Thursday, October 20, 2016

Nathan is turning 2 next month!

For the nth time, I will be saying this: "Oh how time flies!" Imagine, Nathan will already be two next month!

Nathan and I are going "home" to the Philippines next month and we'll be celebrating his second birthday there. Kung dito kasi sa Surrey, hindi kami makakapag-party. Wala pa kaming maayos na place at friends dito eh. Yun nga lang, wala si Daddy Ford sa party. Di bale, in spirit na lang.

Anyway, unlike like year when we gave him a really big first birthday and baptismal party (which I haven't posted yet, sorry), we'll keep it simple this year. We'll only be inviting close friends and relatives. Sa bahay lang din namin gagawin ang kainan.


It will just be a simple salo-salo lang at home. Walang games, walang anumang arte. Parang Canadian party lang sa house. Basta marami lang balloons.

I chose a minion theme kasi gusto ko ng yellow motif naman (wala pa namang preference ang birthday boy kaya si Mommy na lang ang pumili). Nung 7th month kasi ni Nathan at naghanda kami sa Edmonton, Mickey Mouse theme na. So red. Tapos red na rin sa first birthday niya kasi barnyard. Kaya yellow naman ngayon para may distinction.

Plus may mga minion paper plates and other party materials na available dito. Ang sabi ko kasi last year when I had a hard time gathering stuff for a barnyard theme, ang next na party ni Nathan ay something generic na. Para hindi ako mahirapan.

So there, I will be bringing home some minion-themed party paraphernalias like plastic table cloth, paper plates, balloons, loot bags, etc. Mostly sa Dollarama ko lang binili.

Lola Mamoosh (my mother) will be shouldering the food (haha, ang sarap ng may nanay!). I have a cousin-in-law who cooks very well kaya walang problema. We will also have lechon courtesy of Nathan's Lolo Jim and Lola Elsie (Ford's parents). I ordered a small minion cake na rin from Box of Sweets (the same maker of our barnyard cake last year).

I wish lang na mag-cooperate si Nathan sa birthday niya. He's very shy of people kasi, Ayaw niyang lumapit (lalo na sumama) sa mga hindi niya kilala.

Oh well, excited na ako! Sana lang walang bagyo sa November 12.


--------------------
Nathan's birthday is November 13. Gagawin lang naming November 12 ang party para Saturday, hindi masyadong maha-hassle yung mga bisita na me pasok on Monday. =)




No comments:

Post a Comment