Saturday, October 22, 2016

Random Chika # 7

1. Buck or Two Plus! I discovered this store last week at the Surrey Central Mall. Matalas talaga ang mata ko sa mga dollar stores. I went inside to survey their items. Ok naman, lalo na yung mga balloons nila. Ang daming klase talaga!

When I googled this store, I learned na may ganito rin pala sa Edmonton. Meron yata sa Londonderry Mall! Kaloka, bakit hindi ko alam?!?

Anyway, happy na rin ako. Another wasteland for me!


2. Happy Meal. Whenever Nathan would see McDonald's, ayun magtuturo na. Hindi titigil hanggang hindi kami bumibili ng french fries.

Kaso mas mabisyo si Mommy. Di mapakali pag nakakita ng cute na happy meal toys.


I used to collect happy meal toys when I was in college. As in lahat talaga ng lumalabas eh binibili ko. Now that I have a child, may legitimate reason na ako na mag-happy meal uli haha! Pero mas magandang bumili ng happy meal kapag may coupon, mahal din kasi kapag regular price.

It's my mom who likes/loves Snoopy!

3. Fried Squid Again. We didn't know where to eat dinner last Wednesday night so rushed to the Richmond Public Market again for some cheap Chinese fix. But it was past 7pm already and there's no more fried squid in the stall where we get it. Buti na lang meron pang natira doon sa isa (Captain Wa) or else maglulupasay talaga ako. Masarap naman din, pero mas masarap talaga sa Asian Foods.



4.  Filipino Version. I got so kilig when I saw a Filipino text version of PC Plus' (Real Canadian Superstore's rewards card) ads. Nakakatuwa kasi acknowledged nila ang malaking Filipino community dito.


5. Motorcycle Accident. It was my first time to see a motorcycle accident here in Canada. Kapag summer lang kasi may motor sa Edmonton, kasi nga sobrang lamig doon at ma-snow.

When we were planning to move here in BC, Ford kept on telling me that he would buy a motorcycle because he can use it here all year round. Wala nga kasing snow at hindi kalamigan. Ako man, I want to get a small motorcyle, a Vespa perhaps. Haha, asa pa.

But I am amazed talaga sa rescue system dito sa Canada. Kung sa Pinas ka nadisgrasya, goodluck na lang sa iyo.


By the way, first to rescue daw ang bumbero dito basta tumawag ka ng emergency. Kahit ano pa mang kaso, mauuna ang bumbero kasi trained sila for first aid. It didn't make sense to me, sabi ko sayang ang resources at manpower. Tsk, third world mentality pa rin talaga.



No comments:

Post a Comment