My recent addiction -- saba con yelo! Only Php40 at Kap's Tapsi. Masarap siya talaga in fairness, marami pang saging.
Nakiki-uso syempre.
A heart-shaped donut at Vikings. Mister Donut brand. Masarap siya pero makunat ung rice crispies.
Another recent addiction -- Penoy! I would always go out at night to buy some. Mas masarap yung me sabaw. Eleven pesos lang ang isa.
This is probably my favorite instant noodle in this world. I am glad they came up with a better cup.
Tita Che sent a box of Lindt chocolates to Nathan last December. Naisipan kong buksan na at tikman. Hindi talaga ako fan ng sossy chocolates, mas gusto ko pa ang Nips at BigBang. Buti na lang may taga-ubos ako dito. Nope, hindi si TanTan. Yung sekretarya ni Mamoosh hehe.
*Sorry Tan, bawal sa iyo yan.
I have high cholesterol but I couldn't resist this. Nabibili lang dito sa tabi-tabi. Ang sarap, promise!
I love love love this moist choco slice from Red Ribbon. Perfect ito pag nagke-crave ako ng chocolate cake. Php21.00 lang, no need to buy a whole cake (na ginagawa ko dati pero kapiranggot lang ang kinakain ko).
Ahh, tahong! Hindi man lang nakatikim nito si Ford sa huling dalawang uwi niya dito sa Pinas. Palagi kasing walang tinda. Malas.
I love the food at Reyes Barbeque. Lalo na yung java rice nila. Medyo pricey nga lang for a typical Pinoy.
As I have mentioned on my IG account: "I am into fancy purses, not fancy food."
Masaya na talaga ako sa tapsilog lang.
No comments:
Post a Comment