Tuesday, March 14, 2017

There are no Purefoods hotdogs in Canada

For the record, THERE ARE NO PUREFOODS TENDER JUICY HOTDOGS IN CANADA.

Kailangan kong isulat ito kasi napansin kong ito ang pinaka-popular kong post so far. Katulad ko dati, marami ring gustong makaalam kung saan puwedeng makabili ng paborito ng lahat na tender juicy hotdogs.

Again, Canada won't import meat products from the Philippines. Very strict kasi ang standards nila, takot sa mga sakit na puwedeng madala ng mga karne from other countries. Kaya I doubt it kung magkakaroon man ever ng processed meat products sa Canadian grocery shelves (kahit nga canned sisig man lang sana).

Anyway, when we were still in Edmonton, Filipino-style hotdogs became available in the market. Gawa ng mga Pinoy na taga-Calgary. I was so happy, kasi talagang mahilig nga ako sa hotdogs. Pikit-mata akong bumili ng one pack noon kahit na around $20 siya sa Lucky Supermarket. Kaso  hindi ko nagustuhan ang lasa. I wasn't expecting naman na maging kasing-sarap siya ng Purefoods, pero hindi ko talaga type eh. Kahit yung asawa ko hindi rin gusto. Ni hindi namin naubos yung pack kahit na nanghihinayang ako. Sabagay, to each his own naman yan. But heaven knows, I really wanted "us" to work (lol!) kaso di talaga swak sa panlasa ko.

When we moved to British Columbia, ayun solved na ang problema ko. I've heard that Seafood City (a popular Filipino supermarket in the US) now carries Purefoods Tender Juicy Hotdogs. We now live 20 minutes away from the Canada-US (Washington) border (plus around 2 hours more to Seafood City) so we could go there anytime to hoard the yummy hotdogs!


I've forgotten the exact price of a pack of ten hotdogs (kasi walang naka-display sa shelf) but it was only US$2-something (naka-sale yata). I'll check again next time. Basta mura siya for me. There were many other Filipino-style hotdog brands din kasing available (like Martins which I also like) kaya may competition.


The drawback though is that these Purefoods TJ hotdogs were made in the US and not in the Philippines. Licensed lang sila kumbaga ng Purefoods Philippines. Look at the turkey ingredient.


The hotdogs don't actually look like their Philippine-counterpart. Medyo pale ang color at iba ang texture ng balat.


At syempre hindi talaga 100% na kalasa. Around 80% lang sa tantya ko. Pero sobrang ok na rin. Satisfied na ang craving ko for Purefoods! Seriously, isa ito sa mga naging considerations ko sa pagdecide na mag-move kami sa Surrey haha.


How I wish magkaroon na rin nito sa Canada, tutal made in the US naman. Kaso mukhang malabo. Di bale na nga, cross border lang naman ang katapat nyan.

Oops, by the way, the Canadian border authorities are not strict naman pala with grocery purchases from the US. Pinapalampas na nila ang food at hindi na usually tinatax-an kahit less than a day ka lang outside Canada. Basta i-declare mo lang para hindi ka magkaproblema.

6 comments:

  1. Hi po. Have you tried the Pinoy Juicy hotdogs sold at HenLong? It's a US product as well pero parang lasang TJ din, almost. Or maybe guni guni ko Lang dahil namimiss ko na rin ang TJ. 😆 But i think it's the closest one to TJ brand, except it's beige and not red in color. Tapos just today, I bought a pack and the cash register scanned it as Tender Juicy Hotdog, so mas lalo akong naging curious that it could really be the same TJ but under a different brand.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello! Haha, oo nga marami ng nagsulputang Pinoy hotdogs ngayon dito sa Canada. May ibang post nga rin ako about it --> http://cesblanco.blogspot.com/2018/08/more-pinoy-hotdogs-in-canada.html

      Di ko pa sila na-try pero susubukan ko rin one of these days. Tapos try kong i-review ang lasa hehe.

      Thanks po reading my post! I am glad may taga-BC/Vancouver area na nagawi sa blog ko. =)

      Delete
    2. Yes!the best talaga yong tj hot ng purefood sa Philippines,halos national kna Lagat mga hot dog nila dito sa canada pero the best talaga ang tj ng purefood Philippines, hindi ko naintindiha ang kanilang hotdog flavor

      Delete
  2. Sa Burlington po ba ang Seafood city na iyan, craving din ako sa Purefoods hotdogs po eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello! Sa Tukwila na Seafood City yan, malapit lang sa Seattle. =)

      Delete
  3. Naku iyan rin problem ko. Hotdogs are too salty at me amoy. You are right I end up throwing foods. Can you text where I could order on line. 647 830 1049. Tks

    ReplyDelete