ointment for me to apply on the area. I was optimistic kasi hindi na siya over-the-counter, baka kako effective, kaso waley. Parang lalong namaga ang arm ko. Lalong kumati at parang lumaki pa yung area.


In my desperation, I used this Fuchingsung-N Cream that we usually use for insect bites. My Tita Oya introduced it to us last year (when we were also here in Pinas) kasi tadtad na ng mosquito bites si TanTan. My son has allergy to insect bites kaya nagsusugat talaga siya sa kakakamot dahil sobrang kati. We've tried everything na nga para iiwas siya sa lamok (i.e. mosquito repellent patches, lotion, etc) pero talaga hinahabol siya ng kagat. Sobrang kawawa talaga.  Dumating pa nga sa point na gusto ko siyang pasaksakan ng Dengvaxia (yung dengue vaccine kasi sikat na sikat noon) sa takot ko na mag-dengue. Buti na lang hindi natuloy whew!

Anyway, my Tita's friend suggested this cream to her. Nabibili lang daw ito sa mga Chinese pharmacy. Nagpabili ang Tita ko sa Quiapo, sobrang mura lang daw --- 3 for Php100.00! Ang dami-dami raw talagang nagva-vouch ng effectiveness nito sa itch and other skin problems.


I googled it muna bago ipagamit kay Nathan syempre. Puro warning ng DFA ang bumungad sakin. Unregistered daw ito and it poses danger to the consuming public. Medyo naalarma ako but I kept on reading. Ayun, may mga blogs and forum nga na naga-affirm ng effectiveness nito kaya sinubukan ko muna sa sarili ko. May mga mosquito bites din kasi ako noon. To my surprise, talagang nawala agad yung kati.

I used it on Nathan at talagang super effective. Hindi na siya nagkakamot pagkalagay at mabilis mawala yung mga insect bite marks. Kung maaga lang namin sana ito nadiscover eh di sana hindi na siya nagkasugat-sugat sa kakakamot. Wala naman akong nakitang any negative effect sa kanya at sa akin ang Fuchingsung kaya I brought 6 tubes pa nga back to Canada (pero hindi naman namin gaanong nagamit kasi fortunately, hindi naman nakagat ng kahit anong insect doon si Nathan kahit noong summer).

Going back to my eczema, ewan ko ba kung bakit hindi ko sinubukan itong gamitin agad. Noon na lang nandito na ako sa Pinas at hindi effective yung Betaderm Ointment saka ko naisipang magpahid. Kasi nga di ko na ma-take ang kati. And true enough, nawala agad ang itch and inflammation. In 2 days yata, nag-flatten na siya. Wonder cream talaga ang Fuchingsung!

I should have read the box dati pa. Pang-skin disorders pala talaga like eczema itong Fuchingsung at hindi insect bites lol.

I will be bringing back a lot of this cream to Canada (kahit na meron pa ako doon) kasi nga recurring ang eczema (at matagal naman ang expiration). Buti nga nasa isang area lang yung sakin at wag naman sanang magspread-out. Kapag nafi-feel ko na kumakati na ung arm ko (first pic, as pointed by the arrow), naglalagay na ako agad ng Fuchingsung kaya hindi nagtutuloy. Sana lang talaga magtuloy-tuloy ang bisa nito sa akin at hindi ako ma-immune later on.

---------------------

Ooops, nakita ko na may nagbebenta pala ng Fuchingsung-N online and they ship worldwide. Nagre-range sa US$10-20+ ang price per tube, plus shipping and custom taxes and duties pa kaloka! But really, if you're living abroad and desperately needing a cream for your skin problems, it is worth a try kahit mahal. When I go back to BC, I'll try to scout kung may binebenta ring ganito sa mga Chinese stores doon. Sa dami ba naman ng chekwa doon, baka meron ding nakakapagpalusot nito.

Tuesday, February 13, 2018

Happy Valentine's Day, Coblancs! (A Repost)

This is a repost from my old private blog. Haha, sana makagawa uli ako ng updated list.  =)                                       


                                                                                     February 14, 2013


To My Dearest Pod Pod,


The past days, we've been talking about "kilig." And I've been complaining a lot about how unromantic you are, that you lack the 'grand gestures', that you're complacent and all. Well most of those times, I was just being a drama queen. Alam ko naman na mahal mo ako, that you are willing to give me 'everything'. Accepted ko naman na kulang ka lang sa creativity, haha!

Pero sige na nga, tutal Valentine's Day, aamin na ako na napapakilig mo naman ako sa mga simple gestures mo. Now let me enumerate those recent times/instances that you make/made me feel the big K word...


-- Nang dinala mo yung wedding ring mo pabalik sa Canada (kasi sabi mo you won't) at syempre kapag sinusuot mo every weekend.


 -- Whenever you carry my purses and shopping bags. Really, pag ginagawa mo ito, palagi kong naiisip na ang swerte ko kasi ang gentleman ng asawa ko and ayaw niya talagang nahihirapan ako.


--- Whenever you cook for me. Haha, natatawa talaga ako!


-- Kapag pinaglalaba mo ako. None is sweeter than having a man who does your laundry.


-- Whenever you tirelessly drive for me. Walang simangot, walang reklamo. And let me add, you look so cute pag kumakanta ka na lang para aliwin ang sarili mo pag natutulog na ako. Super sweet din pag inaabot mo na sa akin ang neck pillow pagsakay ko ng car. Dami mong pogi points ha!


-- Whenever you accompany me to the mall/shops. Again, walang reklamo. Lahat ng gusto kong puntahan, pinagbibigyan mo. Very few guys can tolerate that.


-- When you gave me my sustento haha! Syempre sweet and touching!


-- Whenever you tolerate my cravings for frosty, mocha frapp, and other fattening food. At least di mo sinusumbat na tumataba na ako.


-- Whenever we would go grocery shopping and you would still consult (read: ask my permission) me if you want to buy something even though it's you who'll pay for everything.


-- When you sent money when I got hospitalized last year. Noon ko unang naramdaman na may asawa na nga ako who's willing to provide for me.

-- When you bought a house in Secord and said that it's "ours" kahit wala naman akong kahit singkong contribution. Lalo na when you agreed that I'd get the whole house at yung garahe na lang ang teritoryo mo.


-- Whenever you insist that I drink my medicine at halos isubo mo na sa akin.

-- Nung nakikipagkwentuhan tayo sa Luna and you insisted na sa may bubong ako umupo kasi mahahamugan ako. Sweet!

-- Nung ikaw ang nagsuot ng shoe plastic sa akin sa Madame Chiang's Shilin Residence kasi hirap akong yumuko. Dagdag pa kapag itinatayo mo ako pag di ako makatayo.


-- When you bought this Michael Kors purple tote bag because you missed buying stuff in our wedding motif color.


-- When you 'surprised' me with this gift (3 breads equals i love you) hahaha! Corny!


-- Nang pinagtiyagaan mong buuin ang IKEA storage boxes ko even though masakit na kamay. You never really let me down, Dear!

-- Whenever you would kiss me before going to work. This truly makes my mornings!


-- Whenever you eat my luto and assuring me that it's good.


-- Whenever you would hug me before going to sleep.


 -- Whenever you answer "eh san ka naman pupunta?" when I say "pano pag nagkahiwalay tayo?" It's you who's always sure that we'll always be together no matter what - even if we'll not have a child.


-- At may mas kikilig pa ba when you asked me to marry you and gave me these two beautiful rings?


Hindi ko siguro namention lahat ng nakakakilig na nagawa mo for me but let me assure you that those things are never unappreciated. Everyday I am grateful that I have you, that you chose to make me your wife.

Happy Valentine's Day, Dear! I love you very much!

This will be the last February 14 that we'll celebrate apart. I promise, babawi rin ako kapag magkasama na tayo.

Mahal na mahal na mahal po kita! I miss you!

Yours forever,
Bim Bim Blanco

Happy Hearts Day!

Happy Valentine's Day, everyone! Sana masaya ang puso ninyo ngayong araw! =)

Picture courtesy of Bitmoji
Ako, palagi namang happy ang puso ko. Yun nga lang, just like last year, LDR uli kami ng asawa ko this day. Di bale, bawi na lang sa April pagbalik namin sa Canada.

Anyway, pumunta kami nina TanTan at Ate Charry yesterday (February 13) sa SM Marilao to buy some biscuits at syempre very festive na aura ang sumalubong sa amin. Haha, love mode na talaga ang mga tao!


Ayan ready na ang mga flowers!


I honestly don't like receiving flowers. Maganda lang kasi sa unang araw tapos unti-unti ng magda-dry. Poproblemahin ko pa kung ano ang gagawin pagkatapos, Syempre manghihinayang ka namang itapon agad. Kaya I prefer balloons and bears and chocolates!

Haha, pero as if naman papadalhan ako ng asawa ko. Sasabihin lang nun na magshopping na lang ako kaloka. Pero nakakatuwa ding alalahanin yung kabataan ko na nakakatanggap ako ng mga ganyan haha.


Uyyy, heart-shaped ice cream cake! Buti na lang hindi ako mahilig sa ganyan.


There were so many people in the mall ha, considering that it's a Tuesday tapos "petsa de peligro" pa (sa February 15 pa ang sweldo). Pero mukhang pinaghahandaan talaga ng mga Pinoy ang Vday kaya may budget. I was surprised din na sobrang haba ng pila sa Hypermarket, baka magluluto na lang sa bahay yung iba para mamaya lol.

Plan naming mag-dinner sa bagong diner dito lang sa may kanto namin mamaya (parusa mag-mall ng VDay, I swear) so sana matuloy. But before that, pupunta pa kami sa hapon sa Malolos to help my aunt (who just got back from the US) fix her SSS pension. Sana makauwi kami ng maaga.

O siya, just enjoy this day ha! Love love love!

February 1, 2018