Tuesday, April 17, 2018

Swim time at home

Ang init init na sa Pinas! Nag-fullblast na ang init after Holy Weeek at parang gusto ko ng magsisi sa page-extend namin dito haha. Ang sabi ko pa naman last year, hinding-hindi na ako magsa-summer dito, kaso eto olats! Sapul na sapul namin ang buong tag-init kalurkey!

Anyway, I am so sorry for the lack of posts for the past month. I have no excuse, sadyang tinamad lang ako. Parang wala lang kasi akong masulat, ewan ko ba. Pero I am back at magkukwento na uli ako.

We were in SM BF Paranaque last April 7, 2018 (Saturday) to attend my friend's son's birthday Party in Vikings. We were such early birds so tambay muna sa mall. Nagawi kami sa area na ito and I saw how excited my son was upon seeing so many inflatable pools. Bigla kong naisip, ba't nga ba hindi ko bilhan nito ang anak ko? Meron siya kasing maliit na inuwi namin last year na once nya lang nagamit kasi nagka-ubo siya after. Since then, hindi ko na siya pinasawsaw sa tubig. Yep, 3 years and 5 months na siya pero hindi pa siya talaga nakakapagswimming. Hindi kasi kami mahilig ng asawa ko sa swimming (saka taga-Canada kami at walang paliguan masyado), that's why.


I saw somewhere in IG na mura ang pools sa Shopwise kaso hindi na kami nakadaan after the party kasi ginabi na kami. Kaya sa SM Marilao na lang ako bumili the following day.

I chose this swimming pool kasi malapad siya at hindi malalim, perfect for a toddler. Fifty percent off daw kaya Php2,000 na lang (pero feeling ko yun naman talaga ang regular price). Ayos naman ang price, ang problema Php1,000 electric air pump waaah! No choice naman ako kaya pikit-mata ko na ring binili.

In addition, I bought some floaters din and goggles for Nathan.

Ang dami-daming bumibili ng pools! Sa sobrang init ba naman!
Syempre atat agad ang bagets na gamitin ang pool. Medyo nakakanerbyos lang ang dami ng tubig na kailangang ilagay kasi nga ang mahal nun kaso sige na nga rin, hindi lang naman kami ang may inflatable pool sa bahay lol.


This is Nathan's very first swim wear. Ang mahal rin pala ng mga ganitong panligo ng bata. Parang Php800 yata ang bili namin dito sa SM Store.


The little boy was so happy! He was so thankful sa akin for buying him daw a pool. Super sulit ang pagkabili ko kasi sabi ko nga kay Mamoosh (I had to justify it to her lol!) hindi naman kami naga-outing noh. Dito lang talaga kami sa bahay kapag summer. Hindi nga rin kasi ako mahilig talaga lumabas dahil sa sobrang init. Saka talagang hindi ko trip ang mga swimming swimming na ganyan. Pang-indoor lang talaga ang beauty ko.

Ang ironic nga kasi we are so busy kapag summer dahil we rent out tourist buses (yun ang family business namin dito sa Pinas) pero kami mismo hindi nga naga-outing. Haha, boring kami!


By the way, syempre join din ako kay Nathaniel sa pool kasi nga malaki naman. Nag-enjoy din ako kasi nga ang init at masarap magtampisaw sa tubig. At dahil bihirang-bihira kaming tumambay sa second floor balcony ng bahay namin, feeling ko nasa ibang lugar na rin ako hehe.


Mental note -- enroll him to a swimming class soon!



What a fun bonding activity for us! =)

---------------------------------
May kulang two months pa kami rito sa Pinas so masusulit pa talaga ang pool na ito. The past nights, puro night swimming ang ginawa ni TanTan. Wala kasing bubong sa balcony grabe ang init kapag hapon (we wake up at noon so hindi pwede ang early morning swimming).






Another mental note -- buy more swim wears for the little boy haha!


Haha, for sure sobrang laki ng water bill ni Lola! 


No comments:

Post a Comment