Saturday, February 18, 2017

Valentine's Day 2017 (in Pinas)

Because we are still in LDR now, we just "celebrated" Valentine's Day via Facetime (where else?).


It was our 14th hearts day together. Lipas na ang sweetness haha. No more flowers, pang-shopping na lang daw lol! Sa stage ng life namin ngayon, practicality prevails. To be honest, wala na ring dating sa akin ang Valentine's Day eh. Busy kasi ako kay TanTan. But I am hoping that someday, maging meaningful and ROMANTIC uli sa akin ang araw na ito.


--------------------------------------
Since my original Valentino is far far away, kami na lang ng favorite son ko ang nag-date sa SM Marilao.


Starbucks' mocha frappucino truly lifted our spirits haha!


I was glad na lumabas kami. Ang saya-saya ng mood, sa labas man o sa loob ng mall. Very festive. I am happy for those young lovers na sobrang kinikilig sa araw na ito. Nakakamiss ang ganung feeling ha. Yung mga estudyanteng boys, nagfa-flock sa bilihan ng chocolates. Halatang low budget pero keri lang. Kailangang mairaos ang Valentine's eh.


A few days before Valentine's Day, we saw this big stuffed toy at the Department Store. If I remember correctly, it only costs Php800. Haha, I could buy it anytime now. Ford could buy dozens if he wants to. Pero parang wala ng sense. Masarap makatanggap nito 15-20 years ago kasi talagang super effort sa pagtitipid ang kailangan.


But come to think of it, baka nga kelangang ibalik ang "kilig." Ang idea na kasi ng asawa ko ng kilig ay gastos eh.


Ganun na ba talaga kalaki ang pinagbago ko? Kilig = designer bag? Mukhang kelangan munang magdowngrade. May anak na nga kasi at maraming bills na kelangang bayaran. Hindi na pwede ang masyadong luho. Sasabihin ko sa asawa ko na ok na ang isang stuffed toy next time.

Ok, tama na ang segue. Back to our date.

My Nathan, as always, was so happy to be at SM again. I really enjoyed hanging out with him. May representative na si Ford. "Ibinilin daw kasi ako ng daddy niya sa kanya" (as per Jollibee ads "Date") haha!


After two hours at the mall, umuwi na kami to our another love -- Mamoosh! Pero syempre me pasalubong kami na dinner to celebrate the day.


My Nanay will always be my first love. I am grateful for all the times that we spend together.


Happy Valentine's Day to us!


No comments:

Post a Comment