Wednesday, September 30, 2020

Halloween 2019: Treats

Sorry for the many Halloween posts. Nasa Halloween-mode na kasi talaga ako. Also, ina-aspire ko talaga na madocument lahat ng important happenings sa life namin sa blog na ito kaya marami akong hahabuling posts. Please bear with me.

 ----------------

Guess what we gave out last year to trick-or-treaters... our extra happy meal toys and books!

I was cleaning our garage a few days before Halloween and realized that I won't be able to bring these toys in Pinas naman na (kasi mabigat at may iba akong valuable items na pwedeng paggamitan ng baggage allowance) so I came up with the idea of just giving them away on October 31st.

I counted the toys and books but I forgot na kung ilan. Medyo madami kasi nga simula naman ng 2 years old si Nathan yan. We had a lot of extras kasi nga usually isa lang naman ang available na toy sa McDonald's kaya hindi ka makakapili. Madalas tuloy nadodoble.Yung iba naipapalit namin kaso medyo hassle din kasing pumunta ng ibang branch para lang magpapalit.

As expected, happy ang mga kids sa toys!

The only trick-or-treaters who came in our frontyard.

When we realized na sa garage side nagpapamigay ng treats ang neighbors namin, sinabihan ko si Ford na tumambay na lang sa garahe. Hindi kami prepared sa garahe (ang dilim pa naman kasi sira ang mga ilaw ng townhomes sa gawi namin that time) kaya sabi ko sa sarili ko na paghahandaan ko talaga next year. Kailangan may maraming pailaw hehe.

Ford didn't take pictures, sayang. Buti may ilan pa akong nakunan. But he said na sobrang happy ang kids pagkakita sa toys. Syempre naman.

Hindi kami nakaubos. May ilang books na naiwan. Bukod sa medyo "late" na kasi kami lumabas sa garahe, nagpack-up na rin si Dad nang umuwi na sina Ian (and family) para sumunod sa amin ni Nathan sa pagti-trick-or-treat. Still, I was happy kasi medyo nabawasan kami ng kalat at hindi na kami bumili pa ng chocolates.

This year, we only have a few happy meal toys and books at baka hindi ko na ipamigay. Now that Nathan has friends and classmates, I might use them na lang later on for birthday goodie bags, etc.

No comments:

Post a Comment