Parang di pa rin nagsi-sink in sa akin na 2018 na. Ambilis talaga ng araw!
Anyway, I made a list of my new year's resolutions. I actually stopped making resolutions a long time ago, ngayon na lang uli. Wala lang, para may pang-reckon hehe.
1. Continue with weight loss. I lost 18lbs since August 16, 2017. Medyo napako na nga ang weight ko recently (lalo na this holiday season) kaya kailangang maging conscious uli sa pagkain at paggalaw-galaw. I am still overweight and I need to lose more pounds.
2. Take better care of self (especially skin). I am now on my late 30s (huhu) and sadly, my physical appearance has deteriorated na rin talaga. Obvious na obvious na na #TitaOfVancouver na ang peg hay. Hindi rin kasi ako maalaga, lalo na nung nagka-anak ako at naburo sa bahay. I used to have great skin pero dahil iba nga rin ang weather at water dito, grabe na sa pagka-dry (and I became dark huhu). I am hoping na mahabol ko pa na madelay ang inevitable aging ko.
3. Dress well again. I was never a fashionista but I can objectively say that I dressed well during my dalaga days. Gusto kong bumalik sa dati. I want my husband and son to be proud of me. I sort of lost my interest in dressing up din kasi when I gained a lot of weight, syempre wala nang bagay na damit. Pero ngayon nakakatuwa kasi nagkakasya na uli sa akin yung mga ibang damit na nakaliitan ko na.
4. Be more mindful in spending. I am naturally magastos. Sobrang hilig kong magshopping at bumili ng kung anu-ano. But this year, I'll try to be more careful sa paggasta, lalo na since we are planning to purchase a place already. Iwas muna sa unnecessary spending.
5. Start purging. Since I shop a lot, I naturally have a lot of things. Ang problema is that I never let go of them. Would you believe na yung mga damit ko noong 20s ako ay nasa closet ko pa sa Marilao? Kung hindi kami na-Ondoy last 2009, kahit mga gamit ko mula pagkabata ay tiyak nandun pa. Dito sa Canada, ang dami-dami naming gamit sa storage na hindi na naman namin kailangan yet hindi ko malet-go. My husband is telling me na dahil sa mga "kalat" ko, nagbabayad kami ng mahal sa storage. I really need to do something about it. I'll dispose all those things na. For sure, we will be moving to a smaller place later on (smaller than our previous home) so wala na talagang space for them. I will declutter and purge.
6. Be a better wife and mother. With all honesty, I will admit that I wasn't able to give my best to my mag-ama the past year. Siguro dahil na rin nagkasakit ako at mas napagtuunan ko ang mga sarili kong concerns. Saka naging too complacent din ako because I know that they love still me even if I am not lovable at times. Ahh basta, babawi ako sa kanila.
7. Document more. I love documenting, orientation ko rin kasi yan as a Sociology graduate. This year, I'll try to "save more memories." I'll produce photo books and get back at journaling. I'll take more photos and videos (especially of my son who's growing up too fast) and share them with my family and friends in social media (what's the use of having all those kung hindi ishe-share lol).
8. Blog as often as possible. I love blogging because this is one form of documentation. Online diary ko ito eh. So I will try to blog as often as I can. Hahanapan ko talaga ng time at energy. I also promise (to myself) na hahabulin ko pati backlogs ko kasi andami-dami kong hindi pa napopost dito. Kumbaga, kulang-kulang ang istorya ng buhay ko kaya dapat buuin.
9. Be grateful always. Bukambibig ko ang salitang grateful pero kadalasan hindi ko rin naiinternalize talaga. More often than not, I dwell on the negative, nakakalimutan kong magpasalamat sa kung ano ang meron ako. I will aspire to develop a grateful heart from now on, yung mas nakakaappreciate ng kahit maliliit na bagay o pangyayari. For sure magiging mas masaya ako.
So there! I will look back at this list a year from now and see what happened.
Kayo, anong new year's resolution ninyo? =)
No comments:
Post a Comment