Wednesday, October 7, 2020

Halloween 2019: Our first ever pumpkin

Simula nang mag-migrate ako dito sa Canada, aliw na aliw na talaga ako sa mga pumpkins na binebenta sa grocery stores kapag fall. Wala nyan sa Pinas eh.

October 6, 2019. At dahil may bahay na kami at big boy na si Nathan, time na para magdecorate kami ng aming first-ever pumpkin! I was able to buy that big pumpkin at Save-On-Foods for $3.99. Medyo mahal pa nga, may mas mura pa sa iba lalo na kapag sine-sale na.

But the problem was -- Ford and I didn't have any carving skills. Again, lumaki kami sa Pinas kaya malay ba namin dyan noh! My husband is the most uncreative person in the universe kaya wala talaga kaming mapapala sa kanya sa mga ganyang bagay. At lalo namang hindi ko keri ang mag-carve, tapos ang messy messy pa after.

Buti na lang may reliable na Dollarama. They have this pumpkin decorating kit for only $1.25 (plus 12% tax = $1.40)!

Nathan was so excited to decorate!

Pero syempre ang nanay din ang tumapos lol! Cute naman hindi ba?


We placed it in our frontyard. Biglang sumayang tingnan ang bahay. =)

Medyo nagregret lang kami ng slight kasi the following week, we went to a pumpkin patch (first time din!) and we brought home three more pumpkins. Kasama na pala sa ticket yung pagpili ng pumpkins. Naisip namin na sana hindi na kami bumili. Tapos nag-field trip pa rin si Nathan sa apple barn at nag-uwi ng isa pa. So we had five pumpkins all in all. Oh well, magsisi pa raw ba sa $3.99 lol!

No comments:

Post a Comment