Tuesday, June 2, 2020

T&T take-out food

Ilang weeks na akong nagke-crave ng Chinese food! Kapag natira ka kasi sa Canada, magiging part na talaga ng everyday meal mo ang mga beef brisket, wonton noodles, chow mein, roasted pork, etc. When you're in a mall at ayaw mo ng burgers o pizza, sa foodcourt for sure merong Chinese food stall (ala turo-turo style) kaya makakapag-rice ka. Sa mga Asian groceries, meron din ready-to-eat Chinese dishes na pwede mong kainin doon o iuwi. Relatively cheaper ang Chinese food dito kumpara sa Pinoy, Japanese, Thai o Vietnamese food tapos generous pa ang servings.

So anyway, nag-downtown Vancouver nga kami last Saturday (May 30) para maghanap ng makakain. Pero dahil late na kami nagpunta, nasaraduhan na rin kami ng Richmond Public Market (nagpunta pa kasi kami sa Pampamga Cuisine at 88 Supermarket). I suggested to Ford that we go to T&T Supermarket Lansdowne (in Richmond) na lang kasi maraming food stalls dun. Kaso sarado na rin pala at itong mga for take-out na lang ang meron.


Ito ang mga nabili namin for our dinner. Wala na rin kasing masyadong options. Limited rin kasi ang tinitinda nila dahil hindi pa naman talaga "normal" ang store hours and operations nila.



How much sila?
  • Soy chicken with veggies and rice -- $7.34 (Php293.00)
  • Fish fillet -- $6.29 (Php251.00)
  • Beef brisket -- $6.29 (Php251.00)
  • Salmon sushi maki -- $4.03 (Php161.00)
       TOTAL: $23.95 (Php958.00)

Not bad na rin. Kung sa Chinese restaurant kami nag-order for take-out, aabutin kami ng at least $45-50 for sure. Pero dahil 'supermarket food' lang yan, syempre wag na mataas ang expectations hehe. At least nasatisfy naman ang cravings ko.

First Time ni Nathan

May 26, 2019 -- First time sumamang mag-grocery again. After more than two months of just staying at home and in the car, he was able to step foot on Walmart again. I couldn't forget his face -- he was in awe!

In pambahay outfit =)

The past weeks, talagang hindi namin siya sinasama sa kahit anong bilihan. Hindi naman naglockdown dito sa BC at hindi naman talaga ipinagbawal isama ang bata (though may time lang din na ginusto ng ilang stores na one adult person per family lang ang mamimili) pero syempre for our safety, ako lang talaga ang naging grocery/store frontliner ng aming small family. Naiiwan lang sila ng Daddy niya sa car at matiyagang naga-antay sa akin.

But since medyo nag-ease na ng restrictions dito dahil flattened na ang curve (in fact, back to school na rin ang mga bata this June), sige sinama na rin namin siya sa loob para malibang naman. Tutal wala rin naman talagang gaanong tao kasi it was a Monday night.

Ahhh.... toys!
 Nakakamiss din silang kasama sa loob ng supermarket sa totoo lang!



May 30, 2020 -- First time mag-facemask. We went to T&T Lansdowne para maghanap ng Chinese food dahil nagke-crave ako. 

But unlike in western groceries and supermarkets, medyo mahigpit ang Asian stores dito at talagang nagre-require sila ng masks (and sometimes thermal scan) upon entering.


No choice sila but to wear masks. First time ko lang din makita ang asawa ko na nakasuot, ayaw nya kasi talaga.


At 5 1/2 years old, he already knows a lot about corona virus. Nakakamangha ang mga bata, ang dali nilang maka-grasp ng sitwasyon. Kapag hindi kami nagmamask, siya pa ang "nagagalit" at nagreremind sa amin to wear one.


Nahihirapan daw siyang huminga but he never attempted to remove the mask. Ang galing! Great job, Nathan! 



Some Thoughts on Saladmaster

One Hello Kitty friend (way back in Pinas pa since around 2005) who is now based in California messaged me last Friday, asking me if Ford and I could spare 30 minutes to one hour to watch her cooking demo. Kailangan lang daw kasi nyang maka-pool ng 5 virtual presentations for the weekend. No pressure on sale naman daw.

I admit, hesitant ako kasi familiar naman ako sa product niya at alam ko ring super mahal ng Saladmaster noh. Pero dahil I wanted to help, sige na nga tutal eh nasa bahay lang naman kami (at wala ring mae-excuse lol). So sabi ko 3pm na lang ng Sunday, May 31.

My super bait husband, who do not cook, patiently sat with me. Noong una kasi ang sabi ko baka pwedeng ako na lang, to spare my husband of the one-hour ordeal, pero nagrequest ang friend ko na kung pwede kahit sa initial picture ay makasama si Ford. Kailangan daw kasi na mag-asawa ang manonood para sa quick decision-making on purchase (just in case). Hindi naman nga kasi birong halaga ang Saladmaster. I asked Ford to sit with me na lang din sa whole duration ng presentation para mapagbigyan na nga lang din si Hello Kitty Friend.


I won't delve na into the content of the presentation. Usual marketing na yun. Basta nagka-capitalize sila sa idea ng healthy-cooking blah blah.

Now here are some of my thoughts:

(1) Saladmaster na daw ang pinakamahal na cookware sa buong mundo. Grabe nga ang presyo! Yung non-smoke griller na nasa left ng picture, that's around USD1,200+ na plus taxes and shipping pa. So aabutin ng around USD1,400 (or CAD2,016 / Php72,800)! Kahit gaano kaganda ang quality niya, mahirap pa ring lunukin na ganun siya kamahal.

(2) Even if I have money to spare, hindi pa rin siguro ako bibili ng Saladmaster. Hindi naman nga kasi ako mahilig sa magluto. I cook lang out of necessity. In fact, I never cooked in the Philippines when I was living there, never akong nagka-interes. Kaya hindi ko kailangan ng mamahaling mga gamit pangkusina. Ok pa sa aking bilhin ang mga cute na plato, pang-Instagram haha!

(3) My friend Mylene from Edmonton, who has a few Saladmaster pieces, was convincing me to buy din nga. Maganda naman talaga at "sulit." I concede naman na siguro talagang maganda nga (virtual presentation lang kasi ang nangyari sa amin dahil sa pandemic kaya hindi ko nakita nang personal ang products at natikman ang mga naluto) pero a USD1,300-casserole won't give me joy. Bibili na lang ako ng Louis Vuitton, seriously.

(4) If a Canadian is contemplating to buy a Saladmaster, now is not the time to buy. Sadsad na sadsad ang Canadian dollar ngayon, USD1.00 = CAD1.44. Sobrang lugi ka. Antay mo na lang na tumaas uli ang CAD (Oh well, kelan pa kaya?).

(5) During this pandemic, may bibili kaya ng ganito kamahal na panluto?

(6) My Saladmaster friend was aking me for referrals, kung may kakilala raw ako na pwede nyang pag-present-an. I honestly can't think of anyone who will be willing to shell out a small fortune for a cookware.

(7) My husband just 'inquired' about the griller kasi nga mahilig siya sa ihaw. Pero sa totoo lang, hindi na namin kailangan ng ihawan kasi bukod sa outdoor grills namin, meron na rin kaming pang-samgyup at air fryer for indoor use. So aanhin pa yun?

(8) Ang sabi ng asawa ko, for lifetime use na ang mga Saladmaster na yan kaya masusulit din naman nga raw. Susko, ayoko naman gumamit ng isang kaserola na lang sa buong buhay ko. Masawain din naman ko sa gamit kaya ayos lang na hindi mamahalin ang mga kaldero ko para mapalitan ko rin sila.

(9) As much as possible, kapag walang balak talagang bumili, umiwas na lang din sa mga demo-demo. Ang hirap-hirap kasing tumanggi in the end. Kung small amount lang sana, ang sarap sa pakiramdam na pagbigyan ang isang kaibigan eh. Kaso thousand dollars ang pinag-uusapan dito. Yung sulit package na inooffer nila is around CAD5,500! Kahit siguro type na type ko ang cookware eh never akong magpapabili sa asawa ko nun.

(10) Ilang percent kaya ang commission ng mga ahente ng Saladmaster? They must be getting so much kasi nga super mahal ng products nila eh. 


------------

PS. I have nothing against Saladmaster products ha. Opinyon ko lang po ang mga nasa itaas.

I sincerely wish my friend goodluck sa raket niyang ito. She's been selling Saladmaster for so many years now at mukhang successful naman siya. I politely told her na lang na now is not a good time nga for us to buy and true enough, hindi siya nagpilit. She just smiled and thanked me, at nagrequest na nga lang ng referrals. =)