Yep, maintenance meds to lower high cholesterol. Nang magsabog yata ang mundo ng sakit, sinalo ko na lahat. Mag-39 pa lang ako pero may mga gamot na ako for life. Whew!
Kasali sa blood works ko ang cholesterol last July 7 and just as I had expected, mas tumaas pa ang cholesterol level ko kesa last December. Sa dami ba naman ng nilaklak kong isaw sa Pinas. I am to be blamed, I know. Wala talaga akong disiplina.
From 6.14 in December 30, 2017, 6.57 na siya ngayon. Normal is between 2.00 to 5.19. Very high na daw talaga kung tutuusin. Walang epekto ang fish oil ha. My doctor gave me a month to lower my cholesterol, tapos magpakuha daw uli ako ng dugo. When I asked him papano kung hindi pa rin bumaba, no choice na raw kundi mag-take ako ng gamot. I told him resetahan na niya ako kasi mukhang di ko naman kakayanin.
I want to be realistic. The only solution for my cholesterol level to drastically lower down is for me to significantly cut down on red meat and fried foods. Ano pa ang pwede kong kainin kung ganun? Since I am diabetic, talagang konting carbs na lang ang kinakain ko. At para ako mabusog, talagang nilalakasan ko sa ulam o protein.
It's actually hard to live here in Canada kapag hindi ka talagang taga-dito. I've had a Filipina doctor in Edmonton two years ago and I won't forget our last conversation. Noon pa lang kasi nakita na na medyo mataas ang cholesterol ko.
Ang sabi niya, sa talagang maggagamot na lang ang mga Pinoy dito sa Canada dahil nga sa nature ng pagkain. Mostly greasy, high in carbs and calories, processed. Ano bang healthy ang pwedeng kainin dito sa totoo lang? Salad lang yata. To be honest, hindi naman salad-eating ang average Pinoy (ako hindi kumakain ng salad). Hindi tayo mabubuhay nang yan lang. Ang mga isda naman na nabibili dito na galing Asia, puro frozen na. At dahil frozen, usually ipiprito mo na lang kasi hindi naman masarap sabawan. Super mahal din ang Asian vegetables dito tapos ang lalaki ng pack. Kung magluluto ka ng chopsuey, sobrang laki ng magagastos mo sa dami ng ingredients na kailangan. Sana kung marami kayong kakain. Pinakamura na talagang iulam ang karne sa totoo lang.
Tapos dahil mabilisan ang buhay dito, pinaka-convenient talagang kumain ng mga instant food (noodles, canned goods). Pinakamadaling luto rin ang prito. Sa case namin, ako lang ang kumakain ng mga niluluto kong may sabaw kaya nakakatamad magluto sa totoo lang. Yung anak ko puro pritong galunggong at manok lang kaya madalas sinasabayan ko na lang. Ang sabi ng doktor ko, mag-ihaw na lang daw ako instead na magprito. Ang tedious kaya nun, tapos good for one person lang iihawin ko for lunch halimbawa? Eh madalas gutom na gutom na ako by lunch time tapos magluluto pa ako ng ibang pagkain para sa anak ko tapos susubuan ko pa. Kung may nabibilhan lang sana ng lutong ulam dito sa tabi-tabi na parang sa Pinas, ayos sana.
Basta ang punto ko, ang hirap mag-healthy-eating dito lalo na sa puntong ito ng buhay ko huhu. Kaya talagang tinanggap ko na na maggagamot na lang ako. Pero siyempre pipilitin ko namang bawasan ang pagkain ng mga bawal na pagkain pero I doubt it kung talagang maiiwasan ko totally. Kahit ang nanay ko naiintindihan ang sitwasyon ko. Siya nga raw na nasa Pinas na eh hindi na rin malaman kung ano ang kakainin, ako pa ba na very limited ang food options dito.
Hay, diabetes at high cholesterol. Apart from my unhealthy lifestyle, namana ko rin ang mga sakit na yan sa magulang ko. Pero buti na nga lang at hindi ako "high blood" na katulad ng nanay ko. Bata pa lang ako eh low blood na talaga ako. Sana Po talaga hindi magbago.
July 19, 2019 |
I am grateful though kasi covered naman ng health insurance namin ang maintenance meds ko kaya hindi ko pinoproblema ang additional gastos. Kung nasa Pinas siguro ako, sobrang manghihinayang ako sa pera. Ang sabi ng nanay ko, Php52 ang isang piraso nung cholesterol medicine niya. Hindi birong halaga yun ha.
Pero dito pala sa Canada, usually 'generic' lang yata ang gamot. Basta ibibigay mo lang ang prescription sa Pharmacy tapos sila na ang bahalang mag-dispense. Unlike sa Pinas na makakapili ka (o ang doktor mo) ng brand na iinumin mo.
Kaya kung titingnan mo, mura lang naman pala ang cholesterol medicine ko for 90 days. $23.17 lang o Php926.80 (around Php10.30 per day). Mas mura pa nga sana yan kung walang dispensing fee na $10.
Yun nga pala, sa bawat prescription medicine na bibilhin mo dito, may $10 silang china-charge. Kahit na good for one month lang halimbawa (o 30 pieces), $10 pa rin ang babayaran mo. So better na imaximize mo na ng for 3 months para tipid. Good for three months lang ang maximum na pwede nilang ibigay eh.
Sa ibang health insurance companies, may co-pay. Minsan 20% ang share ng patient. Buti sa insurance namin (sa company ni Daddy Ford), sinasagot nila ng 100%. May health spending allowance kami in a year at iyon lang ang dapat naming iconsume. Malaki naman sya kaya hindi naman basta mauubos. Kailangan mo lang munang paluwalan sa pagbayad tapos irereimburse nila kaagad through bank deposit kapag nasubmit mo na ang resibo online. =)
No comments:
Post a Comment