I went to Trinoma last May 5, 2019 to meet with my girl friends. I intentionally came early for two reasons: (1) I commuted lang so kailangan umalis ako ng maaga pa para hindi pa masyadong mainit, and (2) I wanted window shop and visit my favorite stores na wala sa SM Marilao (lol). First time ko kasing lumuwas noon sa Manila simula nang dumating ako noong April 9, would you believe?
On top of my list ng stores na gusto kong puntahan ay ang dalawang 88-peso stores syempre:
Japan Home. Oh how I wish mayroong Japan Home sa Canada!
Their branch in Trinoma is not that big. I wonder kung saan kaya yung talagang malaki at nang madayo ko.
I was surprised na ang dami-dami na nilang hello kitty items! Sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko kasi nga maliit lang naman ang bahay namin at wala akong paglalagyan sa kanila. Sinabi ko talaga sa sarili ko na ang mga bibilhin ko lang sa Pinas ay yung talagang magagamit ko.
Saka syempre, budget na rin. Pahamak kasi ang mga stores na ganito. Akala mo mura lang pero kapag medyo napadami ka ng dampot eh wasak din ang wallet mo. Php88 x 5 items = Php440 na rin!
Pero pag-iisipan ko pa rin kung bibili ako ng ilang kitchen items para maaliw naman ako sa pagluluto lol.
Daiso. Ahhhh, Daiso! You never fail to thrill me! Medyo pangit lang ang location mo sa Trinoma (nasa loob ng True Value) kaya hindi ka masyadong napapasok ng tao.
I was shocked na may isa na rin silang wall dedicated to Hello Kitty. I mean, may mga kitty na dati sa Daiso pero hindi ganito kadami. Sana may ganito rin sa Daiso Canada waaaah!
Ito yung cosmetics line nila na nakikita ko dati pa sa mga vlogs.
Hmm, pagi-isipan ko kung bibili ako later on ng kahit isang piraso lang. Try ko rin pumunta sa mas malaking branch ng Daiso.
I was such a good girl. Isa lang ang nabili ko. I am very happy kasi magagamit ko talaga ito! I got this for Php188.
I love love love Hello Kitty! I am almost 40 pero talagang gusto ko pa rin siya hehe. I'll do a haul later of all the Hello Kitty stuff na mabibili ko this Pinas vacation ko. =)
No comments:
Post a Comment