In pambahay outfit =) |
The past weeks, talagang hindi namin siya sinasama sa kahit anong bilihan. Hindi naman naglockdown dito sa BC at hindi naman talaga ipinagbawal isama ang bata (though may time lang din na ginusto ng ilang stores na one adult person per family lang ang mamimili) pero syempre for our safety, ako lang talaga ang naging grocery/store frontliner ng aming small family. Naiiwan lang sila ng Daddy niya sa car at matiyagang naga-antay sa akin.
But since medyo nag-ease na ng restrictions dito dahil flattened na ang curve (in fact, back to school na rin ang mga bata this June), sige sinama na rin namin siya sa loob para malibang naman. Tutal wala rin naman talagang gaanong tao kasi it was a Monday night.
Ahhh.... toys! |
May 30, 2020 -- First time mag-facemask. We went to T&T Lansdowne para maghanap ng Chinese food dahil nagke-crave ako.
But unlike in western groceries and supermarkets, medyo mahigpit ang Asian stores dito at talagang nagre-require sila ng masks (and sometimes thermal scan) upon entering.
No choice sila but to wear masks. First time ko lang din makita ang asawa ko na nakasuot, ayaw nya kasi talaga.
At 5 1/2 years old, he already knows a lot about corona virus. Nakakamangha ang mga bata, ang dali nilang maka-grasp ng sitwasyon. Kapag hindi kami nagmamask, siya pa ang "nagagalit" at nagreremind sa amin to wear one.
Nahihirapan daw siyang huminga but he never attempted to remove the mask. Ang galing! Great job, Nathan!
No comments:
Post a Comment