Monday, March 20, 2017

#CessieEats 4

1. Late lunch at Kap's Tapsi. Mamoosh, Nathan, and I had late lunch at Tapsi two weeks ago. Mamoosh was disappointed with the sizzling bangus. Fried daing na bangus lang kasi na nilagay sa sizzling plate lol. The kare-kare tasted good pero sobrang konti lang laman, puro sabaw lang. Hay, wala naman kasing ibang makainan dito sa area namin maliban sa fast food restos.

Mamoosh lost her senior citizen ID card after eating there. Twenty pesos lang ang na-save namin pero sobrang nahassle pa kami sa pagpapa-replace.



2. Kap's Tapsi's Palabok. I ordered palabok there for the first time. Mukhang di masarap pero ok naman pala. Sana magka-pancit malabon din sila (yung may matabang noodles).


3. SM Food Court Dinner. While waiting for the printing of her ID pictures (para nga sa replacement ng senior citzen ID card), we had our dinner at the food court. Syempre di mawawala ang Master Siomai.


4.  Goldilocks Butter Macaroons. Ngayon lang uli ako nakakain nito. I remembered my good friend Mylene (from Edmonton) tuloy. Favorite niya ang macaroons.


5. Monde Baked Puto. I kept on seeing this sa commercial kaya I eventually gave in. A pack of ten pieces costs Php91. Hmm. malagkit ang texture niya. Pero mas lasa siyang suman kesa puto lol. Sayang, I wanted this to be delicious pa naman talaga para makapag-uwi ako sa Canada.


6.  Cheese-Flavored Dirty Ice Cream. This is the dirty ice cream flavor that I eat. Ang sarap-sarap naman kasi. Gusto kong bumili ng isang tub nito at uubusin ko talaga. Around Php1k lang siguro yun. Someday.


7. Tapsilog. I will miss this pagbalik ko sa Canada. Yung pagkatulog ni Nathan eh magmo-motor ako at pupunta sa tapsilogan.


8. Jollibee chickenjoy. I am thankful kasi may 24-hour Jollibee na malapit sa amin. Pwede ng mag-chickenjoy anytime. I've gained more weight in the past four months that I am here in Pinas. Isa si Jollibee sa salarin.



No comments:

Post a Comment