To give you an idea pala, the flight from Vancouver to Taipei is about 12 hours while Taipei to Manila is around 2 hours.
Vancouver to Manila Flight.
For a 12-hour flight, they serve two meals.
Una kang makakakain just one hour after take-off. Once na mag-stabilize na ang plane sa taas, the flight attendants will begin preparing and serving meals. Kaya hindi na talaga ako kumakain sa airport while waiting kahit nagugutom na ako kasi nga kakain din naman kaagad sa airplane.
Ito yung unang sinerve nila. Dalawa ang choices as usual and I said "both" to the flight attendant para matikman ko parehas (at mapicturan) kaso namali yata siya ng rinig. Hindi nga kasi ganun kagaling mag-English and mga Chekwa, di ba? So ayun, dalawang "pork" ang binigay sa akin.
I noticed na parang mas kumonti ang serving nila ng rice compared to two years ago. I am lucky because I had two sets of this meal kasi nga hindi naman kumakain niyan ang anak ko (at tulog na rin siya because it was past 3am na in Vancouver time). At dahil hindi ako kumakain ng fruits at salad, yang rice meal lang ang kinain ko plus bread (carbs, I know!). I had to be busog kasi I won't be eating anything else during our trip kundi itong airline flood.
Taipei to Manila Flight.
Dahil mahigit-higit 2 hours lang ang flight to Manila, mabilisan din ang pag-serve nila ng food. Wala na ring choice, isang klase lang ang pagkain. Unless siguro may "vegetarian" request ang passenger.
I was glad that they didn't serve rice this time. Umay na ako sa rice lol.
I was generally happy with these three meals. Nabusog ako (kasi ng times two palagi ang pagkain ko) at nasarapan. Mas nasatisfy ang tummy ko kesa noong nag-fly kami sa EVA Air.
------------------------
For those who are flying, make sure na nakapagrequest kayo ng specific meal (ex. vegetarian) if you have special dietary requirements. Sakto lang kasi ang pagkain sa airplane, you can't demand for a special food the last minute.
Minsan malas din kapag nasa likod ka, baka maubusan ka ng gusto mong food. It happened to my husband once, shrimp na lang ang natira tapos di siya kumakain nun. He didn't assert himself kaya gutom ang inabot niya. Nangyari din yan samin last year ni Nathan, naubusan kami ng chicken meal. I was pissed kasi nga pareho kong gusto yung food lol (again, times two ang meal ko haha). Ang sabi ko sa flight attendant, hindi kumakain nung isang dish (fish) ang anak ko. Ayun, nataranta siya, hindi niya kasi kami inunang bigyan (we were seated at the very last row). Hahanap daw siya tapos pagkabalik may chicken teriyaki na (na hindi nila sine-serve sa economy passengers). Ayos! Nakakadiskarte rin pala sila ng ibang food. Sabagay, andami nilang options for business class passengers eh.
No comments:
Post a Comment