And since then, di ko na siya makalimutan. Palagi akong nagke-crave. But a cheapskate that I am, namamahalan naman akong bumili. Around $5 kasi ang 4 pieces, imagine that! Buti na lang meron daw ok na frozen siomai sa T&T Supermarket kaya yun na lang ang ini-steam namin sa bahay.
So isa sa mga plano ko sa pag-uwi ko dito sa Pinas ay ang magpakasawa sa siomai. At dahil hindi nga ako kumakain ng siomai dati kaya hindi ko talaga alam kung saan masarap.
I learned na uso na pala dito ang cheap siomai. As in 3 pieces for Php10.00! But of course, you get what you pay for. Hindi kasarapan syempre.
One time we went to Robinson's Place Malolos (to bring Nathan to Kidzoona), me kiosk ng Master Siomai. Lafang galore kami ni Lani (our ex-househelp who also likes siomai a lot).
Akala ko sa "malayo" lang ako makakakain ng Master Siomai, yun pala meron din sa SM Marilao (which happens to be just an extension of my house haha!)! Kaloka, no more reason para ma-deprive! Gusto kong magtatalon nang makita ko siya as in! Sorry, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.
Master Siomai in SM Marilao |
Four pieces for Php35.00 -- not bad at all! Sa ibang branches (like the one in Marquee Mall), 4/Php30.00 lang. Sarap na sarap talaga ako. I even influenced my mother, favorite nya na rin haha.
I super like Master Siomai to the point na kino-consider kong mag-franchise haha! Sobrang lakas naman kasi. Ang dami palaging bumibili. Naa-out-of-stock pa nga sa SM. Kung dito lang talaga ako based sa Pinas, kakaririn ko talaga ito.
Hay, I will surely miss this when I go back to Canada. Ba't nga ba kasi we can't have everything noh?
No comments:
Post a Comment