Friday, January 19, 2018

We're in the Philippines (again)!

Hello, hello! Did you miss me? Oh I can't believe that we've been in Pinas for more than 9 days already! Ambilis ng araw, before I knew it, pabalik na naman kami ng Canada kaloka!

Anyway, saka ko na iisipin yun. One-tenth of our vacation pa lang naman ang nako-consume namin ni Nathan so enjoy enjoy muna.

I have so many kwentos that I don't know where to start. Pero in the almost 10 days na nandito kami, wala naman talagang major ganap. We stayed mostly at home tapos the usual short trips to SM Marilao lang.
Picture taken last January 11, 2018
My major problem though in this vacation is that Nathan had stopped drinking milk. I never thought that I'd have problem with milk since he loved Anchor Fresh Milk when we were here just nine months ago. Ngayon ayaw na. We made him try other brands, kahit yung Holly Fresh Milk from Laguna (na pinakamalapit na ang lasa daw sa fresh milk sa Canada), pero di niya talaga gusto. Good thing that he's eating solids naman, unlike in Canada na 80% yata ng daily food diet niya ay milk, kaso pumayat na rin siya talaga.

He understands na walang milk dito na kagaya ng sa Canada (kasi nga walang Walmart o Superstore dito) so he stopped asking for milk na on our 3rd (or 4th?) day. Zest-O tuloy ang ginagawa niyang "dede," which is not good kasi nga matamis yun. Pero di bale na nga muna, tutal three months lang kami dito. Kesa naman hindi kumain (he always eats snacks with Zest-O).

Speaking of solid foods, he's only eating rice kapag Jollibee Chickenjoy. Kaya everyday, at least once, bumibili ako sa Jollibee para may maipakain sa kanya. Ang gastos, two-piece chicken pa dapat kasi nga ayaw nyang kumain ng balat (or any part na may matigas). Nakakasira rin talaga ng ulo. But my mother, the kunsintidor lola, tells me na pagbigyan na. Bilhan na ng Jollibee araw-araw kahit magastos, basta makakain lang. Hay ang hirap if you have a picky-eater child. Pero sabagay kanino pa ba magmamana ito eh di sa amin din ng tatay niya.


O siya, it's past 11pm na and I am sleepy. I promise to blog again tomorrow. Ciao!

PS. Masarap pa rin talaga sa Pinas. I am so happy to be home! =)

1 comment: