Hello! Yep, I am still alive! I apologize for the lack of posts the past week or so because of some health issues. Nakakaloka, ang hina na nga yata ng immune system ko dito sa Pinas kaya kung anu-ano ang naging sakit ko.
Overall, medyo tumataas ang blood sugar level ko dito sa Pinas. When I was in Canada, sobrang controlled ko na talaga eh. Hindi naman ako gaanong nagkakakain dito pero tumataas talaga. In fact, I think I've lost around 3kgs pa nga in the past month. Weird talaga. Hay ayoko na nga munang isipin. Pero dahil usapang pagkain na rin lang, eto ang mga nilapang ko nitong nakaraang mga araw.
1. Reyes Barbeque. Habang nasa Kidzoona si TanTan kasama si Ate Charry (our kasambahay), inaya ko si Mamoosh na kumain sa Reyes Barbeque. I love their pork barbeque (na lumiit na nga lang ngayon) and boneless bangus so I ordered a combo. Nakakamiss din kumain ng Java rice, pero dahil nga lalong sangkatutak ang carbs, hindi ko inubos.
I noticed that they are now selling bottled barbeque marinade and peanut sauce, isipin ko kung magu-uwi ako sa Canada para matikman naman ng asawa ko. Kaso ang tamis din nun eh.
2. Leche Flan from Tita Oya. Hindi ako mahilig sa mga minatamis (thank goodness!) at leche flan lang talaga ang kinakain ko from its kind kaya dinalhan ako ni Tita Oya nito noong bagong dating ako (she bought it from a second cousin). Sobrang nakakamiss talaga! Pero konti-konti lang ang kain syempre at baka tumaas ang sugar. As of now nga pala, wala pa akong alam na bilihan ng masarap na leche flan sa Metro Vancouver. Isa yan sa mga kakaririn kong hanapin kasi gusto ko laging may leche flan kapag media noche (and noche buena na rin).
3. Jollibee Chickenjoy. Umay na umay na ako sa chickenjoy! Nung mga unang araw namin dito, everyday talaga na nagchichikenjoy si TanTan. He doesn't like to eat fried chicken anywhere else! Ang kaso yung laman lang naman ang gusto niya, ayaw niya ng balat or any part na may matigas kaya ako ang tagakain ng mga tira niya kasi sayang syempre. Kaya nga siguro tumataas pa rin ang sugar ko kahit di ako nagra-rice. Buti ngayon every other day na lang kami nagja-Jollibee kasi kumakain na siya ng tinola at fried galunggong sa bahay. Madalas si Mamoosh na rin ang kumakain ng tira niya (which is bad because my mother is diabetic too hay!).
4. Pinoy Breakfast. Kung pwede lang talaga, I would eat this kind of breakfast everyday! Ang sarap sarap ng sinangag sa umaga talaga. Kaso I am limiting my rice intake to once a day lang talaga (minsan lang talaga mag-twice).
5. Sinigang na arahan sa miso. Itong mga ganitong isdang may sabaw ang miss na miss kong kainin talaga. How I wish meron nito sa Canada.
6. Starbucks mocha frappuccino light. One big difference sa pag-uwi ko ngayon kumpara sa dati ay ang frequency ng pagpunta ko sa Starbucks. Syempre bawal na nga kasi huhu. Pero twice na akong nago-order ng mocha frappucino light (na hindi ko na alam kung ilan talaga ang carbs and calories) kasi hindi maiwasan na mapa-Starbucks when I'm with friends. Tambayan nga kasi namin yun. Ang gastos din nga pala kasi I have to order a separate regular frappucino for TanTan kasi favorite niya rin yun.
Oops, if you are wondering kung ano ang lasa ng light frappuccino... mas masarap pa rin kesa regular mocha frappucino sa Canada! I swear!
7. Back to Brown Rice. After noticing na tumataas nga ang sugar ko dito, I told Mamoosh na kailangan ko na talagang mag-brown rice uli. Actually bumili na ako ng brown rice sa SM Hypermarket noong bagong dating ako (around Php60 pero kilo) kaso nakakatamaran kasing iluto. Ako lang naman nga kasi ang kakain (although I was convincing my mother na magswitch na rin). Pero talagang number one enemy ng diabetic ang white rice kaya dapat iwasan.
True enough, when I tested my blood sugar after eating brown rice for lunch (with the same ulam before na katerno ng white rice), mababa nga. So hindi talaga joke lol.
Nga pala, I like the brown rice here. Basta nasasarapan ako na hindi ko napapansin na brown rice pala yun. Tapos ang bilis pang maluto.
8. Andok's Lechon Manok. Dahil umay na nga akong pakainin ng chickenjoy ang anak ko, I tried buying lechon manok naman sa bagong Andok's na malapit sa bahay namin. Sa Canada kasi kumakain naman siya ng roasted chicken.
Hindi ko na pina-cut kasi nga naisip ko sanay naman si TanTan na makita yung buong manok. Kaso nagtatatakbo nang makita ito. Ayaw daw niya! Kahit anong pilit ko, ayaw talaga.
Ang sunog naman daw kasi sabi ni Mamoosh. Tapos hindi pa masarap as in! Nanghinayang ako, sana sa Baliuag Lechon Manok na lang ako bumili. Ang mahal na tapos ang liit pa. Never na uli akong bibili sa Andok's talaga.
No comments:
Post a Comment