Tuesday, March 14, 2017

#CessieEats 3

Tapsi's pancit canton + bonete from Francisco bakery. Perfect merienda na sana kaso me bad news akong dinatnan pag-uwi ko. Di ko tuloy na-enjoy.

  
Mc Donald's Fish and Fries. I love fish and chips and I am glad that Mc Donald's came up with this, albeit for a limited time only (hanggang Mahal na Araw lang yata). Bitin nga lang kasi one piece lang (I am used to eating 2 pieces haha). Masarap naman in fairness, medyo mahal nga lang. Php149 with drinks. Personally, I'd rather order 2-pc chiken mcdo kesa dito kasi mas mabubusog ako.


Royce Chocolate.  Raxie gave me this bar last Christmas. Hindi pa ako nakakatikim ng Royce ever pero parang hindi naman ako interesado haha. Naalala ko lang kainin ito a couple of days ago, halos maeexpire na. My verdict -- so so lang. Hindi ako impressed. Nanghinayang ako sa Php350 pesos niya, si Joannie lang ang umubos haha.


Nips. Ito ang type na type kong lapangin lately. Ahh, chocolate of my childhood! I remember, lagi akong bumibili ng tatlong small packs nito sa tindahan ng kapitbahay naming si Aling Fely noong bata pa ako. I've grown pero mga simpleng chocolates lang talaga ang gusto ng panlasa ko.


Jollibee hotdod breakfast meal. This is my favorite breakfast in the world. Seriously. Sarap na sarap talaga ako kahit na nabibitin kasi maliit lang ang serving. When I was in college, ito lagi ang breakfast ko sa Jollibee Philcoa. How I wish I could wake up early para makakain lagi nito. We are going back to Canada in a month, dapat samantalahin ko na.

 

Sapsap. Do no underestimate this kind of ulam. Super expensive yan ha! Thank you, Mamoosh! Ang sarap po talaga!


Tokyo Tokyo's Pork Tonkatsu. Sa wakas nakakain din uli ako nito. Puro kasi KFC ang gustong kainan ni Nathan kaya na-deprive ako. Buti na lang me katulong na uli ako sa kanya kaya nakatakas ako para kumain nito (habang nasa Kidzoona sila). Ito yung gustung-gusto kong kainin sa Edmonton when I was pregnant eh. Kaso wala naman kaming natagpuang tonkatsu noon. Php160 na ito, without drinks. Kakain ako uli ng isa pang beses bago umalis.
 



No comments:

Post a Comment