May 13, 2019. Nathan and I accompanied Lola to the nearby elementary school to vote. Ako lang sana ang sasama pero nagising ng maaga ang bagets kaya nagdrama na ayaw daw niyang maiwan sa bahay.
We started walking (toward school) past 7am. Ang init na grabe. Mamoosh said na kung medyo tinanghali pa akong nakaligo eh hindi na siya boboto kasi sobrang init na nga. Pero syempre kahit na hindi ko talaga forte ang gumising ng maaga eh nag-insist ako na samahan siya, para nga maengganyo siya lalong bumoto at makapag-observe observe na rin ako. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakaboto. Last year nagkaroon ng barangay election (I was also here in Pinas) at pwedeng-pwede pa sana akong bumoto kaso hindi na lang. Wala rin naman kasi akong/kaming kilala ni isa sa mga kandidato so useless lang kasi talagang manghuhula lang ako/kami.
Hindi pa gaanong maraming tao nang dumating kami at around 7:30am. Kaso hindi pa ready yung table kung saan mo puwedeng itanong kung saan ang presinto mo so I did a room-to-room check. May mga nakapost naman na list sa may pinto ng classrooms.
And as expected, nasa listahan pa ako. Gosh, I was so tempted to vote! I felt that my country needs my vote now more than ever. Pero siyempre hindi ko ginawa kasi nga Canadian citizen na ako. I just hoped na wala sanang ibang gumamit ng balotang para sa akin.
Walang masyadong tao sa labas, yun pala nasa loob na ng classrooms at naga-antay na makaboto. As in punung-puno na ang mga presinto. I felt bad for those people kasi nga sobrang init na at siguradong tatanghaliin na sila doon. We were lucky because Mamoosh is a senior citizen. May priority line for the oldies kaya medyo napabilis. Medyo nag-antay pa rin siya ng 25 minutes bago nakaboto.
It was Nathan's first time to step in a Philippine school, aliw na aliw siya. Ibang-iba nga kasi ang schools dito kumpara sa Canada.
Mamoosh was done voting at around 8:10am. I was happy na nandito kami ngayon sa Pinas kasi nga nasamahan namin siya. I will feel bad kung mag-isa lang siyang boboto o hindi siya boboto.
Post-Election Thoughts
Three hours pa lang after matapos ang botohan eh alam ko na na wala sa mga binoto ni Mamoosh ang papasok sa Magic 12. I actually gave her a list of who to vote kasi hiningan niya ako. I was so disheartened. Middle-class sentiment, I know. I felt bad for our country, feared for the future of our younger generations. I've never been this so disappointed in politics sa totoo lang.
Admittedly, ang unang pumasok sa utak ko nang una kong makita ang partial result for senators ay: "Syet, buti na lang Canadian na kami!" There was a part of me na relieved kasi kung tutuusin, hindi na kami makakasama sa sinking ship that is the Philippines. Pero syempre hindi naman ako talaga selfish. Kung maayos man ang kinalalagyan ko ngayong bansa, gusto ko rin na maayos ang bansang pinagmulan ko at kinalalagyan ng pamilya at mga kaibigan ko. Kaya nga sobra-sobrang ang pagkadismaya ko sa resulta ng eleksyong ito eh.
Eighty percent of Filipinos belong to the lower class. Nakakalungkot kasi hanggang may mga Pilipinong kapos sa pinag-aralan, may boboto at boboto sa kandidatong gwapo lang (kahit na magnanakaw). Hanggang may Pilipinong kumakalam ang sikmura, may boboto sa kandidatong namimili ng boto sa halagang limang daan. Iyan nga siguro ang "resbak" ng mahihirap sa minorya ng Pilipinong medyo nakaangat sa buhay at antas ng edukasyon.
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin sa Pinas. Nawawalan na ako ng pag-asa. SINKING SHIP -- yan na talaga ang tingin ko. Sana lang talaga mali ako.
No comments:
Post a Comment