Friday, May 24, 2019

Balikbayan Take-Home: Xtreme MagicSing

When you live abroad, it's a must na may sarili kang karaoke mic sa bahay lol. Aside from personal enjoyment, importante yan kapag may bisita ka sa bahay, pang-entertain kumbaga. Kaya naman ang isa sa agenda ko sa pag-uwi dito sa Pinas this year ay ang makabili ng Magic Sing hehe.

Most of our friends in Edmonton have this already, kaya siyempre nakikigaya kami. Ford and I are not bibo when it comes to karaoke singing, shy kami sa mga tao. Pero kapag kaming dalawa lang, kanta kami ng kanta haha!

Noon pa namin gustong bumili nito kaso nag-apartment lang kami the past 2 years. Sabi namin kapag nagkabahay na lang uli. At eto na nga, nakalipat na kami last November! =)

I knew that there are so many karaoke microphones now but I only wanted to buy in SM. Wala na akong energy na maghanap-hanap pa, saka mas credible for me ang nabibili sa mall kesa Lazada o Shopee.

While waiting for TanTan to finish his train ride in SM Marilao last May 1, ayun nakita ko ito. Yung presyo na lang talaga ang tiningnan ko haha. Less than Php15,000 so pwede na. Wala akong balak bumili ng mahal kasi nga hindi naman nga kami "pro" ng asawa ko sa kantahan.



When I asked the saleslady, parehas lang naman daw halos ang dalawang units na ito, wireless microphone lang yung mahal.  Lalo akong na-convince bilhin yung cheaper syempre. I asked the saleslady about their ongoing promo, less Php1,000 daw plus Php6,000-worth of hotel voucher (sa Ilocos at Baguio nga lang haha!). Then she suggested na sa May 23 daw, may 10% promo ang SM kaya malaking tipid din. Ayos, sabi ko babalik ako.

At syempre kelangan ko munang hingan ng pera ang asawa ko. My mother was volunteering to buy it for us kaso nahihiya na ako. Super dami na niyang gastos sa amin ni TanTan dito eh. Ford initially wanted me to get the cordless one, but I disagreed. Sobrang mahal na kako yun, doble ang halaga tapos "cord" lang ang difference. Ok na kako muna yung mura, we can always buy again next time kung magugustuhan namin.

A few days ago, a saleslady of another brand was convincing me to buy their product. Grand ang tatak (dating Wow daw). Their cheapest unit is more expensive than Magic Sing's so medyo turn-off ako (lol again). Pero medyo ginoogle ko pa rin kung ano ang mas ok. I also even asked a friend in Edmonton kung ano sa tingin niya ang ok based on their experience.

To cut the story short, Magic Sing won. So bumili na nga ako kahapon.

The salespersons were very happy with their sale hehe. Medyo madami nga raw bumibili nung Php14,900 unit lately, dinadala sa abroad. I think most nga ng bumibili ng karaoke microphones ay taga-abroad. Dito kasi Php500 lang ang rental ng videoke machine kapag may handaan so no need to buy your own.


This is the unit that I bought. Less Php500 lang pala ang summer promo nila. Yung Php1,000 discount is for the cordless one.


I only paid a total of Php12, 960. Not bad na rin. Sulit ang paga-antay ko ng May 23 kasi Php1,440 rin ang natipid ko.


And they were not kidding about the hotel vouchers! Meron talaga! The vouchers are valid for a year kaso kung kanino lang nakapangalan. I had the option to have it under a different name kaso sino naman. Kaloka, gusto ko tuloy mag-Baguio haha! Pero I wonder rin kung makakapag-book nga ba ako using these haha. Let's see.


Ayan, one item off my shopping list! Excited na akong gamitin ito kahit na na-info overload ako sa mga instructions na pinagsasabi nung saleslady. Oh well, bahala na ang asawa ko na magset-up nito. We don't have many friends yet in BC at hindi ko alam kung kelan kami magkakabisita sa bahay pero for sure masusulit pa rin ito. =)


No comments:

Post a Comment